CHAPTER 26: SHOPPING SPREE

75 28 0
                                    

L U N A

"Luna..." sambit ni Daddy. Pumasok muli ako sa kwarto niya nang nakayuko.

"Dad, I'm sorr–" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mapagtantong tulog pa pala siya dahil nang tawagin niya ako, bigla siyang humilik. Tumingin ako sa wall clock ni Dad at nakitang 6:00 AM na. Hinalikan ko siya sa noo at lumabas na sa kanyang kwarto.

Kumuha ako ng sticky notes sa drawer ko at isinulat na, "Dad, I'm home. I will take a rest po muna." Nagtungo ako sa pintuan ko at idinikit ito.

Sinara ko na ang pintuan at pumunta na akong banyo para makapaghilamos. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin at ako ay nagulat sa paglalim ng eye bags ko.

Katapos maghilamos, kumain muna ako ng dala kong cereals at dumungaw sa bintana. May mga matatandang tumatakbo at mga kapitbahay na mahilig mag-alaga ng mga asong kasalukuyang nilalakad-lakad ang mga ito.

Isinara ko na ang blinds ng bintana ko humiga na sa kama. Akmang pipikit na ako ngunit narinig ko ang phone kong tumunog – mayroong nagtext. Napag-isipan kong tingnan muna ito bago matulog.

Sol: Kumusta?

Luna, hinga nang malalim. Mamaya mo na lang replyan 'yan, mas mahalaga ang matulog at magpahinga. Pinatay ko muna ang phone ko at ipinikit na ang mga mata. Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Paano kung hinihintay niya akong mag-reply? Tumingin ako sa wall clock, 6:15 AM. Huminga muna ako nang malalim bago ko buksan ang phone ko.

Luna: Heto, medyo pagod. Kayo nina Elijah at Bryan kumusta?

Seen 6:16 am

Typing...

Sol: Ayos lang naman kaming dalawa ni Elijah. Si Bryan naman, ayos na 'yong kalagayan niya. Mamayang hapon pwede na kaming umuwi.

Seen 6:16 am

Luna: Talaga? That's good. I'm sorry for what happened. Hindi mangyayari ito kung hindi dahil sa 'kin.

6:19 am

Sol: Luna, wala kang kasalanan dito. Stop worrying. No one's blaming you for what happened kay Bryan, kung meron man ay sisiguraduhin kong matutulog siya for eternity.

Seen 6:19 am

Luna: Corny mo talagang bumanat. Anyway, matutulog muna ako ha? Kakauwi lang kasi namin and safe naman kaming nakauwi lahat. Btw, Good morning.

6:21 am

Sol: Good to hear. Good morning and may you sleep well, Luna. <3

Nilayo ko na sa akin ang aking phone and I started whispering a prayer to God, "Lord, thank you po dahil nakauwi kaming ligtas. I pray that Bryan will get better soon. It is written that by your wounds, we are healed. I pray that everyone will be at peace. Thank you, Lord. In Jesus' Name, I pray. Amen."

Matapos magdasal ay nakatulog na ako nang mahimbing.

***

Tanghali na ako nagising. Umupo muna ako sa kama at nag-isip kung paano kakausapin si Daddy mamaya. Napahimas ako sa aking ulo dahil sobrang sakit nito. Pumunta na muna ako ng banyo para ayusin ang aking sarili.

Humarap ako sa salamin at sinuklayan ang maiksi kong buhok. "Go Luna, you got this!" Sabi ko sa sarili.

Nang matapos mag-ayos, lumabas na ako ng aking kwarto para puntahan si Daddy. Nakita ko siyang busy sa pagbabasa ng dyaryo.

"Good afternoon, Dad." Bati ko sa kanya.

Tumingin siya sa 'kin nang matagal bago magsalita, "Saan ka galing, anak? I was worried about you." Binaba na niya ang kanyang dyaryo at lumapit sa akin. Bakas sa kanyang mga mata ang takot at pag-aalala na mawala ako sa kanya.

"Pinuntahan ko po kagabi si Amethyst, Dad. Tinawagan niya ako at pinapunta sa kanila because she was having a mental breakdown. Karating ko sa kanila, she was sobbing on the floor. I asked her why pero hindi niya po ako sinasagot," pagpapaliwanag ko sa kanya.

"How is she now?" Mahinahong tanong niya.

"She called me earlier and she told me that she's already fine," sagot ko sa kanya. Sana maniwala si Daddy. Lord, I'm sorry sa white lies ko.

Tumango-tango siya at muling nagtanong, "How about the car? Sinong nag-drive?" Patay. Anong isasagot ko? Anong magandang excuse? Think Luna! Gamitin mo ang natitira mong braincells.

"A-ak-ako p-pong nag-drive. Yup! nagdrive po ako," nauutal na sagot ko. Naging maaliwalas na ang kanyang itsura at tila manghang-mangha.

"Talaga, 'nak? Wow, that's great! Hindi na kita kailangang ihatid-sundo pa," natatawang tugon niya sa 'kin.

"Daddy naman eh! 'Wag mo namang biruin ng ganyan ang kaisa-isang baby girl mo," pagrereklamo ko sa kanya.

"Biro lang, 'nak. I miss you so much." Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako. "Next time, text me agad. Nag-alala talaga ako sa 'yo anak," dagdag niya pa.

"Opo, kaso may problema po eh." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Ano 'yon anak?" Tanong niya sa 'kin at kumalas na ako sa yakap niya.

"Wala po akong load. Hehe," sagot ko kay Daddy.

"Ganoon ba? Magpalit ka ng damit at pupunta tayo ng mall. Mag papa-load tayo," sagot niya. Kumunot ang kilay ko sa sinabi ni Daddy. Seryoso ba siya? Mayroon namang naglo-load sa mga sari-sari store malapit sa amin. Hindi na bale, para makapag-shopping na rin ako ng panibagong mga damit.

***

Kasama ko ngayon si Daddy sa mall. Napakaraming tao, may magkakaibigang naglalaro sa mga arcade at mga pamilyang kumakain sa mga restaurants.

May mga bata rin akong nakitang hindi sa kalayuan ay kinukulit ang kanilang nanay, "Mama! Bilhan mo naman kaming Nerf Gun ni kuya."

"Anong gagawin mo sa baril, anak? Kababae mong tao!" Sermon ng nanay sa bata.

"Si Kuya kasi ayaw niya akong kalaro." Humikbi ang batang babae at niyakap ang kanyang nanay.

"Mama Laida, hindi totoo ang sinasabi ni Thyra! Binabawalan ko lang siyang kumuha ng cookies ko!" Depensa ng batang lalaki na maluha-luha na rin.

"Tyler, Thyra, tara na." Pagyaya sa kanila ng kanilang ina. Lumingon ako sa tabi ko, kanina pa pala naghihintay si Daddy.

"Anong tinitingnan mo?" Tanong niya sa 'kin.

"May nakita kasi akong dalawang bata, buti pa sila kasama pa nila 'yong Mommy nila." Tumingin ako sa itaas para hindi tumulo ang luha ko. Lumapit sa 'kin si Daddy at niyakap ako kaya unti-unting tumulo na ang luha ko.

After all these years, my heart is still aching. Mom, I miss you so much. Please, come back. Please. Kung bibigyan ako ng isang kahilingan, ang tanging hiling ko lang ay ang makasama namin muli si Mom. Para maging masaya na ulit si Daddy at maging buo na ang pamilya namin ulit.

Tumingin ako kay Daddy, pinagmamasdan niya rin ang mag-ina. Naging malalim ang kanyang paghinga at biglang namuo ang pawis sa kanyang noo.

"Dad, are you okay?" tanong ko muli sa kanya. Lumingon siya sa 'kin at tumango.

"Tara, kain na muna tayo ng tanghalian. Nagugutom na ako. Saan mo ba gustong kumain?" Habang naglalakad kami, lumingon ako kay Daddy at tinitingnan niya pa rin ang mag-ina. 

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Where stories live. Discover now