CHAPTER 28: COFFEE BOYS

114 27 0
                                    

L U N A

Sa wakas, last subject na lang namin ngayong hapon tapos late pa ang MAPEH Teacher namin. Tumabi muna ako kina Althea at Amethyst habang nasa likuran naman namin sina Jazz, Luke at Bryan na nagdadaldalan. Iginala ko ang mga mata ko sa buong classroom pero hindi ko makita sina Sol, Elijah at Marcus.

"Luna, sinong hinahanap mo?" Tanong ni Althea sa 'kin. Lumingon na lang ako sa kanya at hindi nakasagot.

"Ang nag-iisang Sol Trinidad," tugon naman ni Amethyst na sinamaan ko ng tingin.

"Oh, bakit? Tama naman ah," dugtong pa niya.

"Girl, kayo na ba ni Sol?" Tanong ni Althea.

"Sila na sana kaso itong ate girl mo ay pa-hard to get," sagot ni Amethyst.

"Ang akin lang naman, bago lang kasi nating kaklase si Sol tapos magkakagusto siya sa isang mukhang patatas ng ganoon kabilis," paliwanag ko sa kanila.

"Ano naman ngayon?" Tanong ni Althea.

"Hindi natin alam ang totoong motibo niya. Malay mo playboy pala," sagot ko kay Althea.

"Ayan ka na naman, Luna, you're overthinking again. Kaibigan naman natin ang mga tinuturing niyang kapatid, sila Elijah at Marcus," saad ni Amethyst.

"Good afternoon, class!" Bati ng MAPEH Teacher namin. Napatayo kaming lahat sa gulat dahil hindi namin siya napansing pumasok.

"Good morning, Sir Soriano!" Bati naming lahat pabalik sa kanya.

"May mga absent ba kayong kaklase? Bakit ang konti ninyo?" Tanong niya sa 'min. Nagtaas naman ng kamay si Stella para sumagot sa tanong ni Sir, "Nasa canteen po sila." Hobby na siguro ni Stella ang panlalaglag.

"Ganoon ba? Sige," pagsang-ayon ng aming guro. Lumapit siya sa pintuan at sinusi ito. Magsisimula na sana sa discussion si Sir nang may mga lalaking sumisigaw sa labas ng classroom.

"Hoy! 'Wag kayong tumakbo, matatapon 'tong kape ko!"

"Mga pangit, bilisan niyo late na tayo!"

Lumapit ang tatlo sa pintuan, kitang-kita ang kanilang mga istura dahil sa maliit na salamin ng pinto habang pilit nilang binubuksan ito. Napatigil sila nang makitang lumapit ang guro namin para pagbuksan sila ng pintuan.

"Good afternoon po!" Masiglang bati nilang tatlo.

"Anong oras na?" Tanong ng guro namin.

"Oras na po para magkape," mahinang sabi ni Marcus sabay taas ng kanyang kape. Nanlaki ang mga mata ng guro namin sa narinig niya.

"Anong sabi mo?!" Inis na tanong ng aming guro.

"Sir, wala po! Pasensiya na po sa late naming pagpasok," ani naman ni Sol. Akmang babalik na sa upuan si Elijah ngunit binawalan siya.

"May sinabi na ba akong pwede na kayong umupo? Diyan lang kayo, walang uupo!" Pagsusungit ng aming guro sa kanila. Nagsimula na ngang magturo ang aming guro at ako ay umupo na nang maayos.

"Ang pag-aaralan natin ngayon ay tungkol sa musika. Tutal nasa harapan naman kayong tatlo, may ipapagawa ako sa inyo. Kumanta kayo habang umiinom ng kape," utos ng guro namin.

"Seryoso po ba, Sir?" Tanong ni Marcus sabay inom ng kanyang kape.

"Oo, kung ayaw niyo ay pwede na kayong lumabas." Tugon ni Sir at tinuro ang pintuan.

"Anong kanta po?" Tanong naman ni Sol. Napahanga ang mga kaklase ko dahil game na game si Sol sa ipinapagawa ng guro namin.

"Anong gusto niyong kantahin nila?" Tanong ng guro namin sa amin.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now