CHAPTER 24: SIGH

98 32 3
                                    

L U N A

Binasag ni Althea ang katahimikan sa pamamagitan ng pagpapatugtog gamit ang kanyang phone.

~This is not the best place to find a blackness
I've been hearing hampers
Just stop your shifting
You must think that I'm lonely
I'm the splendid one
Dusking at night
Ooh - evenings
I found the all-nighter for me~

"Ayos ka lang, Luna?" Tanong ni Amethyst sa 'kin.

"I'm all right. Naalala ko lang 'yong sinabi ni Sol kanina." Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

"Mga sis, tingnan niyo sila sa likod." Turo ni Althea sa mga boys sabay pinatay ang music. Bumaba kaming tatlo sa sasakyan at lumapit sa kanya.

"Napano kayo?" Tanong ko kay Jazz

"May n-nanakita k-kaming m-mu-multooo!!!" Sigaw niya.

"Duwag!" Pang-aasar ni Amethyst. Kinuha ni Luke ang kanyang phone at tinutok ang flashlight nito sa isang talahib. Nang ilawan niya ito, mayroong ingay ang kumaluskos.

"AAAHHHHH!!!" Sigaw ulit ni Jazz. Pumasok siya sa saksakyan at nilock ito.

Lumapit si Amethyst sa bintana na mayroong dalang malaking bato sabay kalampag kay Jazz, "Hoy! Bubuksan mo o ipupukpok ko 'to sa ulo mo?!"

Nabali ang atensyon namin sa dalawang nag-aasaran noong nagsalita si Luke, "Guys, just stay behind me." Bumilis ang paggalaw ng talahib at mas lumakas ang ingay na nagmumula rito.

Napatalon kami sa gulat nang may nakita kaming kulay dilaw na mga mata. Iniluwal ng talahib ang isang kulay itim na... kuting.

"Pusa?!" Sigaw namin. Nanlaki ang mga mata ng itim na pusa at biglang tumalon ito papunta kay Marcus.

"Aw, Marcus! He likes you," Saad ni Althea. Nakahinga na kami nang maluwag dahil wala naman palang multo rito sa gubat.

Pabalik na kami sa sasakyan nang sumasama sa amin ang itim na kuting. "Gusto mong sumama sa 'min, Siopao?" Tanong ni Marcus. Aba, may pangalan na agad.

Tumingin sa akin si Marcus, "Sama ba natin?" Tanong niya sakin. "Sige na, please." Dagdag pa niya. Ngumiti ako sa kanya, nakikita ko talaga kay Marcus si Sol.

"Oo na," sagot ko sa kanya. Lumapit ako sa pusa at kinausap ito, "Meow, huwag mong sirain 'yong loob ng kotse ha? Lagot tayo sa Daddy ko."

"Ngiyawwwww!" At tumango sa akin ang. Huh? I can talk to cats?! Grabe, sobrang cute niya. Pumasok na kami sa loob ng saksakyan kasama si Siopao at bumalik na ang tatlo sa pagtutulak.

Nag-stop over muna kami sa convienient store sa tapat ng isang gasoline station para makapagpahinga ang boys. Hindi ko akalaing ganito ang kahihinatnan ng camping na 'to. Kung alam ko lang sana ay hindi ko na tinuloy pa ang plano ko. Lumapit si Luke sa 'kin at umupo sa tabi ko.

"What's bothering you?" Tanong ni Luke sa 'kin. Tumingin ako sa kanya at sumagot, "Malungkot lang habang iniisip kung bakit ko pa naisipang mag-camping tayo," Singhal ko.

"Napahamak pa tuloy si Bryan. Kapag may nangyaring masama sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ayaw kong nasasaktan ang mga kaibigan ko ng dahil sa 'kin."

Ngumiti sa akin si Luke at nilabas ang iPod niya sa bulsa. "Luna, alam ko namang hindi mo intensyon 'yon. Naniniwala akong gusto mo lang magkasama-sama tayong magkakaibigan. Heto, earphones oh." Iniabot niya ang isa sa akin. "Do you know about Lo-fi music?" Tanong niya sa 'kin.

"Yup! It's one of my favorites!" Tugon ko sa kanya.

"Pwede ako sumandal sandali sayo? Nararamdaman ko na ang pagod," ani ko.

"Halika rito, matulog ka muna kahit sandali lang." Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat ni Luke at ipinikit ang aking mga mata.

~One minute you're here and the next you're stealing
Flying at night our love is like the airstrip
Reckless copilot I live my life as if I'm aeronautical
Faring faring faring I feel just like an aircraft - aircraft
Baby, I love your jets~

"Nasaan na si Luna?" Masiglang tanong ni Althea. Iminulat ko ang mga mata ko. At nang makita na niya kami, nawala bigla saya sa kanyang mukha.

"Oh, full tank na 'yong sasakyan mo. Pwede ka na sigurong tumayo r'yan, ano?" Inis niyang tanong sa'kin. Gulat akong napatayo nang mapagtantong nakita niyang nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Luke. Tumalikod siya sa amin at umalis.

"Patay," mahinang sabi ni Luke at tumayo na rin ito.

S O L

"Elijah, Bilisan mo!" Sigaw ko sa kanya. Katabi ko sa loob ng pedicab si Bryan at ang may-ari ng sasakyan.

"Iho, kumanan ka na, daretso na 'yon sa ospital," saad ni Lolo.

"Sige po! Salamat!" Malakas na sabi ni Elijah at halata sa boses niyang hinihingal na ito. Makalipas ang ilang minuto, natanaw na namin ang ospital. Dali-dali kaming bumaba sa pedicab.

"Lo, heto po ang bayad," sabi ko habang inaabot ang pera kay Lolo.

"Naku, mga iho, 'wag na kayo mag-abala." Bumunot ulit ako sa wallet ko para dagdagan ang ibinabayad namin ng isang libo. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

"Ang laki naman niyan. Hindi ko kayang tanggapin yan, hijo," mahina niyang sagot.

"Tulong na po namin 'to sa inyo," sagot ko sa kanya at iniabot ang pera.

"Talaga? Matutuwa ang mga apo ko nito," masaya niyang tugon at umabot hanggang tenga ang kanyang ngiti.

"Salamat, mga hijo at ako ay mauuna na." Sumakay na siya sa kanyang pedicab at umalis na ito. Inalalayan na ni Elijah si Bryan papunta sa emergency room at sumunod naman ako sa kanila.

May mga nurse na lumapit sa 'min, "Ano pong nangyari sa pasyente, Sir?" tanong niya kay Elijah.

"Kanina pa nilalagnat at nagsusuka," sagot ni Elijah at inasikaso na ng mga nurse si Bryan.

Nang mailayo na si Bryan. Lumapit si Elijah sa 'kin, "Nagugutom ako, anong gusto mong pabili? Alam ko may tindahan sila rito sa loob ng ospital." Kahit kalian talaga, pagkain ang inaatupag ni Elijah.

"Gusto ko ng black coffee," tugon ko sa kanya.

"Sigurado ka? Baka sumakit tiyan mo ha. Alam mo namang acidic ka," pag-aalala nito.

"Oo, dude. Labas muna ako, alam mo namang ayokong umaapak sa ospital," paalam ko sa kanya.

"Sige, bro." Umalis na rin siya para bumili ng pagkain.

Umupo ako at sumandal sa puno dito sa labas ng ospital. Iginala ko ang mga mata ko at tumingin sa kalangitan. Hugis bilog at napakaliwanag ng buwan ngayon, mas lalo tuloy gumanda. I hope we'll be alright in time. Napabungtong hininga na lamang ako sabay ipinikit ang mga mata.

"Luna..." sabi ko sa kawalan.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now