CHAPTER 52: BROWNIES

52 8 0
                                    

LUNA

"Hoy panget!" sigaw ni Sol sa'kin at sinamaan ko siya ng tingin. Bumaba siya sa kotseng minamaneho niya at tinaasan ko siya ng kilay nang inialay niya ang kamay niya sa'kin. "Uuwi kana diba? Hatid na kita sa inyo."

Tinabig ko ang kamay niya. "Baka naman iligaw mo'ko no!"

Tumawa si Sol at pinisil ang ilong ko. Kinuha niya sa mga kamay ko ang mga paperbag kong dala, at ipinasok ito sa trunk ng kotse. "Hop in," sabi niya at kumindat siya.

Pinagbukas niya ako ng pintuan at pumasok na ako. Isinuot ko agad ang seatbelt at nag krus. "Baka namang biyaheng langit 'to ah," sabi ko.

"Gusto mo ba?" Agad ko siyang pinalo sa braso at tinakpan ang mukha ko. 

Nagmaneho na si Sol at agad tinahak ang diretso ang daan papunta sa amin na ikinatuwa ko. Suot-suot ni Sol ang Sunglasses na ibinigay ko sa kaniya at tumama sa mukha niya ang sinag ng Araw. 

Kinuha ko ang phone ko at pa simple ko siyang pinicturan. Bigla siyang lumingon sa'kin dahil nakalimutan kong patayin ang flash ng phone ko. "Ikaw ah! pinicpicturan mo ako nang patago."

Ngumisi si Sol at humarap sa phone ko habang naka red light ang traffic light rito sa highway. Hindi ko siya pinansin at tumawa naman ito.

Binuksan niya ang radio ng kotse at sumabay sa kantang tumutugtog. And I started to sing along with him. 

Girl, just let your hair down
Let's paint the whole town
Life is our playground, yeah
But I'm not a kid no more
So I must open doors and make you feel like the lady you are
My momma raised me to be classy, not flashy
I'm happy to please you
Though I can tell that's not what you're used to

And they say (they say) chivalry is dead (dead, dead)
Girl, let a real man pick up the slack
And treat you with respect, yeah

And you don't have to love me, love me, love me
You don't have to love me, love me, love me
Just 'cause I'm a gentleman don't mean
I ain't taking you to bed

{©Chivalry Is Dead by Trevor Westly}

Hindi ko namalayan na nandito na kami sa harap ng bahay namin dahil sa sobrang daldal at kulit netong driver ko. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at inialalayan akong makababa. 

"Thank you ha? Nag-enjoy ako," sabi niya at ngumiti sa'kin.

"Nag-enjoy din ako," sagot ko sa kaniya. Binuksan niya ang trunk ng kotse at iniabot sa'kin ang mga pinamili ko. Muli na siyang sumakay sa kotse at bumusina bago umalis.

Pumasok na ako sa bahay at bumungad sa'kin sina Daddy at Amethyst na naglalaro ng Chess sa salas. "Luna, nag lunch kana ba?" tanong sa'kin ni tita Jade habang may ginagawa sa kusina.

"Opo tita," sagot ko sa kaniya. Ibinaba ko sa mesa ang mga pinamili ko at lumapit kay tita Jade. "Tita ano po ginagawa ninyo?" tanong ko sa kaniya habang pinagmamasdan ko ang mga maraming sangkap sa mesa. 

"I'm making brownies!" masiglang tugon niya habang may tinitignan si tita Jade sa loob ng refrigerator. Inilagay niya sa mesa ang maraming chocolate bars at sinimulan na niyang gumawa ng brownies.

"Tita, pwede po akong tumulong?" tanong ko sa kaniya dahil may naisip akong plano na ikakatuwa ni Sol. 

"Sure, Luna!"

Kumuha ng baking pan si tita Jade at pinahiran niya ito ng butter. "Luna, takpan mo ng parchment paper," sabi ni tita Jade at agad kong kinuha ang mga maninipis na papel sa mesa at tinakpan ang pan. 

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon