CHAPTER 56: FAMILY DINNER

43 6 0
                                    

LUNA

Kinabuksan, kagising ko pa lamang ay maaga ko na inayos ang mga dala kong mga gamit at mga sinuot kong mga damit. Katapos ko mag ayos, bumaba na ako sa bunk bed at nagtungo sa banyo para maghilamos.

Nang sumagi sa isipan ko ang ginawa namin kagabi sa dalampasigan habang naghihilamos ako, napapangiti ako sa kilig. 

Katapos ko mag hilamos lumabas na ako sa banyo at lumapit sa akin si Sol.

"Good morning Luna!" masiglang bati niya sa akin. Wow someone had a good night sleep. Samantalang ako, madaling araw na, gising pa ako dahil hindi pa ako makapag move on sa pagsagot ko ng "Oo" kay Sol.

"Hi good morning," bati ko sa kaniya. 

"Mas maganda siguro kung may endearment tayong dalawa, ano sa tingin mo ang maganda?" tanong ni Sol habang hawak-hawak ang kaniyang baba.

"Tawagin mo ako ng ganda at tatawagan kita ng panget," sagot ko sa kaniya at agad naman ito nagpout. 

"Ang duga naman n'on!" reklamo ni Sol at naupo siya sa kasama.

Tumabi ako sa kaniya at kinurot ko siya sa tagiliran. "Aray! para saan yon?" tanong niya habang hinihimas ang kaniyang tagiliran.

"Ang aga-aga kasi ang harot mo na," sabi ko sa kaniya at tumayo na ako. 

"Teka Luna, may surprise ako sa'yo," sabi niya at hinila niya ako para maupo ako ulit.

"Dyan ka lang ha, 'wag kang aalis!" utos niya. Lumabas ng kwarto si Sol at nahiga ako sa kama nila Jazz. Nang maramdam kong may matigas sa ilalim ng kaniyang unan, iniangat ko ang unan at  nakita ko ang cellphone ni Sol.

Agad ko itong binuksan at nakita ko ang aking sarili bilang wallpaper ni Sol. Nakatingin ako sa dalampisigan habang lumulubog ang araw. Kaya pala habang nakaupo ako kahapon sa dalampsigan may parang nag flash na ilaw sa tabi ko. Patago pala ako kinuhanan na litrato ni Sol.

Narinig kong bumukas ang pintuan at lumingon ako rito at iniluwal nito ang isang pangit na lalaki. 

Lumapit siya sa akin dalad-dala ang isang plato na puno ng fried rice at samutsaring mga ulam. May piritong itlog, tuyo at hotdog. Iniabot niya rin sa akin ang mainit na tasa na may milo. "May gatas 'yang milo mo, alam ko naman hindi mo iniinom kung wala 'yon," sabi niya sa akin.

"Wow thank you," bulong ko sa kaniya. "Tara sa kubo na lang tayo mag-almusal," pagyaya ko sa kaniya. Sabay kami naglalakad ni Sol patungo sa kubo habang dala-dala ang mga pagkain ko.

"Hi mga anak good morning," bati sa amin ni Tita Jade at humigop siya sa kaniyang tasa. 

"Good morning po tita Jade," bati ko sa kaniya. 

"Good morning rin po tita Jade," bati naman ni Sol.

Naupo ako sa harap ni tita Jade at inilapag ni Sol sa mesa ang almusal ko. "Oh ikaw Sol, kumain kana ba?" tanong ko sa kaniya at naupo siya sa tabi ko.

"Hindi pa, gusto ko subuan mo ako," sagot niya. 

"Ayoko nga! Ang tanda mo na!" reklamo ko sa kaniya. 

"Sige na kahit isang beses lang naman oh."

Tumayo ako at kumuha ng plato at kanin sa rice cooker. Tumingin ako sa mesa at sobrang dami ng mga ulam namin, may mga crabs at hipon din.

Bumalik na ako sa tabi niya at tinanong ko si Sol. "Ano gusto mong ulam?" 

"Gusto ko ng hipon," sagot niya. Mabilis kong binigyan ng tatlong hipon ang kaniyang plato at piniritong tuyo.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now