Chapter 41

8.9K 184 19
                                    

Jema's

We're on our way papuntang EK. Feel ko lang kasi maging masaya ngayon. The day after kasing magtanong ako kung sino yung "Deanna" iba na yung kinikilos nila Tots. Para ngang may mali eh.

Madalas ko na ring napapanaginipan yung babae na hindi ko parin makita yung mukha. Katulad kagabi, may sinabi nanaman siya saakin.

"Mahal na mahal kita, pero kailangan ko tong gawin hindi dahil sa gusto ko kundi dahil sa gusto ng tatay ko."

Ang weird nga eh? Ano bang kinalaman ko sa buhay niya? Pfft.

It's already 2pm at malapit na kami. Si Jia yung nag-ddrive. Si Ate Ella yung nasa tabi niya, at kaming dalawa naman ni Tots yung nasa likod.

"Oh, naririnig ko na yung tyan mo na kumukulo."

Napalingon naman ako sa nagsalita at inabot sakin ni Tots yung biscuit pero tinanggihan ko. Gusto ko kanin eh.

"Ayos lang ako, dun nalang tayo kumain pagka-dating. Gusto ko kumain ng kanin eh. Diba nga di pa tayo naglu-lunch kaya siguro ayun yung gusto ko." Hindi ko alam kung bakit kailangan kong i-explain yun.

Kanin na may ulam lang naman ang gusto ko.

Tumango nalang siya at isinandal ang ulo niya sa may bintana. Isa pa to, hindi na niya ako masyadong pinapansin tapos parang palagi pang lutang, lalim lagi ng iniisip eh. Pero hindi ko nalang din pinapansin yun.

Nakarating na rin kami sa wakas! Aaaaahhhh! Namiss ko to. Pakiramdam ko kasi minsan parang Hong Kong Disneyland to eh, gusto ko pa naman makapunta dun kasi hindi ko pa siya napupuntahan.

"Jia, mag order ka na ng pagkain muna please. Gutom na gutom na kasi ako eh." Sabi ko kay Jia.

"Binibigyan ka kasi ng biscuit kanina, ayaw pang kuhain, sinong shonga?"

Bumulong naman si Tots pero hindi ko masyadong narinig kaya nagtanong ako kung ano yun.

"May binubulong ka?"

"Ah? W-wala. Sige, tara Jia order na tayo ng pagkain ng dalawang baboy na to." Si Ate Ella lang naman ang baboy saaming apat ah?

Bakit ako isinasama? Payat payat ko nga eh.

Pero kanina ko rin to napapansin, tahimik lang si Ate Ella. Ano kaya problema neto? Pagkain nanaman ba?

"Te? Ayos ka lang ba? May problema ka? Baka makatulong ako. Pwera lang sa pagkain ah?" Natatawa kong sabi pero seryoso lang siyang napatingin saakin.

Kumunot naman yung noo ko kasi parang ang lungkot niya.

"Hala? Ate Ella, okay ka lang ba? Ano ba kasing problema mo?" Nilapitan ko naman siya at niyakap.

"W-wala, baliw. Okay lang ako. Ikaw? Okay ka lang ba? May naaalala ka nanaman ba?"

Tinignan ko naman siya at ngumiti ng pilit. Sabihin ko kaya yung tungkol sa panaginip ko? Hindi ko pa kasi sila nasasabihan eh.

"Ate Ella. May napapanaginipan ako, babae. Pero hindi ko makita yung mukha niya eh, lagi siyang lumalabas sa panaginip ko at laging may sinasabi saakin."

Nakita ko namang kumunot yung noo niya kaya nagsalita na ulit ako.

"Lagi niyang sinasabi na mahal niya ako, at babalikan niya ako pagkatapos nun magiging masaya na kami pareho. Hindi niya daw ginagawa yun dahil gusto niya kundi dahil sa kagustuhan ng tatay niya. Ano kaya yun no, ate Ella? Ano kayang kinalaman-"

Same Old Love (GaWong)Where stories live. Discover now