CHAPTER 20: WORRIED

91 38 0
                                    

L U N A

"Hindi kayo nag-aalala para sa tatlong 'yon?" Tanong ko sa kanila dahil kanina pa kasi ako palakad-lakad habang tinatawagan ang number ni Sol pero hindi niya sinasagot.

"Luna, you are worrying too much. They will be fine. Besides, Sol can handle those two," ani ni Elijah. Sana nga okay lang sila. Tumango na lamang ako at hinakawan naman ako ni Amethyst sa balikat.

"Kapag wala pa rin sila hanggang mamayang hating-gabi, hahanapin na natin sila. Okay?" Saad ni Amethyst na nakapagpagaan sa ihip ng hangin.

"Kwentuhan na lang tayo ng nakatatakot. 'wag na kayong mag-alala sa tatlo. Mangangain tao ang mga 'yon," pagpapatawa ni Luke sa amin. Umupo na kami pa-ikot sa bonfire. Napatingala ako sa kalangitan, sobrang bilog at liwanag ng buwan ngayon at tinatangay ng malamig na hangin ang nakalugay kong buhok.

"I'll go first!" Sigaw ni Althea na nakataas pa ang kanang kamay.

"Ibaba mo nga 'yang kamay mo!" Bulyaw naman ni Luke sa kanya.

"Let us hear it," sambit ni Elijah habang ngumunguya ng marshmallow.

"Magsisimula talaga kayong wala kami?" Tanong ng isang boses na kilalang-kilala ko. Pagkalingon ko sa likod, siya nga.

"Alam mo, kanina pa nag-aalala sa 'yo si Luna!" Pagsumbong ni Amethyst na agad kong siniko.

Tiningnan ko ang tatlo magmula ulo hanggang paa at nagtaka kung bakit basang-basa sila.

"Ang daya niyo! Nag-swimming kayong hindi kami sinasama?!" Galit na sigaw ni Elijah sa kanila.

"May lawa o ilog dito?" Tanong ko sa kanila.

"Oo, gusto mong mag-swimming?" tanong ni Bryan sa akin.

"Sa susunod na lang, malamig eh," sagot ko sa kanya. Umupo sa tabi ko si Sol at may ibinulong sa akin,

"Yakapin kita." Nangilabot ako sa sinabi niya.

"Manyak ka! Iw!" Sigaw ko sa kanya at tinulak siya papalayo. Sabay-sabay na silang tatlong pumunta sa green tent para kumuha ng damit.

"Pakikuha mo na rin ako ng suka at chitcharon, Marcus!" Sigaw ni Elijah sa kapatid.

"Ang takaw mo talaga, Elijah! Mag-diet ka nga," pang-aasar ni Amethyst.

"Kain ka lang nang kain, Elijah. Support kita!" Pagsingit naman ni Jazz.

"Seloso ka talaga 'no?!" bulyaw ni Amethyst kay Jazz. Tahimik kong pinagmamasdan ang mga kaibigan ko at nakikitang masaya naman sila sa camping namin.

***

"So, that's how the story ends," mahinang sambit ni Althea.

"Wow that's interesting to hear," sagot naman ni Bryan.

"Isa pang story!" Sigaw ni Marcus.

"Nakakaantok lang. Matutulog na ako," ani naman ni Jazz.

"Gusto ko ng isaw!" Gutom na sambit ni Elijah.

"Ikaw, Sol? Wala ka bang gustong ikwentong nakatatakot?" tanong ni Althea sa kanya at tumango naman ito.

"Isang araw..." panimula niya. "May nakilala akong isang babae. Tahimik lang at laging nagbabasa ng lib–" At naputol ang kanyang pagkukwento.

"May nakakatakot ba riyan?" Tanong ni Amethyst sa kanya.

"Hindi pa kasi tapos. Unti-unting napalapit ang loob ko sa babaeng ito. Isang araw, I found myself crying at night wishing to the universe, hoping that this girl would be mine." Napakunot ang noo ko sa kinukwento ni Sol. What a lucky girl.

"Nasaan ang nakatatakot doon?" Tanong muli ni Amethyst.

"Natatakot akong ma-reject sa kanya. Natatakot akong mawala siya sa akin. Natatakot akong ibang lalaki ang mag-alaga sa kanya," mahinang sambit nito.

"Sinong babae 'yan? Ako ba?" Tanong ni Althea sabay turo sa sarili.

"Wow, Althea! Parang wala ako rito ah," iritadong tugon ni Luke.

"Biro lang pero malay mo ako talaga," natatawang sabi ni Althea.

Akmang tatayo na si Luke pero hinila ni Althea ang damit niya, "Joke lang naman eh."

"Kanina kapa nananahimik, Luna. Ayos ka lang?" Tanong ni Elijah sa akin. Tumango na lamang ako bilang sagot sa kanya. Humarap ako kay Sol at tumingin sa mga mata niya, "Well, hindi mo naman hawak ang puso ng babaeng mahal na mahal at kinababaliwan mo, I'm sure that she will let you come inside of her heart."


S O L

Humarap sa akin si Luna, tila anomang oras ay sasabog ang puso ko. Do I have the guts to tell her the truth? My true feelings? Paano kung i-reject niya ako? Paano kung hindi niya ako gusto?

"Well, hindi mo naman hawak ang puso ng babaeng mahal na mahal at kinababaliwan mo, I'm sure that she will let you come inside of her heart."

Nabawasan nang kaunti ang kalungkutang nararamdaman ko at napalitan ito ng pag-asa.

"Inaantok na ako," bulong ni Althea habang inuunat ang kanyang katawan.

"It's time to sleep na siguro," tumayo na si Amethyst at nag-unat din ng katawan.

"Halina't pumasok na sa mga tent natin," pag-anyaya ni Luna sa lahat. Pumunta na sila sa kanya-kanya nilang mga tent habang ako ay nagpa-iwan muna dito sa bonfire. Bago pumasok si Luna kanilang tent, lumingon muna siya sa direksyon ko at bahagyang ngumiti.

***

"Guys, operation Moon at 12:00 AM!"

"Ready ka na bang ma-reject?" Pang-aasar ni Marcus sa akin.

"Ikaw kasi, tinatakot mo mga nililigawan mo kaya busted ka agad!" Pang-aasar ko pabalik sa kanya.

"Sick burn! Ohhhhh!" Sigaw naman ni Luke.

"Matagal mo na bang pinaplano 'to?" Tanong ni Bryan sa akin habang pinapatay ang apoy.

"Kanina lang," sagot ko sa kanya.

"How sure are you na sasagutin ka niya?" Tanong muli nito sa akin.

"Handa akong sumugal para sa kanya..." Matipid kong sagot sa kanila.


Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora