CHAPTER 2: STORY TELLING

541 132 15
                                    

L U N A

18 MONTHS AGO...

"The sun will enter a total eclipse over the Philippines for a few minutes on Monday."

"Thousands of locals and tourists watch in Central Luzon as the sky will be darkened at 12:00 PM."

"Some people also had traveled to Central Luzon just to watch the Solar Eclipse event, which will last for around four minutes."

"A solar eclipse occurs when the moon passes between the Earth and the sun, plunging the planet into darkness."

"It happens rarely in any given spot across the glob-"

Biglaang pinatay ni Daddy Jorden ang TV. "Luna, you're going to be late. Eat your breakfast. Gusto ni Daddy maging strong and healthy ka." Hindi na ako nagprotesta pa at tinuloy na lang ang aking pagkain.

Si Daddy lang ang kasama ko rito sa dalawang palapag na bahay namin. Mayroong isang garden sa likod na puno ng maraming rosas at may isang malit na bench na kulay asul. Sa harapan naman nito ay mayroong isang swimming pool na lima hanggang pitong talampakan ang lalim. Tulad ng gusto ni Mommy, kulay gatas at pula ang bahay namin. Isa kasi si Daddy sa gumawa ng pangarap na bahay nila ni Mommy, kaya naging malaking tulong ang natapos nitong Batsilyer ng Agham sa Inhinyeryang Sibil.

Nakagawian na nina Mom at Dad ang tingnan tuwing gabi ang magagandang mga bituin sa kalangitan at ang buwan.

"Anak, this weekend, hindi muna uuwi si Daddy dahil marami pang projects ang firm namin. I-lock mo na lang ang gate at pintuan. Then, i-text or i-call mo na lang ako lagi ha."

"All right, Dad! Ingat! Ako na pong bahala sa bahay," sagot ko kay Daddy.

Agad-agad kong inubos ang niluto ni Daddy na sinangag na may kasamang piniritong itlog at mabilis na ininom ang gatas na lasang tsokolate.

Pagkatapos kong kumain, sabay na ring umalis si Daddy.

"Bye, Dad!" hinalikan ko siya sa kanyang kaliwang pisngi.

"Luna, hindi kapa naliligo! Bilisan mo, late kana!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Dad.

"Oo nga pala, hindi pa pala ako naliligo!" Tumakbo ako sa hagdan at mabilis na pumasok sa banyo ng kwarto ko at agarang naligo.

Habang naliligo ako, hindi maalis sa isip ko kung anong mangyayari mamayang Solar Eclipse.

Mayroong kinwento sa akin si Lola noon, isang kwento tungkol sa pagmamahalan ng Araw at Buwan.

Nasa garden kaming dalawa ni Lola, nakakandong ako sa kanya at ikinikwento niya sa akin ang love story ng Araw at Buwan.

"Isang araw," sabi ni Lola Grace sa akin.

"Lola! 'Yong mga kwento mo laging nagsisimula sa 'isang araw'. Wala po bang bago, Lola?"

"Eto na lang Apo, Once upon a time..."

"Lola! Narinig ko na rin po 'yan. 'Yong kakaiba naman po, please?" Piningot tuloy ako ni Lola sa tenga.

"Hay nako! Ang kulit mo talaga, Luna! Makinig ka na lang sa kwento ko."

Tawang-tawa ako kay Lola dahil hindi siya makapagsimula sa ikikwento niya sa akin. Tumahimik na lamang ako at nakinig na sa kanya.

"Isang gabi, si Buwan ay mag-isa lamang sa kalangitan. Malungkot ito dahil hindi niya pa rin mahanap ang makapagbibigay liwanag sa kanyang madilim na buhay.

Nang mag-uumaga na, umalis si Buwan sa kinalalagyan niya. Nakita niya si Haring Araw, nasilaw si Buwan dahil ito ay napakliwanag at ganoon din ang kanyang ngiti. Masiyahin ito at tila ba walang problema sa buhay.

Halos mapunit ang labi ni Buwan sa kangingiti nito. Sa sobrang hiya niya sa kanyang sarili, umalis na lamang ito at pinagmasdan sa malayo si Araw.

Makalipas ang ilang araw, ganito lamang ang ginagawa ni Buwan. Ang pagmasdan sa kalayuan ang liwanag ni Araw.

Napansin ni Araw na may nagmamasid sa kanya sa kalayuan. Kaya't naisipang lumapit ni Araw kay Buwan.

Naging malapit ang loob nila sa isa't isa. Naging matalik silang magkaibigan. Sa huli, sila'y naging magkasintahan.

Sa sobrang lapit nila sa isa't isa, namalayan ni Buwan na nasisira ang kanyang katawan dahil sa sobrang init ni Araw.

Batid ni Buwan na nagkaroon ng hindi magandang epekto ang kanilang pagmamahalan sa iba pang mga planeta, lalo na ang mundo.

Nagkaroon ng lakas ng loob si Buwan at nakipaghiwalay sa kasintahang si Araw. Gustohin mang ipaglaban ni Araw ang kanilang pagmamahalan ngunit si Buwan mismo ay sumuko na.

Sinabi ni Buwan kay Araw ang rason nito bakit gusto niyang makipaghiwalay. Nakapag-isip naman ng paraan si Araw kung paano sila magkikitang muli. Napagdesisyunan ni Araw na magkita silang dalawa tuwing lilipas ang labingwalong buwan. At dahil dito, nagsimula na ang tinatawag nating 'Solar Eclipse'."

"Wow, Lola! Ang ganda naman po ng kwentong'yan. Totoo po bang nangyari 'yan?"  Tanong ko kay lola.

"Hindi naman, Apo. Pero naniniwala akong balang araw, ang pagmamahalan nilang dalawa ay muling isusulat ng tadhana. Malay mo Apo, ikaw pala ang buwan na tinutukoy sa kwento."

"Lola naman! Ayoko po 'yong kwentong 'yon! Masyado pong malungkot." Natawa na lang si Lola Grace sa akin dahil sa pagiging inosente ko.

"Maiintindihan mo rin balang araw na ang pagmamahal ay hindi lamang puro kilig at kaligayahan. Mahalaga rin ang pagkakaroon ng pag-unawa sa bawat isa. Gayunpaman, hindi rin maiiwasang dumating ang araw na mayroong magsasakripisyo."

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now