CHAPTER 32: NIGHTMARE

119 24 0
                                    

(JORDEN'S POV)

"Love, tulungan mo a-ako," Nagising ako sa nanginginig na boses ni Mia. Agad-agad akong tumayo sa higaan at hinanap si Mia. 

Nakita ko siyang nakaupo sa sahig at may dugong dumadaloy mula sa kaniya. "J-Jorden, ang a-anak natin!" Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang takot. Inayos ko ang mga gamit naming dalawa at binuhat siya papuntang kotse. 

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyang minamaneho ko at dali-dali naming narating ang hospital. May mga nurses na lumabas at lumapit sa 'min. 

"Manganganak na ang asawa ko!" sigaw ko sa kanila. Mabilis at maingat nila itong isinakay sa stretcher at pinasok agad sa  delivery room. 

Hindi ko siya iniwan sa kaniyang tabi pero pinigilan ako ng isang nurse. "Bawal ka na hong pumasok dito, Sir." Hindi ko mapigilan ang pagnginig ng mga kamay ko sa sobrang kaba. Napayuko na lamang ako at mataimtim na nagdasal. 

Nang may isang doctor na lumabas mula sa Deliver Room, agad-agad ko siyang pinuntahan.

"Ikaw ba ang asawa ng pasyente?" tanong niya sa 'kin. May iba akong nararamdaman. Kakaiba ang kinikilos niya.

Ramdam ko ang kaba at pag-aalinlangan sa kaniya ngunit gusto ko lamang maging positibo. Naniniwala akong ayos lang si Mia at ang anak namin.

"Ako nga po, Doc." sagot ko sa kaniya. Pinaupo niya muna ako, lumapit naman ito sa akin ng may seryosong mukha.

"Kumusta po ang kalagayan ng mag-ina ko?" matagal bago siya makasagot.

"Malusog ang iyong anak, Sir. Ngunit ang asawa mo–"

"Ano pong nangyari sa kaniya?!" Napatayo ako sa narinig ko at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

"Nang matapos siyang manganak, nagkaroon ng excessive bleeding sa kanyang uterus dahil hindi nagcontract nang maayos at bumaba rin ang kaniyang blood pressure. It was postpartum hemorrhage or PPH. About 1 to 5 in 100 women who have a baby have PPH. And your wife...she didn't. She didn't make it. Ginawa namin ang lahat ng makakaya namin pero hindi pa rin naging sapat. We're so sorry, Sir." pagpapaliwanag ni doc.

Parang binasag ng paulit-ulit ang aking puso. Hindi! Hindi maari! Makikita ko pa ang asawa ko, makikita ko pang muli si Mia kasama ang ang anak namin.

Hinawakan ako sa balikat ng Doctor at tinapik ako ng dalawang beses. "I am deeply sorry, Sir. May your wife rest in peace." sabi niya at umalis na.

Biglang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Ibinuhos ko ang galit ko sa pagsuntok sa pader malapit sa akin.

"Nandito pa siya! Buhay pa ang asawa ko!" Napatigil ako nang may isang nurse ang lumapit sa 'kin.

Agad-agad ko namang pinunasan ang mga luha ko. "Kayo po ba si Jorden Mercado?" tanong ng isang nurse na may katandaan na.

"Ako nga po." Ikinalma ko ang aking sarili at lumapit sa kaniya. Sumunod ako sa kaniya at dinala niya ako sa isang kwarto.Nakita ko ang isang taong walang kabuhay-buhay.

"S-sino y-yan?"  tanong ko. Tumingin ako sa nurse na may pag-aalinlangan at kaba sa dibdib.

Dahan-dahang inalis ng matandang nurse ang telang bumabalot sa kaniya. Nakita ko ang mukha ng aking asawa—si Mia.

Bumagsak ako sa sahig dahil sa bigat ng aking nararamdaman. Hindi ko pa rin matanggap ang mga pangyayari. Agad akong tinulungan ng nurse tumayo.

Tiningnan niya ako sa mata at tumango sa 'kin. Niyakap ko ang katawan ni Mia at humagulgol.

"Mia naman! Gising na! Gising na mahal! Hindi ba pangarap nating dalawa ang magkaroon ng isang pamilya? Mahal, gising na. Gising na mahal. Huwag mo kaming iwan ng anak mo!"

Hinaplos ko ang mukha niya at muli ko siyang tiningnan. "Mia, pakiusap. Bumangon ka na at magsisimula na tayo ng panibagong buhay kasama ang anak natin."

May isang lalaking nurse ang lumapit sa 'kin kaya't agad kong inayos ang aking sarili. "Gusto niyo po bang makita ang baby ninyo?" Tumango lamang ako at pilit na kinalma ang sarili.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad, dumungaw ako sa isang salamin at may nakitang isang sanggol na babaeng umiiyak na pinapatahan ng nurse.

"Maari ba akong pumasok?"  tanong ko sa kanila. Pinagsuot ako ng gown, face mask, hair cap at gloves bago pinayagang makapasok.

Kinarga ko ang anak ko at pinatahan sa pag-iyak. "Daddy's here. You are safe." sabi ko.

May isang nurse muli ang lumapit sa 'kin. "Luna po ang pangalan niya."

"Luna?"

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now