Special Chapter Five: Neil

3.3K 62 9
                                    

Not all stories end with a happy ending. Mine happens to be one of those.

After Daren's wedding,

NEIL'S POV

"Pre!Ingat sa honeymoon ha?" paalala ko sa kanila.Kagabi lang nangyari ang kasal nina Daren at Rhiane,at ngayong umaga,aalis na sila sa resort.Magchecheck in ng 2 days sa isang hotel sa Manila bago ang flight nila papuntang France. Kami,mamayang hapon pa aalis. I-eenjoy muna namin ang resort at 'leave' sa trabaho.

"King inang paalala yan pre!Ano?Bata lang?Tsk.Daren!Galingan mo ha?Sureball mo 'yan!" binatukan ni Danielle si Bry dahil sa pinagsasasabi nito.

"Bastos." sabi ni Danielle na ikinatawa naming lahat.

"Hindi bastos 'yun!Mag-asawa na kaya sila.Huwag ka ngang feeling conservative.Palibhasa,magmamadre ka eh." depensa naman ni Bryan kaya lalong nagtawanan ang lahat. Isang batok na naman tuloy ang natanggap niya kay Dan.

"Sino na kayang sunod?" nakangiting tanong ni Mark.

"Sus,nagpaparinig ka lang kay Sandy eh!" pang-aasar ni Chris.

"Pakyu ka!"

Natawa na naman lahat dahil sa pagmunura ni Mark. Minsan lang kasi magmura yan eh.Well,gaano nga ba kadalas ang minsan?

"Pero seryoso,feeling ko,itong si Neil ang sunod eh.Di ba?Ang tagal niyo na kaya ni Lex.3rd year high school pa." nakangiting sabi ni Daren habang nakaakbay kay Rhiane.

Sa totoo lang,gusto ko na rin. Kaso, feeling ko, hindi pa handa si Alexa. There's something in her eyes na hindi niya masabi. Ayoko namang mapressure siya kaya hahayaan ko muna.Isa pa, nag-aaral pa siya. Ayoko namang maging sagabal sa pangarap niya.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa kanya na nakangiti lang sa sinabi ni Daren. Pero ayun na naman ang mga mata niya. Parang may gustong sabihin.

"Hay nako!Umalis na nga kayo.Baka sisihin niyo pa kami kapag nabulilyaso ang honeymoon niyo." si Danielle na todo taboy sa dalawa.

"Asus,bitter ka lang kasi wala kang lovelife." pang-aasar ni Daren bago agad na hinila si Rhiane papunta sa kabilang side ng kotse at inalalayan papasok sa shotgun seat.

Bumalik naman siya sa kabilang side at nagpaalam na rin samin bago pumasok at pinaandar na ang kotse.

Hindi namin maintindihan kung bakit nagkaroon ng moment of awkward silence sa amin nang makaalis ang dalawa.

Dahil ba yun sa sinabi ni Daren na ako ang sunod na magpapakasal?

Nakita kong sumenyas na si Danielle kila Bryan na umalis kaya agad din silang nagsunuran kasama si Sandy. Si Coleen at Jessmine kasi,maagang umalis dahil may pasok sila sa trabaho. Nauna pa sila kina Daren.

"Tara na wifey." yaya ko kay Alexa kahit awkward.Pinilit kong ngumiti bago tumalikod at naunang maglakad.

Hindi pa man ako nakakalayo, tinawag niya na ako. Hindi hubby. Walang kahit anong sweet tone. Kundi isang simpleng 'Neil' lang.

Pinilit ko pa ring ngumiti at humarap sa kanya. I don't know. Maayos naman kami kagabi.Hindi ko alam kung bakit sa simpleng sinabi ni Daren, ganito na ang mangyayari. Siguro dahil alam kong may mali?

"Bakit?Gusto mo bang pasanin kita papasok sa loob?Ayoko nga.Di ako pumapasan ng baboy." I laughed. Pilit na tawa.Yung tipong ako mismo, hindi natawa sa sarili kong joke.

"Pwede ba tayong mag-usap?" sabi niya. I tried to look at her eyes pero walang emosyon. Blanko.

"Nag-uusap na tayo wifey." I tried to crack a joke once again.

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora