CHAPTER 50: HEARTBROKEN

54 7 0
                                    

LUNA

Kinabukasan, tumigil na ang malakas na ulan at nawala na ang lagnat namin ni Amethyst.

Araw ng Sabado ngayon kaya kung magyaya man na gumala ang loka ngayong araw.  Agad-agad ay makakatakas kami ng bahay.

Bumangon na ako sa kama ko at inayos ang higaan ko habang si Amethyst naman ay mahimbing pa sa kaniyang pagkakatulog.

Umupo na ako sa kama ko at nag-unat ng braso. Napalingon ako sa phone ko ng tumunog ito. Kinuha ko ang bilog kong eyeglass sa ibabaw ng mesa, binuksan ko ang isang message. At lumitaw ang pangalan ng groupchat naming tatlo ni Althea at Amethyst.

Althea sent a message to Pabebe Girls

Althea: Mga bruha! Omg I'm so heart broken na HUHUHUH 

1:00 am

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Althea, ano nanaman kaya ang ginawa ni Luke sa kan'ya? Kung magkikita man kami ng lalaking 'yon sisiguraduhin kong babaliin ko lahat ang mga buto sa kaniyang katawan.

Sinimulan ko na mag type, saktong online na si Althea dahil kanina pa pala madaling araw siyang mag message.

Luna: Althea, napano? may nangyari bang masama? 

Delivered 8:30 am

Althea is typing...

Althea: You can't imagine what happened! nakakaintriga talaga!!! 

Seen 8:31 am

My mind was packed with endless possibilities, and I just can't figure out what had happened to her.

Luna: Ano ba nangyari Althea? 

Delivered 8:31 am

Althea: Si.. Luke!!!! 

Seen 8:32 am

I began to get irritated and started to write in uppercase letters to smack her senses.

Luna: ANO BA NANGYARI KAY LUKE O SA INYONG DALAWA? Delivered 8:32 am

Althea: Nakalimutan niyang... 

8:32 am

Luna: ANG ALIN??? 

8:33 am

Ano naman nakalimutan ng lalaking 'yon? Nakalimutan niya bang patayin ang stove nila at nasunog ang bahay nila? O kaya hindi naisara ang gripo nila tapos bumaha ang bahay nila? Ah! Alam ko na. Siguro nagka amnesia ang lalaking 'yon at nakalimutan na niya si Althea.

Althea: Nakalimutan niya na monthsarry namin ngayong araw!!! 

Seen 8:34

Hindi ko mapagilan ang matawa kaya nahulog ako sa sahig at biglang kumalabog dito sa kwarto. Dahil sa ingay na ginawa ko, nagising ang sleeping beauty. Inalis ni Amethyst ang kaniyang eye cover at tumingin siya sa'kin nang may pagtataka.

"Ayos ka lang Luna?" tanong ni Amethyst at naupo na sa kama. 

"Ayos lang ako, ang kaibigan kasi natin may malaking problema." Bumangon na ako sa aking pagkakahulog at pinakita kay Amethyst ang mga messages ni Althea. Kinuha ni Amethyst ang phone ko at nagbasa ng malakas.

"Dear beautiful, good morning!" sabi ni Amethyst, nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Binabasa niya ba ang conversation namin ni Sol? My dear privacy is breached! Agad ko hinablot sa kamay niya ang cellphone ko at tinignan ko kung may message nga bang ganoon.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now