CHAPTER 55: VIVID

25 7 0
                                    

LORRAINE

"Surprise!" Inalis ni Harvey ang talukap ko sa mata habang iginala ko ang mga mata ko sa isang kulay asul na kwarto at puno-puno ng mga laruan pang bata.

Pinulot ko ang isang malaking teddy bear sa sahig at inilagay ko sa loob ng Crib. Hinila ako ni Harvey at niyakap niya ako ng mahigpit. "I can't wait to see our baby boy." Hinaplos niya ang pisngi ko at kinurot niya ito. 

"Look!" Turo ni Harvey sa kisame ng kwarto at napatakip ako sa aking bibig gamit ang aking mga kamay. 

"Ikaw nag paint d'yan?" tanong ko sa kaniya. 

"Oo, ayos ba?"

Pinintura ni Harvey ang araw na may smiley face at ang mga iba't ibang mga planets. Hilig niya ang pagpaint at ang pagtugtog ng mga instrumento. 

Lumabas na kami sa magiging kwarto ng baby boy namin. "Ano ipapangalan natin sa anak natin?" tanong niya sa akin habang inaayos ang aming mesa para sa dinner namin.

"Hmmm, Sol."

"Sol? Hindi ba ibig sabihin non, Sun?"

"Yup, I'm sure our baby will give us light and darkness shall not consume him. He will give us joy and he will be filled hope and dreams."

"Wow! Sol is a good name for our baby. I'm sure he will live up to his name."

Kinuha ni Harvey ang plato ko at sinubuan niya ako. "Ano ako? baby parin ba?" tanong ko sa kaniya. 

"Oo, baby... baby kita."

Kahit matanda na kaming dalawa parang teenager kung umasta at bumanat itong asawa ko na si Harvey. He truly fulfilled his promise to me that he won't change even a bit. 

Naging matugumpay ang panganganak ko kay Sol at nang naging daddy na si Harvey, mas naging hands on pa siya sa'ming kaniyang mag-ina. Araw-araw niya pinaparamdam sa amin ang kaniyang pagmamahal at kaniyang pag-aalaga.

Nang dumating na ang Seventh Birthday ni Sol, Nag celebrate kami sa isang park. Everything was perfect back then and I was so happy.

Ni minsan hindi ko naisip na mawawala ang sa akin ang masaya kong pamilya at lalo na si Harvey. Ang lalaking pinakamamahal ko.

Na-ikwento sa'kin ni Harvey na nakita niya ang brief case ni Jorden at na kay Mateo ito.  Sabi ni Mateo, ibinigay niya ito kay Jorden dahil may kailangan daw gawin si Mateo kaya kay Harvey nalang niya ito ipinagawa.

Pumayag si Harvey at umuwi muna siya sa bahay namin at inilagay niya ang brief case ni Jorden sa bahay namin sa maliit niyang recording room.

Laking gulat ni Harvey nang buksan niya ang brief case na iyon, puno iyon ng mga iba't ibang Compact Disk at mga Flask drives at mga iba't ibang mga papeles. 

Hindi iyon ginalaw ni Harvey at niyaya niya kaming pamilya niya na umalis at pumunta sa park para i celebrate ang simpleng kaarawan ng anak namin ni Sol.

Pagkabalik namin sa bahay namin, tinutupok na ito ng apoy. And in a instant, we lose our house and I lost him...

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang kulay puti na kwarto. Hangga ngayon nandito parin ako sa Mental Hospital. Everyone thought I was insane when I told them the truth.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now