CHAPTER 64: HOPE

40 6 0
                                    

SOL

Madilim ang kalangitan ngayon at ni-isang bituin ay hindi ko makita. Wala rin ang liwanag ng buwan na matagal ko nang hinihintay. Mag-isa akong naglalakad sa dalampasigan at nakita ko ang isang babae na nakasuot ng kulay puti na dress at nakatalikod ito sa akin. Maiksi ang kaniyang buhok at payat ang kaniyang pangangatawan. Alam na alam ko si Luna ito.

Naglakad ako papunta sa tubig at nabasa ang mga binti ko. Nang humarap ito sa akin. Malungkot ang kaniyang dalawang mga mata. Hinawakan niya ang kamay ko at pinagmasdan niya ito. "S-Sol?"

"Ako nga 'to Luna. I'm sorry for making you wait for so long," sabi ko sa kaniya at tumulo ang mga luha. Niyakap ko siya ng mahigpit at niyakap ko rin siya pabalik.

Mga ilang minuto kami naglaro sa tubig at pareho kaming nag-aasar at ito naman si manang, napipikon agad sa akin. Katapos namin maglaro sa tubig. Bumalik na kami sa dalampasigan at pareho kaming nakaupo sa buhangin at pinagmamasdan ang walang katapusan na karagatan sa aming harapan.

"Sana totoo itong lahat. Totoong bumalik ka." Mahinang bulong niya sa akin at napakunot ang dalawang kilay ko. "Totoong bumalik ako Luna."

Humarap si Luna sa akin at tumayo sa harapan ko. "Isa kang duwag! Hindi mo ako pinaglaban."

Tears were escaping from her eyes and I felt pain instanlly on my chest. Hangga ngayon, hindi ko pa rin kayang makita si Luna na humarap sa harapan ko. Tumayo ako para hawakin siya sa kanyang balikat ngunit agad itong tumakbo pabalik sa tubig. 

Mabilis ko siyang hinabol sa tubig at nakababad ang kalahating katawan ko sa tubig. Iniharap ko sa akin ang mukha ni Luna at hinalikan ko siya sa noo.

Wait. Something's not right. 

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at naging malalim ang bawat paghinga ko. Tinignan niya ako sa mata at tumawa siya ng malakas. 

"All this time, I just realized this is just one big lie."

"Luna ano ang sinasabi mo?"

"Matagal kitang hinintay! Sinabi mo sa akin na agad kang babalik. Pero hindi, pinaasa mo lang ako. Isa kang sinungaling Sol."

"Luna, nandito na ako. Ano pa ba ang hinahanap mo?"

Humagulgol si Luna at laking gulat ko hindi luha ang lumabas sa kaniyang mga mata. Kundi dugo. Umiiyak siya ng dugo. 

"Sinungaling ka Sol."

Akmang yayakapin ko si Luna ngunit bigla itong naglaho.

Iginala ko ang paningin ko at hindi ko siya makita. Mabilis akong tumakbo papunta sa dalampasigan ngunit hindi ko magalaw ang dalawang mga mata ko at bigla ako lumunod sa tubig.

Buong lakas kong sinubukan lumangoy pataas ngunit lalo lamang ako lumulubog at unti-unti na ako nawawalan ng hininga. 

---

Iminulat ko ang dalawang mga mata ko at napaubo ako at suminghap ng malalim dahil sa kakulangan ko ng hangin at laking gulat ko ay nandito sa tabi ko si Luna at halata sa kaniyang mukha ang pag-alala.

"Luna. Akala ko tuluyan ka ng mawawala," bulong ko sa kaniya nang maupo ako at agad ko siyang niyakap. Iginala ko ang mga mata ko at nasa isang garden kami ni Luna. Hindi siya sumagot sa akin, subalit hinila niya ako para makatayo at niyaya niya akong sumayaw.

Habang sumasayaw kami dalawa ni Luna, nagsiliparan ang mga petals ng mga bulaklak rito sa garden kasama ang mga iba't ibang mga paruparo.

Tinignan ni ako ni Luna, at sa wakas ay nagsalita rin siya. "You don't like it?" tanong niya sa akin. "Nagustuhan ko, salamat Luna."

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu