CHAPTER 6: LOST

263 102 24
                                    

S O L

"Pare!"

"Uy! Sol!"

Nagulat ako kay Elijah dahil kanina pa pala niya ako tinatawag.

"Napano ka Sol? Tulala ka na naman ah? Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong niya sa 'kin.

"Wala naman," tugon ko kay Elijah.

"Hoy, Marcus! Ang daya mo naman. Nagsimula ka na ngang kumain," sermon ko sa kanya habang siya ay lumalamon na.

"Grabe ang nangyari 'no? Ang daming naki-jam sa 'tin kagabi sa bar," sabi ni Marcus na ngumunguya.

Oo nga pala, nagbabanda kaming tatlo. Ako ang lead vocalist at lead gutairist ng banda naming 'Helios'. Si Marcus sa drums at si Elijah naman ang rhythm guitarist.

Itinaas namin ang mga mug naming upang mag-cheers. "Congratulations to Helios!" Sabay-sabay naming sigaw. Napuno ng tuwa at tawanan ang bahay habang patuloy kaming kumakain.

"The sun will enter a total eclipse over Philippines for a few minutes on Monday."

"Thousands of locals and tourists watched in Central Luzon as the sky will turn dark at 12:00 PM."

"Some people had traveled to Central Luzon just to watch the solar eclipse event, which will last around four minutes."

"A solar eclipse occurs when the moon passes between the Earth and the sun, plunging the planet into darkness."

"It happens rarely in any given spot across the−"

Biglang pinatay ni Elijah ang radyo.

"Kuya, bakit mo pinatay? Nakikinig pa ako," iritang sabi ni Marcus.

"Hindi ako makapag-concentrate sa kinakain ko."

Ayon sa radio, magkakaroon ng Solar Eclipse mamayang tanghali. Bigla akong may naramdaman sa puso kong hindi ko maipaliwanag. Araw-araw na lamang ay pakiramdam kong may kulang sa akin at may hinahanap akong hindi ko malaman kung ano.

Nang matapos kaming mag-almusal at maligo, sabay-sabay kaming naglakad papunta sa paaralan namin. Noong malapit na kami sa gate biglang sumigaw si Elijah.

"Magkakaroon na naman tayo ng mga maraming chicks Marcus!" Humalakhak pa siya nang pagkalakas-lakas. Nag-apir naman ang magkapatid at tumakbo papunta sa loob ng campus.

Mabagal akong naglakad at tumingala sa kalangitan. Simula noong bata ako at hanggang ngayon, namamangha pa rin ako sa pagsikat ng araw.

"Sino ka ba? Nababaliw na 'ko kakahanap sa 'yo kahit hindi pa kita kilala," sabi ko sa sarili. Napahawak na lamang ako sa aking ulo dahil anomang oras ay tila sasabog ito.

Habang hinahanap ko ang dalawa, may iilang mga babaeng lumapit at nagpalitrato sa 'kin.

"Hi! Ikaw ang vocalist ng Helios 'di ba? Nice to meet you!" sabi ng isang babaeng singtakad ko lang.

"Hello, Sol! Ang cute mo naman."

"Baby Sol, akin ka na lang please."

Nang matapos silang makipaglitrato, napatingin ako sa orasan ko at doon ko lamang napagtantong late na pala ako sa unang klase namin. Nakita ko ring may dalawang lalaking tumatakbo papalapit sa akin.

"Sol! Saan kaba nagpupunta! Late kana!" Sigaw ni Elijah.

"Patay tayo nito sa teacher natin," nag-aalalang tugon ko kay Elijah.

"Sikat ka na pala dito Sol, ah?" Pang-aasar ni Marcus sa 'kin.

"Ganyan talaga kapag talented at pogi," tugon ko sa kanya. Bigla naman akong nakatanggap ng mahinang suntok sa braso.

"Mahangin ka talaga kahit kalian," saad ni Marcus.

Nang marating ang classroom namin, may nakita akong isang babaeng nasa harapan. Kulay gray at maiksi ang kanyang buhok at suot ang hugis bilog na eye-glasses. Napangisi na lamang ako dahil sobrang nagagandahan ako sa kanya.

Bigla akong nagulat noong magsalita ang isang matandang babae. Siya siguro ang magiging class adviser namin. Mukha siyang mataray.

"Oh, boys! Bakit ngayon lang kayo? Unang araw ng klase, late kayo!"

Napakamot na lamang ako sa ulo, "Patay late nga kami," bulong ko sa sarili.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now