CHAPTER 16: LORRAINE TRINIDAD

137 47 0
                                    

T H I R D  P E R S O N  P O V

Nasa saksakyan na ang apat. Si Myllah ang nasa driver's seat dahil pinagbawalan niyang magmaneho ang tatlo. Naaksidente kasi ang mga ito noong nakaraang taon.

Kanina pa lingon nang lingon si Sol sa kanyang wrist watch at siya tila hindi mapakali. Makalipas kasi ang maraming buwan, ngayon niya lang muli makakasama ang kanyang ina.

"Sol, kanina kapa aligaga, ayos ka lang ba?" tanong ni Myllah sa kanya.

"Opo, kinakabahan lang po ako nang kaunti. Pogi po ba ako sa suot ko?" Pabalik na tanong ni Sol kay Myllah.

"Oo naman! Ako pumili sa damit mo eh."

"Ehem sana all binibilhan ng damit," singit naman ni Elijah.

"Sana all may bagong damit," dagdag pa ni Marcus.

Kung hindi lamang nagmamaneho ang kanilang Nanay, kanina pa nabatukan ang dalawang Makukulit niyang anak. 

***

Makalipas ang isang oras na biyahe nakarating na ang apat sa hospital. "Hello, Miss? Anong room number ni Lorraine Trinidad?" Tanong ni Myllah sa isang cute na nurse na nakasalamin at singkit.

"Room 819 po."

"Okay salamat," matipid na sagot ni Myllah.

***


S O L

Iniwan ako ng tatlo kong kasama kaya mag-isa kong haharapin si mama. Huminga muna ako nang malalim bago ako kumatok sa kanyang pintuan.

Knock knock!

Agad naman niya itong binuksan ngunit bigla akong nakaramdam ng lungkot nang makita kong mas pumayat siya at mas lumaki ang kanyang mga eyebags. Walang emosyon niya akong tiningnan pero akin na lamang itong hinayaan. Sinundan ko siya nang bumalik siya sa kanyang kinauupuan malapit sa isang bintana. Pinagmamasdan niya ang mga bulaklak doon habang ako naman, siya ang aking pinagmamasdan.

Katahimikan ang bumabalot ngayon sa kwartong ito. Lalabas na sana ako pero siya ay tumayo at niyakap niya ako sa likuran. Unti-unting namumuo ang luha sa mga mata ko at tuluyan na ngang bumagsak nang humarap ako sa kanya.

"Anak, I miss you." Maluha-luhang sambit ni mama.

"Ma, na-miss din po kita. Kumusta ka na?"

"Heto 'nak, bumubuti na ang kalagayan ko."

"Anong bumubuti, ma? Lalo ka ngang pumayat tapos lumaki pa mga eyebags mo." Sermon ko sa kanya at kumalas na ako sa yakap niya sa akin.

Nandito ngayon sa aking harapan ang unang babaeng aking minahal sa buong buhay ko. Hinding-hindi ko siya papabayaan o iiwanan.

"Anak, ano 'to?" turo niya sa puting damit niya na nagkulay brown.

Kanina bago kami umalis ng bahay, binigyan ni Ninang Myllah ng make-up ang mukha ko para hindi halata 'tong mga pasa ko.

"Sol! 'Wag ka ngang malikot! Make-up lang 'yan bakit takot na takot ka?" Naiinis na sabi sa akin ni Ninang Myllah.

"Bagay mo 'yan! Magsuot ka na lang ng make up araw-araw ha?" Pang-aasar pa ni Elijah na naki-apir pa kay Marcus.

"Itatakas mo pa si Lu–"

"'Wag kang maingay!" Bulyaw ni Elijah sa kanyang kapatid.

"Anong takas?" Nagtatakang tanong ni Ninang.

"Totoo bang nalaglag ka sa bubong o marunong ka ng makipag-away ngayon?"

"Nalaglag po talaga ako sa bubong," mahinahong tugon ko sa kanya. Tumigil siya sa kaniyang pag-make-up sa akin sabay kinurot ang ilong ko.

"Kapag naman nalaman ko ang totoo, lagot kayong tatlo sa akin," banta niya sa aming tatlo.

"Ma, wala ka bang tiwala sa aming tatlong mga anak mo?" tanong ni Elijah. Bahagya akong napangiti dahil kapatid at anak na ang trato nilang tatlo sa akin.

"'Nak, nandyan ka pa ba?" Tanong ni Mama sa akin. Kanina pa pala ako nakatulala. "Anong iniisip mo?" Dagdag niya pang tanong.

"Wala po, miss lang po talaga kita."

"Bakit ka pala may make-up sa mukha 'nak? 'wag mo sabihing bumibigay ka na!" Nanlaki ang mga mata niya at sabay takip pa ng bibig.

"Mama naman, kahit kailan talaga ang kulit-kulit mo!" Natatawang tugon ko sa kanya. "Sinubukan ko lang naman para mas maging pogi ako ngayon. Ang pinakamamahal kong babae sa buong mundo ang makakasama ko. Nakakahiya naman baka sabihan niya akong pangit."

"Wow! Ang sweet naman ng Sol ko, nagbibinata na."

"Ma, pasensya ka na ha? Hindi kita palaging nabibisita dito. Naging busy po ako sa school at saka rumaraket na rin po ako ngayon para may panggastos tayo sa mga gamot mo."

Tumalikod ako sa kanya, dahil anomang oras ay papatak na ang mga luha ko. Hindi ko kayang harapin ang katotohanang nagkulang ako sa sarili kong ina. Masyado akong nagiging makasarili.

Dumungaw ako sa bintana at unti-unting nagbagsakan ang mga dahon mula sa puno, kasabay nito ang pagbagsak din ng luha ko. Biglang lumapit sa 'kin si Mama. Kahit wala pa akong sinasabi, alam na niya kung ano'ng nararamdaman ko.

"Ayos lang 'nak. Huwag mong sisihin ang sarili mo."

Humarap ako sa kanya at huminga nang malalim, "Ma, may sasabihin ako sa 'yo."

"Ano 'yon?" Tugon niya habang pinupunasan ang aking mga luhang tumutulo pa rin.


T H I R D  P E R S O N  P O V

Makalipas ang kalahating oras na pag-uusap ng mag-ina, bakas sa kanilang mukha ang tuwa at ang pagka-miss nila sa isa't isa. Dumating na rin ang tatlo sa kwarto ni Lorraine na may dala-dalang masasarap na pagkain. Sabay-sabay silang nagsalo-salo at napuno ang apat na sulok ng kwarto ng tuwa at pagmamahal ng mga binata.

Matapos nilang bisitahin si Lorraine sa hospital, mahimbing na nakatulog si Sol sa sasakyan nang nakangiti.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now