FAQ's: (May book 2 po ba ang FAPOM?)

4.4K 63 33
                                    

Hey guys! Sorry if it took me some time before ko i-announce 'to. Gusto ko kasing isahan na sabi na lang sa lahat.

"May book 2 po ba ang FAPOM?"

WALA PO. FINAL. NO CHANGE OF PLANS. LOCKED. TAPON SUSI.

Honestly, natutuwa talaga ako na ang daming na-hook sa FAPOM. Maraming nagdedemand ng book 2 sa FB o wattpad man. Syempre, ibigsabihin minahal niyo ang story kaya gusto niyong magkabook 2.

Simula ng maraming nagtanong sa'kin, nagulo na ang utak ko. Baka sabihin niyo, peymhur ako kaya ayaw ko pa agad sabihin kung meron o wala. Hindi po. Ang totoo niyan, matagal akong nag-isip. Ilang buwan. Nanghingi pa ako ng mga advice sa kaibigan kong author, at sa some friends ko. Salamat nga pala sa kanila. :)

May mga pagkakataon na gusto ko na rin gawan ng book 2 ang FAPOM. May title na nga eh. 'Debris From The Past.' Nakaisip na rin ako ng conflicts. Pero hindi na po 'to matutuloy. Here are the reasons.

1. Originally, sa plano ko talaga, walang book 2 bago ko pa simulan isulat ang FAPOM.

2. Kapag gumawa ako ng book 2, paniguradong iba na ang makakatuluyan ni Danielle dahil patay na talaga si James. Parang tanga naman kung bubuhayin ko siya ulit.

3. Masisira yung tinatawag kong 'feels' ng FOREVER: A Part of Me lalo na sa pagitan ni James at Danielle.

4. Published story na po ito. Hindi na lang ako ang may-ari. At ang alam ng publisher, isang book lang 'to.

5. Kulang pa ang mga karanasan ko para mapanindigan ang pagiging 20's nila Danielle. I mean, sa story, nagtatrabaho na sila. May asawa na nga ang iba. Eh 17 lang ho ako. Hindi ko mapapanindigan. Pwedeng mag-imagine at magbasa ng books pero iba pa rin kapag may naranasan ka na.

6. Baka hindi ko ma-meet ang expectations niyo.

7. Ang FOREVER: A Part of Me ay kwento lamang sa pagitan nina Danielle at James. Kung gagawa ako ng book 2, don't you think na hindi na karapat-dapat tawaging book 2 'yon? Ibang tao na 'yon. It's not about James and Danielle anymore. It's like, another story na talaga. Totally. Ang gulo ko mag-explain dito. Sana na-gets niyo.

Ganito na lang isipin niyo, noong una, maraming tao ang natutuwa sa Be Careful With My Heart. Anong ginawa? Pinahaba ng pinahaba.Anyare sa audience? 'Di ba, nagsawa? Ganun. May tendency na mangyari yun sa FAPOM kung ipipilit natin. Tingnan niyo yung Koreanovelas, kahit gustung-gusto ng audience, hindi na pinapahaba. Kahit pa maraming magreklamo at nabitin. Anyare sa audience? Kahit paulit-ulitin nila yung palabas, hindi sila nagsasawa. ( View ko lang ito. Sorry for BCWMH fans and anti-koreanovelas)

Tanggapin na lang natin na ito ang katapusan ng istorya ni Danielle at James.

I believe in you, my reader. Alam kong malawak ang imagination mo. Hahayaan kitang isipin kung anong gusto mo. Forever single ba si Danielle? Nagmadre ba talaga siya? O kung nakatuluyan niya si Kutong lupa? or whatever.

Maraming salamat po sa suportang ibinigay niyo. Isa lang po ang kahilingan ko, sana suportahan din natin ang ibang stories at characters. Sana kung gaano niyo kainit na tinanggap at minahal ang FAPOM, ganun din sa ibang stories ko pang ginagawa. Dahil kayo, bilang mga readers, ay isa talaga sa mga inspirasyon ko. Hindi niyo alam kung gaano kalaki ang naitutulong sa akin ng PM's at Comments niyo. :)

Sabi ko, i-uupdate ko 'to kapag nagawa ko na ang special chapter ni Neil. Sorry, pero mukhang matatagalan pa due to personal reasons. But I promise to update it ngayong bakasyon. Ang kaya ko lang i-update as of now ay 'yung From A Distance at Destined to be Untitled. :)

Maraming salamat po talaga! I am hoping for your kind consideration. Excuse letter lang.

Anyway, here are some questions pa na PNipiem sa akin.

1. Saan po available ang FAPOM book?

All leading bookstores nationwide. Kung walang stock, kindly tell me or ask the staffs there sa store para umorder sila. :) Nagdedeliver pa rin ang lovelink, sadyang tyempuhan lang. :)

2. Magkano po ang FAPOM book?

149 pesoses po.

3. Bakit burado na po ang ibang chapters?

It's an order from the publisher. Naglagay naman po ako ng warning sa description at sa simula, kung ayaw niyong makabasa ng bitin, huwag niyo na pong basahin totally.

4. True to life story po ba ito?

Hindi po. Pure fiction.

5. Kayo po ba si Miss AT?

Hahahahahahahaha. Nakakatawa talaga 'to. Hindi po ako si Miss AT.

6. Totoo po ba si James?

Hindi pooo.

7. May karanasan na po ba kayong ganito kaya naisulat niyo ang FAPOM?

Wala po. Sadyang madramang tao lang po ako.

8. May iba pa po kayong napublish na book?

Wala pa po. Sana magkaroon ulit. Hihi.

9. May iba pa po ba kayong sinusulat na story?

Yez po. Kindly check my works here :)

10. Sino po si kutong-lupa?

Katrabaho ni Danielle. Ewan. Bigla ko lang naisip 'yon. Sorry. Wala talaga akong balak pangalanan siya.

11. Totoo po bang magiging movie na ang FAPOM?

Hahahahahahaha. Hindi po. April fool joke ko lang po 'yon. Hoping na magkatotoo. Hahaha.

12. Wala po bang book signing?

Wala pa. As of now.

13. Wala po bang bookmark ang libro?

Wala po.

14. Paano po kayo naging author ng RS?

May nag-recommend po sa'kin.

15. Pwede po bang magpasa ng manu sa RS?

Pwede po. Di ko lang po alam kung paano ang sistema kung kayo mismo ang lalapit sa kanila. Pasensya na po.

16. Pa-follow back po.

Hindi po ako nagpafollow back sa wattpad. Tanging sa twitter at instagram lang po. Kung magpapa-follow back po kayo, sabihin niyo po ng maayos. Baka maurat ako, magbago isip ko. Hahahaha. Di po kawalan ang isang follower. Choz.

17. Magkano po binayad sa inyo ng RS?

This is a personal matter. Sarreh.

Ayan. Maraming maraming salamat po ulit. Kung may tanong kayo, kindly PM me or comment here tapos idadagdag ko na lang dito. :)

Here are my accts:

Facebook
AddictedAuthor Wp (this is for wattpad stuffs) deactivated

Jess Eleferia Estomo (my account. Pwede niyong i-add. Haha. Kaso 'wag kayong magugulat kung parang magkaibang tao ang nagpopost sa AddictedAuthor Wp account at dito. :)

Twitter
@jeymestomo ( Jessa Mae Estomo)

Hindi ko na po ginagamit yung account na AddictedAuthor. :)

Instagram
@jeymestomo (Ma. Jessa Mae Estomo)

Ask.fm
Ateey_watty (Sa mga nahihiyang magtanong, mas maganda kung ita-try niyo 'to. Kasi pwede kayong magtanong ng di ko nakikilala. Hahaha. )

Tumblr

@memasavvy

FOREVER: A Part of Me's Page
Forever: A Part Of Me

My FB Group
Ate Adi's wattpad stories

Lovelink Page
Lovelink - official
Lovelink/Risingstar authors - active

Risingstar page
Risingstar Printing Enterprise

Salamat. Thank you. Kamsahabnida. Xiexie. Arigatou Guzaimasu. Danke. :* Have a nice day!

----

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now