CHAPTER 41: ROADTRIP

60 9 0
                                    

SOL

"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Luna sa'kin.

"Hindi, excited akong makasama ka eh," banat ko sa kaniya.

Agad naman niya ako hinampas  nang mahina sa braso. Suot-suot ni Luna ang kaniyang kulay grey na sweater at kulay itim na pantalon. Halos lumabas na ang puso ko sa aking dibdib dahil hindi ko mapigilan ang kiligin sa kaniya. 

Nakita kong bumaba ng sasakyan ang isang babae, siya siguro ang tita ni Luna. "Hi Sol! Nice to meet you." Kasabay ng kanyang pagbati ay inilahad niya ang kamay niya. Kinuha ko ito at nag mano ako.

"Bakit ka nag mano sa'kin iho? Mukha na ba akong lola?" natatawang tanong niya.

"Hindi naman po, mukha nga po kayong nasa teenage stage eh," sagot ko sa tita ni Luna at natawa siya.

Alright! Dagdag pogi points. "You can call me tita Jade," sabi niya at nakipag beso sa'kin. "Osige po, tita Jade."

Binuhat ko na ang dalawang backpack ko at inilagay sa trunk ng kotse. Pumasok na kaming tatlo sa sasakyan.

Pumunta na sa driver's seat ang tita ni Luna. Katabi ko si Luna at nasa dulo si Amethyst, na mahimbing na natutulog.

"Nasaan daddy mo? hindi ba siya sasama?" pabulong na tanong ko kay Luna para hindi magising si Amethyst sa likuran.

"Hindi na siya sumama, may work siya ngayon. Kakaalis lang niya," malungkot na tugon ni Luna.

"'Wag kang mag-alala, kasama mo naman ako."

"Ang harot mo talag-"

"Shhh, may natutulog, mamaya na lang tayo magtalo." Inilagay ko sa harap ng labi ni Luna ang hintuturo ko dahil mag-iingay nanaman itong kasama ko.

Pinaandar na ni tita Jade ang sasakyan. Madilim pa lamang ang paligid at maririnig mo sa labas ang tunog ng mga kuliglig.

"Sol kumusta naman kayo ng family n'yo?" tanong ni tita ni Luna habang nag mamaneho.

Humarap ako sa kaniya. "Ayos lang naman po tita."

"How's your mom and dad?"

 Biglang sumagot si Luna. "Tita patulugin mo na po muna si Sol, puyat po siya." 

"Okay, mamaya ko na lang siya tanungin." Hindi na muli nag tanong pa ang tita ni Luna. Tumingin ako kay Luna at sinuot niya ang earphones niya.

"Gusto mo pakinggan?" tanong niya sa'kin. Inalis niya ang earphone niya sa kaliwang tenga at sinuot ito sa akin. Pinikit na niya ang mga niya at ipinatong ang kaniyang ulo sa aking braso.

I wanna go
And fight in this fight
I wanna be
Be more than just a child

All these fears are around me
They're coming to get me
But emotions, they follow
Words of tomorrow
If you know this, you'll get it
You probably felt it today
Today, here

I wanna see
A people of my kind
I wanna hear
The marching sound of love

All these fears are around me
They're coming to get me
But emotions, they follow
Words of tomorrow
If you know this, you'll get it
You probably felt it today
Today, here

{©War by Ben&Ben}

LUNA

"Luna, gising na," bulong sa'kin ni Sol habang pinipindot ang pisngi ko. Iminulat ko ang mga mata ko at natatanaw ko na ang Lion's Head. Wow! Nandito na kami sa Baguio. Tumayo na ako at pinuntahan si Amethyst.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon