CHAPTER 42: IRRITATED

60 10 0
                                    

LUNA

Nagba-brunch kaming tatlo ngayon habang si Sol ang tagaluto namin. "Tita, masarap po ba ang tocino na niluto ko?" tanong ni Sol habang naghihiwa ng hotdog.

"Oo naman! Pwede kana mag-asawa," tugon ni tita. "Pwede na ba Luna?" nakangising tanong ni Sol.

Agad ko siya sinamaan ng tingin. "Hindi pa! Maghihintay ka muna mga 10 years pa," sabi ko sa kaniya.

"Kaya ko naman maghintay ng gano'ng katagal." pagmamayabang ni Sol. "Weh? Hindi nga?" pang-aasar ni Amethyst. Pinirito na ni Sol ang mga hotdog at kumain na ako ng kain at ng tocino.

"Saan n'yo gusto pumunta ngayon?" tanong ni tita. "Kayo po bahala tita," sagot ko naman. Tumingin siya kay Amethyst.

"What?" tanong ni Amethyst. "Sabi ko, saan n'yo gusto pumunta?" Inalis ni tita Jade ang earphones ni Amethyst. "No phones on the tables."

"But mom! I'm watching anime." depensa niya. Ako ang may kasalanan bakit nalibang si Amethyst sa panonood niya ng anime.

---

Pagkatapos naming kumain, lumabas na kami ng bahay at bumungad sa'kin ang hagdan na daig pa ang Banaue Rice Terraces. "Gusto mo buhatin kita?" tanong ni Sol sa'kin.

"Kala mo naman madadala mo ako." bigla ako binuhat ni Sol habang bumababa ng hagdan. "Hoy tsansing yan!" sigaw ko at natawa naman si tita Jade. Nakababa na kaming apat at nandito kami ngayon sa garahe.

Sumakay na kaming apat sa kotse at si tita Jade ang nakaupo sa driver's seat. "Gusto n'yo ma experience ang tunay kong driving skills?" tanong niya samin.

"Ma! mahal mo kami hindi ba? Alam naman namin marunong kang mag maneho, you don't need to show off your skills," sabi ni Amethyst. Natawa si tita Jade at mabilis na pinaandar ang sasakyan habang pababa ang kalsada.

OMG! Bigla ako napasandal at napakapit kay Sol. Mama! Ayoko naa! Kahit pasikot sikot ang pagmamaneho ni tita Jade, hindi alintana sa kaniya ito.

---

Mabilis naming narating ang burnham park dahil sa 'driving skills' ni tita. Hinihingal akong bumababa ng sasakyan dahil mala roller coaster ang kaniyang pagmamaneho.

Maraming mga tao ang bumungad samin. May mga bata naglalaro sa park na kasama ang mga nanay nila na walang sawang naghahabol sa kanila. May bike lane dito at maraming mga iba't ibang uri ng mga bisikleta.

Nakita ko rin ang isang parang lawa na maraming mga bangka. "Tara mga anak dito tayo sa mga boats." sabi ni tita Jade.

Nakakatuwa lang sa pakiramdam kahit hindi kami nanggaling sa kaniyang sinupupunan, isang anak na rin ang turing niya sa'min. Sumakay na kaming apat sa isang bangka at si Sol na ang nagsagwan kasama ang isang lalaki.

Pinasuot kami ng life vests. Kinuha ko sa bag ko ang phone ko at pinicturan si Sol na nagsasagwan ng may flash pala ito. Nakita ito ni Sol at ngumisi siya. "Ikaw ha? Pinipicturan mo pala ako ng patago ha." pang-aasar niya sa'kin.

"Hindi ah! Sinusubukan ko lang ang flashlight ng phone ko," depensa ko sa kaniya. Bigla naman nag pose si Sol, inirapan ko siya at tumawa ito. "Oh dali na! Picturan mo na ako," sabi niya.

Kinuha ko ulit ang phone ko at pinicturan siya. "Oh bakit ka namumula?" pang-aasar ni Sol sa'kin nang maramdaman kong uminit ang mga pisngi ko. "Luna sama mo naman kami!" sabi ni tita Jade, inabot niya sa'kin ang selfie stick at inilagay ko ang phone ko doon.

"Groufie!"

Click!

---

Katapos naming sumakay sa mga bangka, gusto naman daw ni Amethyst ang subukang mag bike. Pumipili ngayon ng mga bisikleta si tita Jade habang tinitigan ang mga bisikleta na dalawa lang ang gulong. "Oh bakit namumuta ka?" tanong ni Sol sa'kin.

"Hindi kasi marunong magbisikleta 'yang si Luna." pang-aasar pa ni Amethyst. Biglang humarap sa'kin si tita Jade. "Luna hangga ngayon hindi kapa marunong mag bisikleta?" gulat na tanong ni tita. "Wala po kasing time si dad na turuan po ako kaya ayun po." sambit ko.

"Halika ka nga dito." sabi ni Sol, kumuha siya ng isang bisikleta na dalawa lang ang gulong, napalunok ako dahil sa kaba. "Turuan kita." sabi niya sa'kin. "Ayos nako sa three wheeler na bike." sabi ko.

Kinuha na ni Sol ang bisikleta, "Sakay kana, hindi kita hahayaan mahulog." Wow. Kung alam mo lang Sol matagal na akong nahulog sa mga ngiti mo.

"Sol kabang natumba ang pamangkin ko, ihuhulog kita sa mamaya sa bangin." Tumingin sa'kin si Sol at binigyan niya ako ng seryoso-ba-siya look. Tumango ako sa kaniya at napalunok ito.

Sumakay na ako sa bisikleta at hirap na hirap akong ibalanse ang sarili ko kaya mahigpit ang pagkakahawak sa'kin ni Sol.

"Subukan mong mag padyak." sabi niya sa'kin. Sumakay na din sa bisikleta sina Amethyst at tita Jade, three wheeler naman sa kanila.

Si Amethyst ang nag hirap na nagpapadyak ang masarap ang upo ni tita Jade habang naka sunglasses pa.

"Behave lang kayo mga anak ha?" sabi ni tita Jade. "Alagaan mo Sol ang pamangkin ko ha, malilikot ang mga paa n'yan." Tumango naman si Sol at pumunta sa kabilang bike lane sina Amethyst.

"Hoy panget! 'wag mo'ko bibitawan ha?" sabi ko sa kaniya. "Hinding-hindi kita bibitawin Luna," sagot niya sa'kin.

Sinubukan ko na ang mag padyak habang binabalanse ko ang sarili ko. "Bilisan mo pa konti, Luna." sabi niya sa'kin.

Binilisan ko pa ang padyak ko nang bigla akong binitawan ni Sol ang pagkakahawak niya sa'kin. Loko yon ah! Pinagpatuloy ko pa ang pagpadyak at nakukuha ko na ang pagbalanse ko rito.

Binilisan ko pa ang pag bisikleta ko at mabilis naman akong hinabol ni Sol. Bahala siya mapagod kakahabol sa'kin. Inalis niya ang pagkakahawak niya.

Damang-dama ko ang sobrang lamig ng simoy ng hangin. Nanlaki ang mga mata ko na biglang na papunta ako sa malaking humps at ayaw gumana ng preno nito.

Daddy ayoko na! Biglang napatalon ang sinasakyan kong bisikleta at nawalan ako ng balanse. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Ayaw ko pang mamatay huhu.

Dadan-dahan kong imunulat ang mga mata ko dahil hindi ko man naramdaman na bumagsak ako sa lupa. Iniangat ko ang ulo ko nang makita ko si Sol na sakto niya akong nasalo.

"Bakit kasi ang bilis mo mag bisikleta!"

"Oh bakit? Ikaw naman nauna ah! Binitawan mo'ko."

"Pero hindi kita hinayaan ng mahulog ng tuluyan. Sinalo kita."

Parang double meaning ang sinabi niya ah.

Tumayo na ako at ipinagpag ang suot kong pantalon. "Ayaw mo na?" tanong ni Sol sa'kin. "Ayoko na." sagot ko sa kaniya.

---

Ibinalik na namin ni Sol ang bisikleta at nakaupo kami ngayon ni Sol sa bench at nasa harapan namin ang isang park.

Maraming mga bata ang naglalaro at mga pamilyang nagsasalo-salo. Kumakain ako ngayon ng ice cream strawberry flavor habang taho naman ang kay Sol. "Luna, sorry ha?"

"Masakit pa'rin loob ko," bulong ko sa kaniya at tumalikod sa kaniya. "Bakit naman?" tanong niya.

"Eh kasi naman binitawan mo'ko!" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil napagtaasan ko siya ng boses.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now