CHAPTER 1: FULL MOON

905 146 18
                                    

L U N A

Ngayong gabi, ako ay nasa isang parke na malapit sa ospital. Ramdam na ramdam ko ang simoy ng hanging napakalamig. Nakatingin sa kalangitan at pinagmamasdan ang liwanag at ganda ng buwan. Mag-isa akong nakaupo sa bench hawak-hawak ang nag-iisang gitarang iniregalo niya sa 'kin. Aking inilapat ang mga daliri sa kuwerdas ng gitara at sinimulang kantahin ang kantang isinulat niya para sa akin.

~The sun shines bright high up in the sky
Just like my normal days surrounded by people
But although I was surrounded by many
In truth I was just standing alone all on my own

Day by day I've always wondered
Would I find someone that'll stand with me?
And hold my hand close to them tightly?

And I'm here standing alone
Waiting for you to come
And I'm here on my knees praying
Hoping for you to come
And I'm here laying down
Dreaming of you coming
'Cause wherever you are I'll always wait

Time passes on and I still stood alone
I slowly become enshrouded in endless darkness
But suddenly you came crashing into my life
And lighten everything up like the moon at night

And I'm here standing alone
Waiting for you to come
And I'm here on my knees praying
Hoping for you to come
And I'm here laying down
Dreaming of you coming
'Cause wherever you are I'll always wait

I just used to imagine how we'll meet
I thought everything will just remain like it was a sweet dream
But that day when I first laid my eyes on you
I immediately knew it was a fateful meeting
Like how the sun and moon finally meets in an eclipse

And I'm here standing alone
Waiting for you to come
And I'm here on my knees praying
Hoping for you to come
And I'm here laying down
Dreaming of you coming
'Cause wherever you are I'll always wait~

Hindi ko magawang pigilan ang pagpatak ng mga luha mula sa aking dalawang mata dahil hindi ko pa rin malimot ang nangyari sa kanya kahit labingwalong buwan na ang nakalipas. Dinudurog at binabasag nang paulit-ulit ang puso ko tuwing naaalala ang nangyari.

Napatigil lamang ako sa aking pag-iyak nang marinig ko ang tunog ng aking phone at nakita ang petsang naka-alarm dito, kaarawan niya pala ngayon.

Mag-isa akong naglakad pabalik sa ospital nang mapagtantong naiwan ko ang gitara ni Sol. "Teka sandali," naiiritang bulong ko sa sarili. Bumalik ako sa bench kung saan ako umupo at mayroong nakitang isang pusa. Kulay puti ang balat nito at kulay asul ang mga mata. Naglakad ito palapit sa akin at dinilaan ang aking palad nang yumuko ako.

Tiningnan niya ako na para bang gustong mag paampon sa 'kin. Hindi naman siguro masama kung isasama ko siya pabalik sa ospital.

Nang makarating na ako sa entrance ng ospital, ibinaba ko ang napaka-cute na pusa. "Hindi kita pwedeng isama sa loob, sa susunod na lang ha?"

"Meow!"

Nang marating ko ang third floor, agad kong hinanap ang kwarto ni Sol. Pagpasok ko, nagulat ako sa aking nakita. Nasa loob ang mga kaibigan namin ni Sol na sina Jazz, Amethyst, Luke, Althea at Bryan.

Parehong nakasuot ng kulay yellow shirt sina Jazz at Amethyst at may naka-print na salitang 'LOVE'. Si Luke naman ay naka leather jacket at ripped jeans. Si Althea naman ay nakalugay ang mahabang buhok at red dress na abot sa kanyang tuhod. Habang si Bryan naman ay suot-suot ang kanyang paboritong asul na sweater kasama ang puting shorts at ang makapal niyang salamin.

Madami silang dalang chocolate cake at cupcakes na may design pa na heart topings. Hindi ko maiwasang hindi maging emosyonal dahil hindi nila nakalimutan si Sol hanggang ngayon.

Nagulat rin ako dahil sinama ni Amethyst ang dalawa niyang pamangkin na babae, sina Dawn at Twilight. Hinila ni Dawn ang damit ko.

"Tita Luna, I want the chocolate cake," sabi ni Dawn sakin.

"No! Tita I want it!" anang pakiusap din ni Twilight.

"Twilight, give your sister some cake. You are the eldest one. Learn to share things with her." Nagkibitbalikat na lang ito at tumakbo papunta sa tito niyang comatose.

Pinagbabawalan kasi sila ng kanilang mga magulang na kumain ng matatamis na pagkain kaya sa akin sila nagpaalam.

"Tita, when will tito Sol wake up again?" tanong ni Twilight sa 'kin.

"Sooner, baby. Kapag nagising na ang Tito niyo, pupunta tayo sa Planetarium like what he promised." Narinig ni Dawn ito at napapalakpak sa tuwa.

"Is it true Tita that when tito wake up again we're going to Planetarium?" Kitang-kita ang pagningning ng kanyang mga mata na tila mga bituin sa pagkislap.

"Yes, Dawn. Pangako ni Tita Luna 'yan sa inyo," sabi ko sa kanila habang hawak ang kanilang mga kamay. Nang magyayang kumain na si Jazz, iniwan ako nina Twilight at Dawn at nakangiting lumapit sa kanilang tita.

Pagkatapos naming kumain, ilang sandali ay nagpaalam na ang mga kaibigan namin ni Sol. Hinalikan ko sa noo ang dalawang pamangkin ni Amethyst bago sila umalis.

"Babye, Tita Luna! We love you!"

"I love you too babies!" Tuluyan na silang nakaalis at sa huli ay kaming dalawa na lang ni Sol ang naiwan sa loob ng kwarto.

Hindi ko maiwasang mapangiti at malungkot sa kanyang kalagayan ngayon. Sabi ng doktor, mayroon pa siyang pag-asang bumalik sa dati. Kaya hanggang sa huli ay ipaglalaban ko siya at alam kong siya rin ay lumalaban.

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, sadyang napakakinis. Pinagmasdan ko rin ang kanyang matangos na ilong, mapulang labi, mahabang pilikmata at magagandang mga mata kahit ito'y nakasara. Napangiti pa ako nang maisip na daig pa ako ni Sol. Ang dami ko ng ginastos para sa balat ko ngunit ang dami ko pa ring tigyawat.

"Wake up now, sleepy head. Please! I miss you so much. We miss you so much. It's been a while since the last time we've been together. Miss na miss na kita. Love, laban lang ha? Walang susuko," bulong ko sa kanya.

Pinunasan ko ang tumulong luha sa kaliwang mata ko. Tiningnan ko ang singsing sa kanyang kanang kamay.

Mayroon itong naka-ukit na hugis crescent moon at sa 'kin naman ay may hugis ng araw.

Marahil sa sobrang pagod at pag-iyak, hindi ko namalayang ako'y nakatulog na.

Kinabukasan, mayroon akong nakitang dalawang librong nakapatong sa mesang katabi ng kama ni Sol. Mayroon itong maliit na papel na may sulat galing kay Mama Lorraine, ang nanay ni Sol.

"Luna, galing ako rito kagabi. Hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka na. Gusto ko lang ipabasa sa 'yo ang dalawang librong 'to. -Mama Lorraine."

Kinuha ko ang isang libro na may disenyong solar eclipse. Ito ay aking binuksan, pinagmasdan at sinimulang basahin. Habang binabasa, kumunot ang aking mga kilay dahil pamilyar ang nakasulat dito.

"May diary si Sol? Kailan niya pa ito ginawa? Ang galing talaga niya," bulong ko sa sarili. Namangha ako nang sobra dahil sa ganda ng nilalaman ng kanyang sinulat. 

Walang ibang nakasulat dito kung hindi ang kwento ng aming pag-iibigan... 

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now