CHAPTER 11: ESCAPED

171 63 8
                                    

L U N A

Iminulat ko ang aking mga mata habang unti-unting pumapasok ang sinag ng araw rito sa aking kwarto. Ako ay nag-unat muna at nagpasalamat sa panibagong ipinagkaloob sa akin. Bumangon na rin ako at agad dumungaw sa bintana at binuksan ito at sumigaw ng, "Good morning, world!"

"Manahimik ka! May natutulog pa rito!" Bulyaw ng isang kapitbahay namin. Natawa na lang ako at tumakbo papuntang banyo para mag hilamos.

"Good morning, Daddy!" masayang pagbati ko sa kanya.

"Wow! Good mood ang unika hija ko ah?" Nakangiting tugon niya sakin. Tinanggal ni Daddy ang suot-suot niyang apron. Tinulungan ko na siyang ihapag ang almusal naming dalawa na inihanda niya.

"Sarap naman! May tuyo, hotdog at sunny-side-up. Dad, fried rice ba 'yon?" Umupo na kaming dalawa ni Daddy at sabay ng nag-almusal.

"'Nak, balita ko ay title defense ninyo mamaya? Galingan mo ha?" Napakagaling talaga ni Dad magpalakas ng loob ko.

"Yes, Dad. Thank you po!" Sagot ko at sabay siyang niyakap.

Nang matapos kaming kumain ay umalis na agad si Daddy at ako naman ay naghintay na lang ng school service sa labas.

Makalipas ang ilang minuto, bumaba na sa van si Amethyst at agad akong inakbayan. "Luna!" sigaw nito sa akin.

"'Wag ka ngang sumigaw, masakit sa tenga!" reklamo ko sa kanya habang papasok kami sa van. "Anong mayro'n ngayon? Ang sigla-sigla mo ah!" pagtataka kong tanong kay Amethsyt.

"Balita ko kasi, mag-peperform na mamaya sa bar ang banda nila Sol," sabi niya habang inaayos ang kanyang seatbealt.

"Bar? 'Di ba para sa mga matatanda lang yun?"

"Luna," hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tiningnan ako sa mga mata. "I have fake ID's!"

"Alam mo, sa mga kalokohan na tinuturo mo kay Luna ay mapapahamak 'yan dahil sa 'yo!" singit ni Jazz na nasa likuran namin.

"Manahimik ka at 'wag ka ngang KJ! Kasama naman niya ako," banat pabalik ni Amethyst.

"Anong oras ba sila tutugtog?" tanong ko kay Amethyst.

"Bandang five o'clock ng hapon nasa bar na sila. Saktong six o'clock, mag sisimula na."

"Saan mo pala nalamang tutugtog sila ngayon?" Kunot noong tanong ko ulit kay Amethyst.

"Sinabi sa akin ni Elijah!" Masiglang sagot niya sa akin.

"Kay Elijah pala ha." iritadong sambit ni Jazz sa likod.

"Kahit kailan talaga, napakaseloso mo! Daig mo pa mga babae!" Ibinato ni Amethyst kay Jazz ang hawak niyang plastic bottle. Umilag ito at natamaan naman si Bryan na payapang natutulog.

"Aray ko! Sinong bumato sa poging pagmumukha ko?!" galit na tanong niya sa mga malilikot naming kasama.

"Sorry, Bryan." Nag-peace sign pa si Amethyst sa kanya. Umiling-iling na lamang si Bryan at bumalik sa pagtulog.

Nakarating na kami ng school. Kasama ko ngayong naglalakad sa corridor ang mga kaibigan ko. "Luna, may title defense kayo ngayon nina Stella at Sol, 'di ba?" tanong sa akin ni Bryan habang pinupunasan ang kanyang eye-glasses gamit ang polo niya.

"Oo, bakit?' tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Good luck!" Nakangiting sabi niya sa akin at nagpunas naulit siya ng kaniyang salamin.


M A R C U S

Kasama ko ngayon ang dalawa sa paglalakad. Fishball lang ang almusal namin ngayon dahil hindi agad nagising si Kuya Elijah kaya hindi siya nakapagluto ng almusal namin. Sobra akong nasasabik mamayang gabi dahil alam kong ito na ang magiging Big Break ng aming banda.

"Masama pa rin ba pakiramdam mo?" tanong ni kuya kay Sol. Napalingon ako sa kanilang dalawa at nakita kong naka-upo na sa humps si Sol.

"Namumutla ka," nag-aalalang lumapit ako kay Sol upang tulungan siyang tumayo.

"Ayos lang ako," tugon nito sa aming dalawa at nakuha niya pang mag-thumbs kahit masama na ang pakiramdam.

"Tatawagin na talaga namin si Mama Myllah kapag hindi pa umayos 'yang pakiramdam mo. Cancel na lang muna natin ang gig mamaya," sabi ni kuya habang pinagmamasdan ang kalagayan ni Sol.

"Mayroon pang mga susunod na pagkakataon," dagdag ko naman.

"Hindi pwede. Kaya ko pa rin namang mag-perform," sagot naman ni Sol kay Kuya.

"Alam ko na kung anong gagawin natin," nakangising sagot ni Kuya.

"Ano?" sabay naming tanong sa kanya.


A M E T H Y S T

Nakaluhod sa harapan ko si Elijah at halos umiyak na ito.

"Amethyst, parang awa mo na! Ngayon lang ako makiki-usap sa 'yo," maluha-luhang sambit sa akin ni Elijah. Hindi ko maiwasang matawa dahil ang laki niyang tao pero nandito siya sa harapan kong nakaluhod at nagmamakaawa.

Ngumisi ako bago magsalita, "Fine. Pero dapat ay bigyan niyo kami ng tickets para mapanood namin kayo." Tumayo na si Elijah at gumuhit ang malawak na ngiti sa kanyang labi, nagtatalon at naki-apir pa kina Sol at Marcus.

"Sabi ko sa inyo, effective eh!" Pagmamalaki ni Elijah sa dalawa niyang kasama.

"Nag acting workshop ka ba? Napaka-convincing eh," dagdag pa ni Sol.

"Ehem!" pang-iistorbo ko sa kanila. Tumingin silang lahat sa akin at napataas ang kanilang mga kilay.


T H I R D  P E R S O N  P O V

Abala ang lahat ng magkakaibigan ngayon dahil balak nilang tumakas sa campus para sa gig ng Helios mamayang gabi. Kausap naman nina Amethytst at Althea si Luna ngayon sa corridor at kita sa kanyang mukhang siya ay naguguluhan.

"Ano?! Nababaliw na ba kayo?" tanong ni Luna sa dalawa niyang kaibigan.

"You want me to sing for Helios?" tanong muli nito sa dalawa.

"Y-yes," nauutal na sagot ni Althea.

"Paano naman ang title defense namin ni Sol at Stella? Mamaya na 'yon?"

"Si Stella na ang bahala sa inyong dalawa. Nakiusap na kanina si Sol sa kanya," sagot naman ni Amethyst pero bakas pa rin sa mukha ni Luna ang pag-aalala at ang pagdududa.

"Bakit ko naman gagawin 'yon?"

"Dahil kaibigan natin sila. Sigurado akong kahit ngayon mo pa lang nakilala si Sol, mahalaga na siya sa 'yo."

"A-All right. I'll do it since I have no choice."

Gayunpaman, pumayag din ang dalaga para suportahan ang kanyang mga kaibigan mamaya para sa kanilang gig na maaaring maging Big Break ng kanilang banda.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now