CHAPTER 44: SWEAT

48 8 0
                                    

LUNA

Nasa bewang ko ang dalawang kamay niya at pinulupot ko ang dalawang kamay ko sa kaniyang leeg at mabagal kaming sumasayaw dalawa.

Hinalikan niya ako sa noo at may ibinulong sa'kin kaso hindi ko iyon marinig.

Nagulat na lamang ako nang dahan-dahan kumawala si Sol sa pagkakahawak sa'kin at bigla siyang bumagsak sa lupa

"Sol!" Patuloy ko siyang tinatawag at ginigising ngunit hindi ito sumasagot sa'kin.

Nandito ngayon ako sa isang ospital at ang daming mga apparatus ang nakalagay sa katawan nito habang payapa ang kaniyang itsura at nakahiga ito sa isang kulay puti na kama. Pilit ko siyang ginigising kaso hindi man lang niya ako sinasagutan.

Bigla na lamang ako nagising, sobrang lakas ng tibok ng puso ko at parang nakabara sa aking lalamunan, at tumutulo ang malamig na pawis sa aking noo papunta sa aking pinsgi. Pagkamulat ng mga mata ko, nakita kong nasa harapan ko si Sol, bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala.

It was a dream all along, thank goodness that he is safe. Hindi ako papayagan na mangyari iyon kay Sol. Dreams don't come true naman, hindi ba? Tama. Hindi mangyayari kay Sol ang nakita ko sa panaginip ko.

"Luna ayos ka lang?" Umupo si Sol sa harapan ko at hindi ko ito matignan nang derecho sa mga mata. Hinahabol ko parin ang hininga ko.

"Sandali lang, kuha kitang tubig," sabi niya at bumaba ito  nang hagdan para pagkuha ako ng tubig. Pagkabalik niya inabot niya sa'kin ang isang baso at ininom ko ito. "Did you have a nightmare?" tanong niya at mabagal akong tumango.

Nang mapakalma ko na ang sarili ko, hindi ko na sinabi kay Sol ang panaginip ko dahil ayaw ko siyang mag-alala.

"Ano pala ginawa mo habang natutulog kami ni Amethyst?" tanong ko sa kaniya.

"Sinamahan ko si tita Jade na mag grocery," sabi niya. "I-massage mo nga likod ko, ang sakit eh," sabi ni Sol nang may ngisi sa kaniyang labi. Agad ko kinuha ko ang isang unan sa kama at hinampas ito sa mukha niya.

"Bahala ka d'yan, maliligo muna ako."

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" tanong muli ni Sol at binigyan ko siya ng isang ngiti.

Kinuha ko ang bunny slippers ko at kumuha ng sabon at shampoo sa bag ko at nagtungo sa banyo habang bumaba na si Sol.

Hinayaan kong tumulo ang mainit na tubig sa buong katawan ko habang iniisip parin ang napaginipan ko kanina. 'Wag naman sana mangyari ito kay Sol.

Ipinikit ko ang mga mata ko at muli ko siyang nakita na nakahiga sa isang kama na walang malay.
Agad-agad ko iminulat ang mga mata ko at isinara ko na ang shower.

Katapos kong maligo, kinuha ko ang towel ko at pinupunasan ang katawan ko habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salamin. "Sol will be alright." paulit-ulit kong sabi sa sarili at nagbihis na.

Bumaba na ako sa hadgan at nakita ko sina tita Jade at Sol na nag didinner na. Umupo na ako sa upuan at pinagkuha na ako ni Sol ng plato, kutsara't tinidor.

Wow may utusan na ako. "Tita, chineck ko po kanina ang temperature ni Amethyst, nawala na ang lagnat niya." sabi ko at kumuha na ako ng kanin at ulam.

"Really? Salamat talaga Luna, maasahan ka talaga. Sana bukas wala na ang lagnat niya para ma-enjoy niya ang birthday niya bukas."

"Sana nga po tita." sagot ko at kumain na ako. "Alam mo ba Luna, itong Sol mo, sobrang sipag! Tinulungan ba naman akong mag grocery kanina at siya na lahat nagbuhat sa mga pinamili namin."

Napataas ang dalawang kilay ko at kumindat naman ang loko. "Pwede kana mag kargador, Sol." sabi ko at sumimangot siya.

---

Katapos namin iligpit ang pinagkainan namin, pinagsabihan kami dalawa ni tita na maaga kami gumising bukas dahil i susurprise daw namin ang prinsesa.

Pero nandito kami ngayon dalawa ni Sol sa rooftop ng bahay. Iniinom ko ang mainit na kapeng tinimpla niya. Nakaupo kami ngayon sa sahig at tinitignan namin ang mga bituin. May kinuha siya sa bulsa niya, isang lapis at isang maliit na notebook.

"Ano gagawin mo d'yan?" Tanong ko sa kaniya. "Huwag kang malikot Luna, i drdrawing kita." sagot niya sa'kin. Sumandal siya sa railings at gumuguhit siya ngayon sa harapan ko.

"Hoy dapat maganda ako ah!" sabi ko sa kaniya. "Inom ka ng kape tapos pose ka." sabi niya sa'kin.

Ininom ko ang kape habang nakatingin sa kawalan. "Hoy nakakangalay 'tong alam mo!" sabi ko sa kaniya. "Huwag kang magulo!" sigaw naman niya sa'kin

Muli akong nagpose at kita ko sa gilid ng mga mata ko na sobrang seryoso niyang gumuhit at napapangiti pa ang loko.

"Ayos na ba?"

"Aannnd done!"

Hinarap niya sa'kin ang notebook niya at nakita ko ang isang sketch drawing. Inabot niya sa'kin ang notebook at tinignan ito.

"Grabe ang ganda naman ah." sabi ko. "Syempre naman! Magaling ako eh!"

"Heh! Hindi 'yon. Sabi ko ang ganda ng nasa drawing." sabi ko sa kaniya. "Mahangin ka talaga Luna, gandang-ganda lang sa sarili?"

"Kumusta ka naman? Gwapong-gwapo sa sarili kahit hindi naman pogi!"

Biglang humangin ng malakas at tinangay ng hangin ang maliit na notebook.

Mabilis naming hinabol dalawa ang notebook. Nakuha namin ito at nagtama ang mga kamay namin.

"S-sorry." sabi niya. Inalis ko ang kamay ko sa notebook at iniabot ito sa kaniya. Tumalikod na ako sa kaniya at umalis na sa roof top at sinundan naman niya ako.

---

Pumasok na ako sa kwarto ko, bago ko ito isara, bumungad sa'kin ang itsura ni Sol. "Sa'yo nalang 'to." Iniabot niya sa'kin ang notebook kanina at kinuha ko ito.

"Thank you..." bulong ko. Ngumiti ito. "Matulog na tayo, kung hindi lagot tayo bukas kay tita Jade mo." sabi niya.

Tumango ako at bumalik na siya sa kwarto niya. Isinara ko na ang pintuan sa kwarto ko at napakagat ako sa labi ko.

Omg! Kinikilig ang lola niyo, tumalon ako sa kama ko at muli kong binuksan ang notebook.

Marami na din itong mga iba't ibang drawing, tulad ng drawing ng buwan, araw at ng mga bituin.

Sa gitnang pahina ng notebook niya, may isang malaking drawing na tinatakpan ng Buwan ang Araw at kulay pula ang paligid. May dalawang tao na kulay itim at nakatayo na pinagmamasdan ang Solar Eclipse.

Isinara ko na ang notebook ni Sol at niyakap ito. Nagdasal na ako at natulog na.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon