CHAPTER 39: AIRPORT

62 12 0
                                    

LUNA

"Sometimes I feel really jealous dahil mas close pa sa'yo si mommy sayo kaysa sa'kin. Pero ayos lang naman sa'kin dahil naiintindihan ko naman," malungkot na saad ni Amethyst. 

Ibinaba niya ang kaniyang tingin at pinipigilan ang kaniyang luha. "Tsaka hindi ka naging madamot sa mga bagay kung ano meron ka." dugtong pa niya.

Parang kapatid ko na din si Amethyst dahil sa hirap at ginhawa, kaming dalawa ang nagdadamayan. "Tignan niyo yung mga 'yon oh," sabi ni Dad at kinuha niya ang atensyon naming dalawa. 

Tinuturo ni dad ang nasa harapan namin at tumingin kami sa bintana at may iilang lumang eroplano at helicopter kaming nakita at iilang mga bata na naglalaro sa park sa tabi nito at mga ilang mga pamilya na nagpipicnic. 

"Dad kapag day off mo, magbonding naman tayo dito," pagyaya ko sa kaniya dahil ni-minsan, kahit malapit lang ito sa amin, hindi pa ako nakarating sa Clark Airbase na park.

"Sure honey," sagot naman ni dad na ikinatuwa ko. Patuloy kong pinagmasdan ang mga iba't ibang uri ng mga eroplano habang hindi pa umaandar ang sasakyan.

---

Nandito na kami ngayon sa labas ng airport at tinatangay ng malakas na hangin ang maiksi kong buhok. 3:30 pm na kami nakarating dahil sa sobrang traffic sa Clark. Naglakad na kami dalawa ni Amethyst at pumasok na kami sa entrance, bago kami papasukin, inspection muna ng babaeng security guard ang laman ng mga bag namin. 

Kapasok namin dalawa ni Amethyst naglakad kami papunta sa sa arrival area  at  tumambay muna kami rito habang hininhintay  namin si daddy dahil pinark niya ang kotse namin.

Iginala ko ang mga mata ko at ang daming mga tao ang lumabas sa arrival area, at wala kaming ideya kung paano namin hahanapin si tita Jade. Nakuha ng atensyon ko ang isang bakasyonista na sobrang dala ng mga malateng dala niya at nag pipictorial ito kasama ang isang lalaki na sa tingin ko kasintahan niya ito. 

"Hindi ba mamayang 4 pm palang ang pagdating niya?" tanong ko kay Amethyst at halata sa itsura niya ang pagkabagot. "Oo," malumanay na sagot ni Amethyst. "Alam ko para hindi kana mainip, gusto mo lumibot muna tayo tapos tumingin tayo ng mga souvenirs sa isang shop dito?" pagyaya ko sa kaniya.

"Talaga?" hindi makapaniwala niyang tanong. Itong kasing babaeng 'to, taong bahay lang at hindi siya gumagala kung hindi niya ako kasama. Tumunog ang phone ko at sinagot ko ito.

"Luna nasaan na kayo?"

"Nasa loob na po ng airport, sa arrival area po dad."

"Ha? Nasa arrival area na din ako."

Kumaway-kaway ako at may mga ilang tao na napapatingin sa'kin. May isa akong batang lalaki na nakita at kumaway din siya. Ang cute!

"Dad hindi mo pa ba ako nakikita ngayon? Kinakaway ko na ang kamay ko oh."

Nakita ko na si dad at lumapit siya sa'min. "Nagugutom ba kayo?" tanong niya sa'min. "Opo tito!" mabilis na sagot ni Amethyst. "Bili nalang tayo ng mga hotdog sandwich sa 7/11 ha? Baka kasi hindi na kayo makapag dinner mamaya, alam mo naman ang mommy mo Amethyst gusto niya palagi kumakain sa labas."

"Sige po tito, ayos lang po 'yon."

"Oh tara na!" sabi ni dad at tumayo na kaming dalawa ni Amethyst at sinundan si dad papunta sa food court rito sa airport. Nang marating na namin ang food court, walang bakanteng table rito kaya nang maka-order na kami, bumalik na lang kami sa waiting area.

Takam na takam si Amethyst at sinuko ko siya para dahan-dahan siya sa kaniyang pagkain baka mabulunan pa siya. Sinamaan niya ako ng tingin at hindi ko siya pinansin. Tumingin ako sa wrist watch ko at saktong 4:00 pm na pala. 

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now