CHAPTER 38: HOMECOMING

82 12 0
                                    

LUNA

"Good morning world!" sigaw ko sa nakabukas kong bintana. Nag-unat muna ako at nagtungo na sa banyo para mag tooth brush. Araw ng Biyernes ngayon at wala kaming pasok hanggang sa Lunes.

Bumaba na ako sa hagdan at nakita ko si daddy na abalang nagluluto ng almusal namin. "Hi dad! Good morning!" bati ko sa kaniya.

"Wow good mood nanaman ang anak ko," sabi ni daddy. "Sana araw-araw good mood anak ko." dugtong pa niya.

Natawa ako sa sinabi ni daddy dahil palagi akong wala sa mood kaya hindi ko alam saan niya nakukuha ang pasensiya niya sa akin. "Dad, gusto mo bang mag jogging katapos natin mag almusal?" tanong ko habang nilalapag ang mga plato sa mesa.

"Wow bago yan Luna ah?" namamanghang tanong ni daddy. "Wala naman po ako kailangan gawin ngayon dad, tsaka palagi nalang po ako nakahiga sa kama." sagot ko sa kaniya. Nilagay na ni dad ang pinirito niyang spam at sinangag sa plato.

---

Katapos naming kumain, nagtungo na ako sa kwarto ko at binuksan ko ang cabinet. Kinuha ko ang isang kulay itim na striped leggings at isang kulay pink na sweat shirt. Hindi na ako nag-ipit tutal maiksi lang ang buhok ko.

Lumabas na ako sa kwarto ko at nakita ko si daddy na naka sando at pang jersey na shorts, may suot-suot pa siyang headphones. "Ready kana anak?" tanong niya sa akin. Bumaba na kami sa hagdan at nang makalabas na kami ng bahay, sinusi na niya ang pintuan.

Akmang bubuksan ko na ang kotse at sasakay rito ng tumikhim si dad. "What dad?" tanong ko. "Mag jojogging tayo papunta sa park." sagot niya. "Daddy naman eh!" reklamo ko. "Kanino kayang idea to?" tanong niya sa akin kaya't nag pout ako.

--

Nakakatatlong laps na kami ni daddy sa park at hingal na hingal na'ko. "I feel young again," natatawang tugon sa'kin ni daddy. Pareho kaming naupo ni dad sa bench habang nakatingin sa maraming ibang pamilyang nag jojogging.

At may iilan din mga street vendors dito sa loob ng subdivision namin. May isang nagtitinda ng taho ang lumapit samin. Tumingin ako kay dad.

"I know that look," sabi niya. Tumayo siya at bumili ng taho. "Magkano po yung sa pinakamalaking baso?" tanong niya sa tindero. "Bente po" sagot naman ng nagtitinda ng taho. Kumuha siya ng isang malaking baso sa isang lalagyan at isinalin rito ang taho.

---

Iniinom ko ngayon ang taho na binili ni dad, natigilan ako ng tumunog ang phone ko.

Maganda is calling...

Sinagot ko agad ang tawag niya nang makita ko sa cellphone screen ang kaniyang pangalan.

"Luna kasama mo ba si tito Jorden ngayon?"

"Oo bakit?"

"Can I talk to him?"

Iniabot ko kay dad ang phone ko at agad naman niya itong kinuha.

"Amethyst? Napatawag ka?"

"Tito si mama po kasi uuwi ngayon from Japan."

Rinig na rinig ko ang usapan nila dahil naka loud speaker ito. Si tita Jade ang ate ni dad. Kasama niya ngayon sa Japan sina lola Grace at lolo Joel.

Hanggang ngayon may hindi magandang relasyon sina dad at tita Jade dahil nag-asawa siya ng isang Hapon. Si tito Asahi Saro.

Gustong-gusto ni dad na dito lang sa Pilipinas tumira sina lola at lolo ko ngunit sa huli, ang desisyon ni tita Jade ang nasunod. Pilit sinasama ni tita Jade si Amethyst sa Japan kaso mas pinili niyang dito tumira para makasama niya ako.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon