CHAPTER 21: SERENADE

97 37 0
                                    

L U N A

Napakasarap ng aking tulog nang biglang yugyogin ako ng aking katabi.

"Luna!"

"Hmmm?"

"Gising na!"

"Gabi pa ah? Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya at tinakpan ng unan ang mga tenga ko.

"Si Sol."

"Oh, napano siya?"

"Basta, sumama ka na lang sa akin. Pupunta tayo sa lawa," sagot naman nito sa akin. Napalingon ako sa isang katabi kong natutulog pa. Natawa ako ng makita kong tumutulo laway niya.

"Kung gusto mong magkasakit, 'wag mo akong idadamay," bulong ko kay Amethyst at pinikit ulit ang aking mga mata.

"Sumama ka na lang nga!"

"Huwag kang sumigaw, may mga natutulog pa!" Sigaw ko pabalik ka sa kanya.

"Ang ingay! May natutulog eh!" Sigaw ng prinsesang nagising mula sa kanyang mahimbing na tulog. Guluhin mo na ang lahat, huwag lang ang Althea na ang tulog ay hindi pa sapat.

Kasama kong naglalakad ngayon patungong lawa si Amethyst habang maghawak kamay. Hindi naman ganoon kahirap hanapin ang daan papunta sa lawa dahil sa liwanag ng buwan.

I can hear the rustling sound of fallen leaves as we walk along. And as we get closer to the lake, I can hear someone singing and tuning the guitar.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Sol na mag-isang naka upo malapit sa lawa.

SOL

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong nandito na talaga si Luna. Kanina lang ako nag-ensayo, huwag naman sana akong mapiyok o mapahiya.

Halata sa itsurang kagigising lamang niya dahil sa gusot-gusot ang kaniyang damit at magulo ang nakalugay niyang buhok.

"Anong kailangan mo sa 'kin?" Tanong niya sa hindi kalayuan. Kahit bakas sa tono niyang naiirita na siya, lamang pa rin ang pagiging sweet ng kanyang boses.

"Can we t-talk?" Tanong ko sa kanya.

"S-sige pero bilisan mo lang. Matutulog pa ako ulit," sagot niya sa akin kaya't gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.

Sumenyas ako kay Amethyst para umalis na siya. Agad niya naman itong na-gets. Kami lang dalawa ngayon ang magkasama habang pinapakinggan ang tunog ng mga kuliglig.

"Hindi ko alam kung paano 'to simulan eh," pagputol ko sa katahimikan.

"Ano ba 'yon?"

"I wrote a song for you. I hope magustuhan mo."

"Let's see."

Umayos na ako ng upo at sinimulang patugtugin na ang aking gitara.

~My world stopped for a while,
When I saw your gorgeous brown eyes.
My heart skipped for a beat or two,
While I am staring at you.

Oh, darling Luna,
My charming moon.
You are the perfect companion,
For my lonely soul.

Oh, darling Luna,
Your voice soothes me
And it makes me sway.
You are the risk
That I am willing to take,

May I be your man?
I’ll be there for you
‘till the last breath of mine.
In every giant and mountains, we will face,
Together we’ll climb and finish the race.~

L U N A

I'm starting to fall for him even more. It's crazy to think that makakaramdam ako ng kilig sa buhay ko. Naalala ko pa ang mga sermon ni Daddy sa akin.

"Anak, bago ka magkaroon ng boyfriend dapat pakilala mo muna sa akin ha? Dapat ako muna ligawan niya bago ikaw! Dito lang din muna kayong dalawa sa loob ng bahay, bawal muna ang lumabas-labas. Dapat kasama ako kapag mag-dedate kayo."

"Kawawa naman 'yong magiging boyfriend ko," sagot ko kay Daddy.

"Para naman sa inyong dalawa 'yon nak. Lagot siya sa akin kapag pinaiyak ka." Kilala ang Daddy ko sa striktong personalidad niya pero para sa aming dalawa ni Mommy, siya ang pinaka-sweet at caring na lalaki sa buong mundo. Kahit gan'on ang pamantayan niya sa magiging kasinthan ko, ayos lang sa akin dahil alam kong ayaw niyang mabasag ang puso ng kanyang unika hija.

Lumapit si Daddy sa akin at hinalikan ako sa noo, "Good night, sweet heart."

"Good night, Dad. I love you." Ipinikit ko na ang mga mata ko at natulog na.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now