CHAPTER 12: SHINE

152 60 0
                                    

L U N A

Iginala ko ang aking mga mata sa bar. Hindi ko maiwasang kabahan dahil sobrang laki nito. 'wag naman sana akong atakihin mamaya sa puso o malalaglag sa stage. Kasama ko ngayon ang bandang Helios, busy ang tatlo sa pag-aayos at pagtotono ng kanilang mga instrumento.

Nilapitan ako ni Sol at nginitian, "Luna, be yourself and give your best shot. Nandito lang ako. I m-mean nandito lang kami," sabi niya sa 'kin habang inaayos ang kanyang gitara.

"Thank you, Sol. I can't help but to feel nervous and anxious," tugon ko naman sa kanya. Kahit nasa ika-sampong bundok ka na, maririnig mo ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Ngunit nagulat ako nang hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

"Shh. Don't be scared," pagpapalakas niya ng loob ko.

Nakaupo ako ngayon sa stage at abala ang tatlo sa likuran ko at dahil isa akong dakilang chismosa, nakinig ako sa pinag-uusapan nila.

"Sigurado ka na ba riyan?" tanong ni Elijah kay Sol.

"Oo naman, may tiwala ako kay Stella at lalong-lano na kay Luna," sagot naman ni Sol.

Lumingon sa akin si Marcus at nilapitan ako, "Ano 'to?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Lyric sheets," sagot niya sa akin. "Kaya mo bang sauluhin to hanggang 5pm?"

Tumingin ako sa wristwatch ko at nakitang alas dos pa lang naman. I don't know if I can do this. Huminga ako nang malalim dahil hindi ko maiwasang makaramdam ng pressure. "Kaya ko naman pero tulungan mo ako ha?" Pakiusap ko sa kanya at tumango naman si Marcus.

Bumalik si Marcus ng may dalang mga pagkain at bottled water. Napalingon ako sa likod ko at busy ang dalawa nagkukulitan. I can't help but to smile habang nakikita kong masaya si Sol ngayon.

"Itong bridge at p're-chorus na ito, gawin mo 'yong mataas na harmony," turo sa akin ni Marcus.

"Ilang songs ba?" Baka naman masabak nang husto ang boses ko.

"Lima," matipid niyang sagot sa akin.

"Hoy! 'wag mong i-p'ressure si Luna," sigaw ni Elijah sa amin. Nag-thumbs up naman si Marcus sa kanyang kuya.

Kinakabahan ako sa unti-unting pagdating ng mga tao. Bakit naman kasi trip ni Sol pakantahin ako.

Pumunta ako sa ladies room. Suot ko ngayon ang plain gray sweater na may design na Helios sa harapan nito, at ako ay naka-ripped jeans at black boots. Mukhang rock star ang datingan ng ate girl ninyo ngayon.

"Luna, you got this." Sabi ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.

Pinatay ang ilaw sa stage habang umaakyat na kaming apat. Napatingin ako sa paligid at nakitang puno ang venue. Bakit pa kasi unang-una kami mag-peperform. Nakita ko rin sa hindi kalayuan ang mga ibang bandang tutugtog after namin.

Kinuha ko na ang mic at pinakilala ang aming banda. "Hello, everyone! We are Helios, the band that will leave you imp'ressed!" Agad namang pumalakpak at nagsigawan ang mga tao.

"1...2....3... Go," Sigaw ko at nagsimula na kami tumugtog.

~And if we're only here once I wanna fight with you
You've got something I need
In this world full of ships there's one loving me
And if we're only here once
I wanna fight with you
You've got something I need
In this world full of ships there's one loving me
And if we're only here once
I wanna fight with you~

Habang kumakanta ako, napatayo sa kinauupuan ang mga manonood at sinabayan din nila ako. Kinakabahan pa rin ako ngayon dahil sa stage fright but I'm just enjoying what I'm doing. What a night to be alive. Napatingin ako kay Sol na busy sa paggigitara at ngitian ako nang napasulyap din siya sa akin. Matapos naming kantahin ang apat na kanta, finally malapit na kaming matapos.

Muli akong lumapit sa mic. "This is our last song for tonight. Please, enjoy!" Muling naghiyawan ang audience at konti na lang ay sisirain na ang mga mesa at upuan. Hindi ko lubos isiping darating ang araw na I will be performing on the stage with three crazy guys. Nakakabaliw mang isipan pero isa ito sa mga pangyayaring hindi ko malilimutan dahil nakasama ko ang mga taong mahalaga sa akin dito sa puso ko.

~Some people wait a lifetime
For a knight like this
Some people search forever
For that one slippery knight
Ohh I can't believe it's happening to me
Some people wait a lifetime
For a knight like this
I'm not here to say I'm a slippery snake
I'm not here to lie to you~

Lumapit si Sol sa mic at sinabayan ako sa pagkanta. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at sinulit ang gabing ito. Deserve ko namang maging masaya sa buhay. I'm too young to be stressed about a lot of things.

At sa wakas natapos na ang performance namin at sa huling pagkakataon ay muling pumalakpak at naghiyawan ang mga manonood. Lumapit ang tatlo sa akin at sabay nag-group hug. "We did it!" Sabay-sabay naming sigaw at bumaba na kami ng stage na may ngiting umaabot sa langit.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now