CHAPTER 61: PRAYER

26 5 0
                                    

LUNA

Pagkagising ko, masakit ang ulo ko at sobrang bigat ng pakiramdam ko dahil hindi ako makatulog kagabi dahil sa nangyari kay Sol. Sabi ko kahapon kay dad sa ospital na ako matulog, pero hindi siya pumayag dahil kailangan ko magpahinga.

Umupo ako sa kama ko at iniayos ang aking higaan. Walang gana kong tinupi ang kumot ko. Tumayo ako para itali ang mga kurtina ko at nakita ko ang makulimlim na panahon.

Muli ako naglakad papunta sa kama ko para tignan ang cellphone ko at nagmamag-asang isang panaginip lang lahat at may mababasa akong isang text message kay Sol. Ngunit ka open ng cellphone ko, ni-isang good morning message kay Sol ay wala.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ko ang mga mata ko. "Magigising din si Sol 'wag ka mag-aalala Luna," bulong ko sa sarili. I didn't bother to look at the mirror to check how I looked. Agad na ako bumaba at nag-almusal dahil may pasok ako ngayon.

Akmang baba na ako sa hagdan nang makita ko ang number ni Elijah na tumatawag sa akin. Agad ko inilapit sa tenga ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag.

"Elijah kumusta si Sol?"
"Inoperahan siya agad kagabi nang malaman ng mga doctor na stroke si Sol."

"Stroke? Na stroke si Sol?"

"Napag-alaman na mataas ang blood pressure at cholesterol level ni Sol. Kaya palagi siya nahihilo at sumasakit ang ulo. Dahil doon, nagkabara ang mga arteries ni Sol na nagsusupply ng dugo papunta sa utak niya."

"Nasaan kayo ngayon?"

"Nandito sa bahay, umuwi kami sandal ni mama. Si Marcus ang nagbabantay ngayon kay Sol."

"Kumusta na ang kalagayan ni Sol?"

"Ayun, unconscious pa rin."

Nang marinig ko na parang naiiyak si Elijah, nagpaalam na siya sa akin at pinatay ang tawag.

Halos matumba ako sa narinig ko at hindi ako makapaniwal sa sinabi ni Elijah tungkol sa kalagayan ni Sol.

Nakita kong bumukas ang pintuan at pumasok si dad sa loob ng kwarto ko.

"I was about to wake you up honey, what happened?"

"Na operahan po kagabi si Sol. Hangga ngayon ay wala pa rin po siyang malay..." Tuluyan na pumatak ang mga luha ko at agad naman pinunasan ni dad ang mga luha ko. "I am scared to death dad, baka hindi na siya magising..."

"...Anak, Malaki ang tiwala ko d'yan sa Sol mo, hindi ka niya iiwan. Dahil alam niyang hinihintay mo ang paggising niya."

"Daddy is here..." bulong niya sa akin. "Kailangan mo magpakatatag anak, para hindi mag-alala 'yang Sol mo."

"Dad pwede po ba ako na huwag muna ako pumasok? Wala akong gana pumasok ngayon eh," sabi ko sa kaniya.

"Anak, malapit kana mag moving up. Hindi kana pwede mag-absent. Ano gusto mo? Mag repeat ka? Ayaw ko na mag repeat ka at sigurado ako na ayaw rin mangyari ni Sol 'yon."

Pareho na kami tumayo ni dad at bumaba para mag-almusal kaming dalawa. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil may isang ama naman ako na nagmamahal sa akin at sobrang supportive. Tama naman si dad baka mag repeat ako kung tuluyan akong mag absent ngayon. Kaya gagawin ko ang best ko para maging matatag ngayong araw. Magiging matatag ako para kay dad, at para kay Sol.

Katapos namin kumain dalawa ni dad, muli akong umakyat sa kwarto ko at pumasok sa banyo para maligo na.

Katapos ko maligo, nakita ko ang sarili kong reflection sa salamin, sobrang laki na ng mga eyebags ko at ang dating clearskin kong mukha, ay puno na ng mga tigyawat. Nang matuyo na ang buhok at katawan ko, sinuot ko na ang uniform ko at lumabas na ng kwarto.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now