CHAPTER 31: SWEET DREAMS

100 24 0
                                    

(LUNA'S POV)

Muli akong umupo sa tabi ni Sol. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil kanina ko pa gustong umuwi. Nahihirapan akong magtrabaho kasama siya. 

Una, nakakainis siyang kasama! Napakakulit! Napakalikot! Pangalawa, ang alam niya lang gawin ay ang asarin ako nang asarin! Pangatlo, uhmm basta! Ayoko siyang nakikita.

Lalo akong naiinis sa kaniya sa tuwing tumitingin siya sa 'kin at may pagngisi pang nalalaman. Nakahalukipkip ako at hindi siya pinapansin. "Luna? Sorry na." masinsin niyang sabi. Hindi ko pa rin siya pinapansin. 

"Luna naman oh." pakiusap niya. Tinalikuran ko na lamang siya. Nagpakawala nang malalim na hininga si Sol at pumasok sa bahay. Sa wakas! Ang kapayapaan. Nanatili akong nakaupo rito sa labas at dinadama ang malamig na ihip ng hangin. 

Tumingin ako sa kalangitan at itinaas ang kaliwang kamay kong tila nais abutin ang mga tala. Masaya naman ako tuwing kasama ko si Sol. But I don't want to lower my guard down. Uunahin ko munang mahalin at alagaan ang sarili ko bago ang ibang tao. Sa tingin ko, wala namang mali doon, hindi ba? 

Makalipas ang ilang minuto, lumabas na si Sol na may dala-dalang food tray. Nag timpla siya ng kape at gatas. Kumurba ang ngiti sa labi ko, marunong siyang bumawi ha. Iniabot niya sa 'kin ang baso at agad ko naman itong kinuha.

"Yieeee! Masaya na ang manang!" pang-aasar niya nanaman. "Ako? Manang? Sa ganda ko 'to Sol?" Itinaas ko ang isang kilay ko at tinuro ang sarili. 

"Oo! Kasi palagi ka nalang masungit at nakasimangot!" tugon niya. Hinakawan ko ang magkabilang pisngi ko at ngumiti sa kaniya. "'Yan! Ayan ang maganda!" sabi ni Sol. 

"Pero mas maganda kung ang rason sa ngiti mong 'yan ay ako." dugtong pa niya. Paano niya ako mapapangiti kung ang alam niya lang gawin ay ang asarin lang ako?! 

"Meron na pala akong naisip na kanta." sabi niya. Finally! Ito ang pinunta ko sa kanila, ang mag practice para sa performance task namin bukas at hindi ang makipag asaran sa isang Sol Trinidad. 

"Ano?" tanong ko sa kaniya. Nagsisimula na akong magkaroon ng kumpiyansa sa sariling kumanta dahil tinuturuan ako nina Elijah at Marcus. 

 "Leaving on a Jet Plane by John Denver." sabi ni Sol. Bigla akong nakadama ng kilabot sa kantang binanggit ni Sol. Laging kinukwento sa 'kin ni Dad na iyon ang paboritong kanta nila ni Mom.

--- 

(MIA'S POV)

"Jorden." pagtawag ko sa pangalan niya. 

"Yes, love?" Lumingon siya at lumapit sa 'kin. "Kantahan mo nga kami ng anak mo." sabi ko sa kaniya. "Sure love!" Masiglang tugon niya sa 'kin at hinalikan ang tiyan ko. 

"I can't wait to meet you little kiddo." Bulong niya at isang matamis na ngiti sa kaniyang labi ang naipinta. 

Nandito kaming dalawa ng asawa ko sa garden. Kinuha niya sa loob ng bahay ang kaniyang gitara. Tumingin ako sa kalangitan at kitang-kita ko ang ganda ng buwan.

Bumalik na si Jorden at umupo sa tabi ko. Ipinatong ko ang ulo ko sa kaniyang braso. Hinawakan ni Jorden ang aking kamay. Inilapit niya ito sa kaniyang labi at sabay hinalikan. 

Ramdam ko ang malambot niyang labi at ang mainit niyang halik na punong-puno ng pagmamahal sa akin at sa anak namin. 

Ipinikit ko ang aking mga mata at niyakap siya. He started to strum his guitar and sings with his lovely voice. 

So kiss me and smile for me
Tell me that you'll wait for me
Hold me like you'll never let me go
'Cause I'm leavin' on a jet plane
Don't know when I'll be back again

There's so many times I've let you down
So many times I've played around
I tell you now, they don't mean a thing
Every place I go, I'll think of you
Every song I sing, I'll sing for you
When I come back, I'll bring your wedding ring

{©Leaving On A Jet Plane by John Denver}

Nang matapos siyang kumanta, hinalikan niya ako sa noo. "I love you, love." sambit niya sa 'kin. "I love you too, love." sagot ko sa kaniya. 

Falling in love with the man whose intentions are to take care and love me for who I am is the best kind of love. 

Marami man akong flaws, imperfections and insecurities sa sarili, pinili niya pa rin akong mahalin kung sino ako. Hindi niya tiningnan ang panlabas kong anyo. Hindi ako 'yong tipo ng babaeng mahilig maglagay ng kolorete sa mukha at pumorma nang napakaganda. 

Ang tanging hilig ko lamang ay ang pagluluto at ang pagtugtog ng iba't ibang klase ng instrumento. Nakilala ko lamang si Jorden noong naglaban ang mga banda namin. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin tanggap na tinalo namin sila. 

Ang lalaking lagi kong kinukulit at inaasar dati, asawa ko na ngayon at malapit na kaming maging isang pamilya. Akmang tatayo na ako pero sumakit ang likuran ko. 

Humawak ako sa isang upuan at agad namang tumayo si Jorden. Nagulat ako nang binuhat niya ako. "Hoy!!!" sigaw ko sa kaniya. "Huwag kang malikot." sabi niya sa 'kin. 

"Meron akong kiliti r'yan!!" Binuksan ni Jorden ang pintuan at nagtungo na sa kwarto naming dalawa. "Matulog kana, mahal. Hindi maganda sa baby natin ang pagpupuyat mo." Umupo siya sa kama at hinubad ang t-shirt niya. 

"Hoy! Bakit ka naghuhubad?" tanong ko sa kaniya. "Hahabol pa ako ng isa pang baby." nakangisi niyang tugon sa 'kin. Niyakap ko ang sarili ko at nagtago sa kumot. "Siraulo!" sigaw ko sa kaniya. 

Kumuha ako ng isang unan at hinagis sa mukha niya. Ngumisi siya sa 'kin. Nakaisip nanaman ng kalokohan ang mister ko. Oh no! Lumapit siya at kumindat pa. "Tigilan mo 'ko, Mr. Mercado!" sabi ko sa kaniya at humiga na. Humiga na rin siya sa tabi ko at sabay yakap sa 'kin . "Biro lang, Mrs. Mercado." sambit niya sa 'kin. Hinayaan ko ang sarili kong balutan niya ng kaniyang mga yakap at hinalikan ko siya sa pinsgi bilang kapalit. 

"Good night love." 

 "Good night darling."

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now