CHAPTER 57: DISTANCE

33 4 0
                                    

SOL

Nang mapansin ni tito Jorden na naglabas ng isang revolver ang nakamotorsiklo, mas binilisan niya pa ang kaniyang pagmamaneho, buti na lamang walang sasakyan rito sa kalsada. Kaya nakakapagmaneho ito ng mabilis. 

Muli ako tumingin sa side mirror at mas binilisan rin ng nakamotorsiklo ang kaniyang pagmamaneho at bigla niya pinaulanan ng balas ang sinasakyan namin. Nang maubos ang kaniyang balas, nag preno si tito Jorden sa gitna ng kalsada at bumaba  sa kaniyang kotse.

"T-teka l-lang po! Ano po gagawin ninyo?" Akmang pipigilan ko si tito Jorden, ngunit sabi niya sa akin huwag ako mag-alala. 

"I'm going to show you how a real man fights," sabi ni tito Jorden at binuksan ang compartment ng kaniyang sasakyan at kumuha ng isang revolver rito.

Nang bumaba siya sa sasakyan, sinundan ko siya at tumigil ang isang motorsiklo sa likuran namin at bumaba rito ang driver nito. 

Inalis niya ang kaniyang helmet at nakita ko ang isang lalaki na mayroong mahabang balbas, at mahabang buhok. May isang malaking peklat ito sa kaniyang labi at makisig ang kaniyang pangangatawan. 

Lumapit si tito Jorden sa kaniya at hinubad ang suot niyang relo at ginawa niya itong brass knuckle. Inilabas ng lalaki ang isang dagger sa kaniyang leather coat at hinahamon ng laban si tito Jorden. 

"Jorden, hindi to personalan ah, inutusan lang ako ni boss na gawin ko ito sa inyo," sabi ng lalaking may mahabang buhok, nakakatindig ng balahibo dahil sobrang lalim ng kaniyang boses na akala mo isang kapre ang kausap mo. 

Tumawa lamang si tito Jorden at inihanda ang kaniyang sarili. The guy with the long hair suddenly charged against tito Jorden, but tito Jorden was able to grab the dagger and kicked the guy in the groin area. 

Nang mabitawan na ng lalaki ang kaniyang hawak na kutsilyo, sinipa ito ni tito Jorden sa aking direksyon at agad ko itong pinulot at lumayo sa kanila. 

Nang matumba na ng tuluyan ang lalaki, pinaulunan ng suntok ito ni tito Jorden sa mukha hangga sa tumulo ang pulang likido sa kaniyang basag na mukha.

Sumuka ng dugo ang lalaki at tumawa ng malakas. "Ganon ba kahirap ang pinapagawa ng boss sayo? Ang dali lang no'n para sayo Jorden! Ah, 'wag mong sabihing nababakla ka na?"

Kahit may distansya pagitan sa amin, naririnig ko parin ang kanilang pag-uusap. Ang alam ko isang engineer itong tatay ni Luna, pero bakit kakilala siya netong isang gun man?

Inilabas ni tito Jorden sa kaniyang likuran ang isang nakasabit na revolver at tinutok ito sa lalaki. "Sige Jorden, barilan moko! Siguruduhin mo na kaya mong bayarin ang ginawa mong kasalanan ah-"

Walang alinlangang hinila ni tito Jorden ang trigger ng revolver at pinutukan niya sa ulo ang lalaki ng anim na beses. Nang masigurado niyang wala na itong buhay, humarap si tito Jorden sa akin. 

"You saw and heard nothing, all right?" tinapik niya ang aking balikat at muling bumalik sa driver's seat. Bago ako bumalik sa sasakyan, lumingon ako sa lalaking nakabulagta sa kalsada at nakadilat ang kaniyang dalawang mata at tumutulo sa kalsada ang pulang likido.

Pumasok na ako sa sasakyan at isinara ko ang pintuan ng kotse. "Gusto mo bang uminom muna tayo ng kape?" tanong sa akin ni tito Jade habang iniistart ang sasakyan. Tumango na lamang ako at hindi parin ako makapaniwala sa nangyari at sa ginawa ni tito Jorden ngayon.

Nang umandar na ang sasakyan, biglang bumuhos ang malakas na bugso ng ulan. Makalipas ang bente minutong pagmamaneho ni tito Jorden, narating namin ang isang maliit na coffee shop. Isa itong Vintage Coffee Shop at kaunti lamang ang mga tao rito. 

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon