CHAPTER 9: LATE NIGHT TALKS

167 84 2
                                    

L U N A

Nagpalit na ako ng damit, isinuot ko ang aking purple panjamas at bunny sleepers. Dumungaw ako sa bintana habang iniinom ang tinimpla kong gatas.

Tumingin ako sa kalangitan at nakita kong bilog ngayon ang buwan. Kahit gabi na ay maliwanag pa rin ang paligid. Isasara ko na sana ang kurtina ng bintana, ngunit bigla akong napatigil dahil mayroon akong narinig na pagkaluskos sa garden namin.

Kinabahan ako dahil may anino ng tao akong nasulyapan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung kanino anino ito — si Sol. Umakyat siya ng puno, at pareho kaming napasigaw sa gulat nang magkatinginan kami.

"Anong ginagawa mo r'yan?!" Natatarantang tanong ko sa kanya.

"Naka-lock na gate niyo eh! Naiwan ko sa salas 'yong laptop ko," sagot niya sa 'kin. "Hindi ko naman kasi alam 'yong number mo kaya hindi kita matawagan." Nakangiti niya pang sambit sa akin.

"Alam mo, bulok na 'yang style mo. Mahulog ka sana mula sa puno." Umiling-iling na lamang si Sol sa kanyang narinig.

Bumaba ako sa salas at kinuha ang laptop ni Sol. Lumabas ako ng bahay at pumuntang garden. Nakita ko siyang nakaupo sa bench at nakatingala sa kalangitan.

Nilapitan ko siya at umupo ako sa tabi niya.

"Miss mo na ako 'no?" nakangising sambit ni Sol.

"Hindi ah! Umuwi ka na nga," depensa ko at iniabot na sa kanya ang laptop.

"Kararating ko lang, tinataboy mo na agad ako?"

"Sol naman, mag aala-una na ng madaling araw. Wala ka bang balak umuwi?"

"Nasaan pala ang mga magulang mo, Luna?" biglaang pagtanong ni Sol.

"I asked you a question that was answerable by yes or no. Bakit mo ako sinagot ng tanong?" Pagsusungit ko.

"Galit ka na niyan?" Tumingin na lamang ako sa kalangitan at hindi siya pinansin.

"Si Daddy, he is out of town dahil sa work niya. Si Mommy naman, wala na. She died while giving birth sa 'kin. Naging maselan ang pagbubuntis ni Mommy. Kwento ni Daddy na he went outside the hospital while Mommy is giving birth. He saw the moon and it was so bright. Pagbalik ni Daddy sa ospital, bigla siyang nanghina at halos matumba sa sinabi ng doctor sa kanya. My Mom... did not make it." Tumingala ako sa itaas para hindi tumulo ang luha ko.

"I'm sorr–"

"No, it's fine."

"Ikaw, Sol? Nasaan ang mga magulang mo?" tanong ko sa kanya. Napasinghap ito bago sumagot sa tanong ko.

"Si Papa naman ay wala na rin. Magkasama kaming tatlo nina papa at mama sa park, I was still young back then. Lahat kami masaya at walang inaalala. Pero nang makauwi kami, nakita namin ang bahay namin ay nasusunog. Someone told us na sinadya ang sunog na iyon pero hanggang ngayon, hindi namin matukoy kung sino ang may kagagawan n'on." Bakas sa mukha ni Sol ang lungkot habang nagkekwento siya sa akin.

"I won't rest hangga't hindi ko pa nahahanap ang salarin na 'yon."

Naramdaman kong biglang lumamig ang simoy ng hangin kaya medyo gininaw ako. Hinubad ni Sol ang suot-suot niyang jacket at ipinatong niya ito sa balikat ko.

"Salamat, Sol." Nginitian ko siya sa dahil sa kanyang pagmamalasakit. Ngunit nang lumipas ang ilang minuto, nakita ko siyang nanginig dahil sa lamig ng hangin. Hinawakan ko ang kanyang noo at muntik ng mapaso ang aking kamay.

"Sol, ayos ka lang? Ang taas ng lagnat mo!" Natatarantang sabi ko sa kanya.

"Ayos lang naman ako," sagot niya sa akin habang inuubo-ubo. Mukha ba siyang ayos sa lagay na 'yan? Bigla niya akong hinila at niyakap.

"Sol..." nag-aalalang tawag ko sa kanya.

"5 seconds more please," sabi niya habang nanginginig at garagal ang boses. Nakita ko ang lungkot at pag-aalala sa kanyang mga mata, unti-unti na ring tumulo ang mga mga luha mula rito at pinunasan niya ito. Kumalas na ako sa pagkayap niya at aking ipinatong ang ulo ko sa kanyang dibdib at sabay ipinikit ang aking mga mata.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now