CHAPTER 58: BLACKOUT

33 4 0
                                    

LUNA

Kinabukasan, may pasok na kami ulit dahil Monday na. Simulang nag dinner sa amin si Sol kagabi, at ngayong araw, tulala si Sol at hindi siya umiimik. Sobrang tahimik niya at nawala ang cheerful personality niya na gustong-gusto ko.

At tuwing nakakausap ko man siya, sobrang layo ng mga sinasagot niya sa akin. Kasama ko siya nag lu-lunch ngayon sa playground tutal tulog naman ang security guard na nagbabantay rito at wala nang mga bata ang naglalaro pa dahil may pasok na sila.

Nakaupo kami ngayon ni Sol sa isang maliit na waiting shed rito sa playground at sabay kaming kumakain.

"Hoy Sol," sabi ko sa kaniya habang winawagaygay ang isang hotdog nakatusok sa tinidor. Inianangat niya ang tingin niya sa akin at nagpupumilit na ngumiti. "May problema kaba panget?" tanong ko sa kaniya habang kumakain siya ng mabagal.

"Nag-aalala lang ako sa nanay ko," sagot niya sa akin at ininom ang isang bottled water na tig 25 pesos kahit konti lang ang laman nito. 

"Gusto mo ba puntahin natin siya sa ospital ang mama mo?" tanong ko muli sa kaniya.

Noong nakaraan, naikwento sa akin nina Elijah at Marcus ang kalagayan ng nanay ni Sol. Nagkaroon ng PTSD o Post Traumatic Stress Disorder ang nanay ni Sol dahil sa nangyari sa papa niya.

Kaya kung makita ko man kung sino ang may kagagawan nito sa pamilya ni Sol, babalatan ko ito ng buhay at ihuhulog ko talaga sa Aquarim na may maraming mga pating.

"Ayoko, ako nalang mag-isang pupunta sa kaniya," masungit na sagot sa akin ni Sol. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay. 

"Sol, sinusungitan mo na ako ngayon? Naiintindihan ko naman na nag-aalala ka sa nanay mo, pero hindi 'yon rason para pagsungitan mo ako bilang girlfriend mo."

Huminga ng malalim si Sol at pinunasan ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang panyo. "I-I'm just stressed lately. I'm sorry."

"Stress ka saan? Bakit hindi mo naman i-kwento sa akin?" tanong ko sa kaniya. 

"It's abou-" hindi na naituloy ni Sol ang kaniyang sasabihin dahil tumunog na ang bell at hudyat na magsisimula na ang afternoon class namin.

Nagising ang security guard na nakaupo na nagbabantay rito sa playground at mabilis naming iniligpit ni Sol ang pinagkainan namin at umalis sa playground bago tuluyan magising ang security guard na ubod ng sungit.

"Mag banyo lang ako sandali," paalam sa akin ni Sol at umalis na siya at iniwan sa akin ang kaniyang lunch box na walang laman. 

Naglakad na ako papunta sa staircase at malayo-layo pa ang lalakarin ko dahil sa third floor ang classroom namin at nasa pinakadulo pa lamang ito. Isinara ko na ang aking kulay asul na payong nang makarating na ako sa school building namin at nagpahinga muna ako ng ilang mga minuto.

Tumingin ako sa wrist watch ko at limang minuto na ang lumipas at wala parin si Sol. Nagjejebs siguro ang lalaking 'yon, paano ba naman, ang lakas-lakas kumain! Sabi ko nga sa kaniya, palagi na siyang mag exercise at kumain ng mga healthy foods. 

Mag-isa na akong umakyat papunta sa room namin at nakasabay ko ang aming Computer Lab teacher. "Sir Omey, may kanin pa po kayo sa labi nyo," sabi ko sa kaniya at lumingon siya sa akin at iniabot sa akin ang kaniyang dalang-dalang laptop para punasan ang kaniyang labi. Katapos nito, pinagbuksan ako ng pintuan ni Sir Omey at pumasok na kami sa isang malakat na classroom na akala mo isa itong budega.

Kapasok namin dalawa ni Sir Omey, bumungad sa amin ang mga kaklase kong kaniya-kaniyang higa sa mga upuan na mga pinagsamasama nila para makatulog. Isinindi ni Sir Omey ang mga ilaw sa classroom at nagreklamo ang mga kaklase kong mga natutulog.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon