CHAPTER 45: BUTTERFLIES

55 9 1
                                    

LUNA

Naudlot ang masarap kong tulog nang biglang may kumatok sa pintuan, tumingin ako sa wall clock at 7:00 am pa lamang, kinusot-kusot ko ang mga mata ko at nag-unat ako. Kabukas ko ng pintuan nakita ko ang itsura ni Sol na magulo ang buhok nito at halatang kagigising niya lamang.

"Good morning panget!" bati niya sa'kin. "Hindi ka ba magsusuklay man lang?" sabi niya habang tinuturo ang buhok ko.

"Hoy ang kapal mo ha! Ikaw din naman eh, hindi ka rin ba magsusuklay?" tanong ko. "I like my hair messy, mas pogi ako," nakangising sagot niya. Ang kapal talaga!

Kinuha niya ang phone sa bulsa niya, at binuksan ang front camera nito at itinapat sa'kin. "Tignan mo nga sarili mo!" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil may natuyong laway sa kaliwang pisngi ko at ang gulo-gulo ang buhok ko.

Mabilis akong tumakbo pabalik sa kwarto ko at sinusi ito. "Grabe Luna! Magkaroon ka naman ng konting hiya sa sa sarili mo," singhal ko habang nakasandal sa pintuan.

Umupo ako sa kama ko at dumungaw ako sa bintana at maliwanag na ang paligid. May nakita akong mga ilang tao ang abala sa pagwawalis ng kanilang mga bakuran at ang iba naman ay dinidiligan ang mga halaman.

Kumuha ako ng suklay sa bag ko at sinuklay ang maiksi kong buhok. Kumuha din ako ng wet wipes at pinunasan ang mukha ko. Katapos ko mag ayos, huminga ako ng malalim at lumabas na sa kwarto.

"Ayan! E di mas maganda kana!" Nagulat ako sa kaniya. "Mahiya ka naman siguro sa'kin no? Ang dugyot mong tignan!" sabi ko. "Mamaya nalang, may ipapagawa sa'tin si tita Jade."

Bumaba na kaming dalawa sa hagdan at abalang nagluluto sa kusina si tita Jade. "Mga anak! Maari n'yo ba I-decorate ang salas? Nasa center table ang mga decorations," sabi ni tita Jade habang nangluluto ng pagkain.

--

"Sol sa kaliwa hindi pantay," sabi ko habang inaayos niya ang birthday flags. "Ayos naba?" Muli akong tumingala sa pader.

"Ayan ayos na," sabi ko at bumaba na siya sa upuan. "Hindi mo man ako tinutulungan eh!" reklamo niya. "Anong hindi?! Hindi pa ba sapat ang pag ch+cheer ko sayo?!" sigaw ko sa kaniya.

"Nakaupo ka lang eh."

"Ano gusto mong gawin ko? Ako yung aakyat sa upuan tapos ako ang mahuhulog, ano ka? Sineswerte?!" tanong ko sa kaniya habang nakapameymang. Napasinghal na lamang siya at inabot sa'kin ang mga balloons.

Nilobo ko na ang mga heart and star shapes na balloons habang naglalagay ng kulay violet na tela si Sol sa pader. Pagkatapos kong ayusin ang mga balloons, naglagay kami ng isang table at tinakluban na tela na kulay silver.

Inayos na namin sa mesa ang mga niluto ni tita at mga cupcakes. "Wow! You two can be great partners!" sabi ni tita Jade habang pinagmamasdan ang pinag gagawa namin ni Sol sa salas.

Nilagyan din namin nang mga pictures ni Amethyst ang tela sa pader. May mga pictures siyang mga stolen at mga epic pictures na ako ang kumuha. 'Wag naman sana magalit ang loka sa'kin.

Iniabot sa'min ni tita Jade ang mga party hats. Nawala na kagabi ang lagnat ni Amethyst at sigurado akong ayos na ang nararamdaman niya.

Inilagay na namin ni Sol ang isang black forest cake. "Sol, akyat ka, gisingin mo si Amethyst at pababain mo dito," sabi ni tita.

"Tita, alam mo naman po paano magalit si Amethyst kapag naudlot ang tulog niya, hindi po ba?" Tumawa si tita Jade. "Kaya si Sol ang inutusan ko eh."

Umakyat na si Sol at nagtungo ng gisingin si Amethyst. Makalipas ang ilang minuto, may narinig kaming kumalabog sa itaas. Gising na yata ang bruha. Naiinis na bumaba si Amethyst sa hagdan at nasa likuran niya si Sol. "Hoy sandali lang!"

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now