CHAPTER 24: NEVER TRIED TO ASK ME

6.6K 130 35
                                    

DANIELLE'S POV

'Halakhak pa! Sige lang! Bobodyakan na talaga kita!'

"Peste... Tigilan mo na kooooo.. !!!.."

Tumigil naman siya..

We?? Di nga??Tumigil siya?.. YES NAMAN!!

Malay ko ba na hypothesis yun!!!!!!!

Atsaka, saan ko ba nakuha yung hypotenuse??

Pinag-aralan ba namin yun??

Ni hindi ko nga alam kung ano yun eh..

HANTANGA MO NGA DANIELLE..

Bobo.. Hypothesis? Hypotenuse?.. -,-

Itanong ko kaya ka James kung ano ibigsabihin ng hypotenuse???

Magtatanong sana ako kay James pero napansin ko na seryoso siya masiyadong nakatingin ng 'cold expression' sa babaeng nasa harapan niya...

Mukhang kasing edaran namin at MAGANDA siya!

Nakatingin lang siya kay James..

"James.." tawag niya..

Kanina pa sila magkatitigan ngayon lang tinawag! Labo mo!

"Do you still remember me?.."

"Ah!! Jessa Mae right?" rinig kong sagot ni James na wala na namang emosyon..

"What the hell? Who the heck is Jessa Mae?.."

"I don't know.. I thought, it was your name..Ah!You're Criselle Mae! I knew it!.."

"I am not Jessa Mae nor Criselle Mae! Whoever Mae she is.. This is me.. Your bestfriend.. Your one and only bestfriend..Rhiane Joy.. ARJAY!.. Aren't you happy that I am finally here again??.."

ENGLISH SI ATIIIHHH!!!

Naintindihan ko yun ha! Naintindihan ko yun!

At eto namang si James.. San niya pinagkukukuha yung mga pangalang sinasabi niya? Sagana sa MAE eh!

Tiyaka ano daw? BESTFRIEND? Akala ko ba , walang kaibigan to?

Eh sino tong babaeng to?

Isa sa tagahanga niya?

Pero hindi!

Hindi naman magiging ganun ang reaksiyon ni James kung hindi niya talaga to kilala..

Napatingin ako sa kanila..

At sa mga kamay nila!

Hawak pa rin nung RJ 'kuno' ang mga kamay ni James..

Napahawak ako sa dibdib ko ng may kakaiba akong naramdaman..

Yung puso ko, naabnormal na naman!

Parang may konting 'kirot'..

At ang tanging alam ko lang..

Gusto kong alisin ang pagkakahawak nila ng kamay at keltukan yung babae!

Ano?!

Silang dalawa na lang pala! Para FAIR!!!

"Excuse me?" sabat ko..

Hahahaha.. English no?

Ginaya ko yan sa isang palabas..

Mataray ang pagkakabuga ko..

MASINDAK KA SAKIN..

Napatangin siya sakin pero hawak pa rin niya ang kamay ni James..

"Yes?"

"Who the HELL are you?!"

Oh! Panis ka talaga sakin!

Napataas naman ang kilay niya..

"Like what I've said.. Iam RJ.. Iam his BEST - - - .."

"Yeah.. Yeah.. I heard you.. You think Iam an idiyit? (idiot)"

*clap* *clap* *clap*

Napakalupet ko talagang manggaya..

Napanood ko din to sa mean girls eh!

Sabi ni Regina George.. "Do you think Iam an idiyit?.."

Lalo namang napataas ang kilay niya..

Abot na sa tuktok ng noo niya..

"HOW DARE YOU?!!!!.."

Eh? Naging wild si atiih..

Pabagsak na inalis ni James ang pagkakahawak sa kanya ni RJ daw..

Kaya nabaling ang atensyon sa kanya nito..

'Hahahahahahaha.. Buti nga sayo..'

"James.."

"Enough! Will you just please leave us ALONE?!.."

Labo din neto ni James eh.. Us daw edi kami yun.. sabay ALONE e pang mag isa lang yun..

Tanga!

"Oh? Rinig mo naman siguro?.. Leave daw.. Umalis ka na..!" sabat ko na naman..

Naiirita talaga ako sa babaeng to eh..

"Wag ka ngang makialam! Sino ka ba ha?! Di naman kita kilala ha?.."

"Kailangan bang kilala mo ko?!.."

Mukha naman siyang napaisip..

"Ahhmm.. Hindi nga.. So never mind.*tapos nag shrug siya*( taray! akalain mong alam ko yung shrug? Tumatalino na talaga ako.. )" Bumaling na naman siya kay James..

Arrrggghh!!!

"James.. Listen to me.."

"I won't!.."

"James please.."

"I SAID I WON'T!!.."

Nagulat kaming pareho sa sigaw ni James..

"But - - -.."

"Wag ka na ngang mag but but siyan! Batbatin kita eh! Hindi nga daw di ba? Ulitin ko pa? HINDI NGA DAW DI BA?!Ulitin ko pa?HINDI NGA DAW DI BA?!Ulitin ko pa?HINDI NGA DAW DI BA?!Ulitin ko pa?HINDI NGA - - -" hindi ko natuloy ang pagiging unli ko dahil nag historical na tong babaeng to.. (Tama ba? Historical?) Nevermind!

"SINO KA BA HA?! BAKIT BA NAPAKA PAKEALAMERA MO?!"

Grabe.. Umabot na talaga sa anit yung kilay niya sa sobrang taas at nakita ko na yung toncil niya sa pagsigaw niya.. Infairness, hindi maga...

"Akala ko ba, hindi ka interesado?.." walang emosyon kong tanong.. ( O di ba? Juma James lang ang peg ko)

Ay ewan! Nabubwiset talaga ako sa kanya e..

Inirapan niya ako at tumingin kay James ulit..

"James, sino ba tong TOMBOY na to?!.."

"Anong sabi mo?!" tanong ko na naman..

'Bwiset to ah'

"Oh bakit? Angal ka? Tomboy ka naman talaga di ba?? Tingnan mo nga yang itsura mo.. You are so far from a real girl!!.."

"Bakit? Ano bang basehan mo sa pagiging REAL GIRL?!" pagbabalik ko sa kanya..

Hindi naman siya nakasagot..

Napatahimik kaming tatlo hanggang sa nagsalita ulit siya..

This time, mahinahon na kaysa kanina.. Hindi na siya naghihistorical..

"Sino ka ba? Ano mo ba si James? Bakit ganyan ka na lang magalit sa akin eh hindi mo pa naman ako kilala?.."

Tanong niya na siyang nakapagpatigil naman sakin..

Ano nga ba ako ni James?

Tiyaka, bakit nga ba ako nagagalit?

Ano nga naman bang pakialam to?

Hindi ko alam! HINDI KO ALAM!

Kusa ko na lang naramdaman na parang gusto ko silang paghiwalayin, pero hindi ko alam kung bakit..

Hindi ko alam ang isasagot..

Nakatingin siya sakin at ayokong ipakita sa kanya na nangangapa ako sa sasabihin ko..

"She's my friend.."

Sagot ni James..

Friend?!

Oo nga! Magkaibigan kami kaya may pakialam ako!.."

Pero medyo na dismaya ako sa sagot ni James..

Eh bakit naman??!! Alangan namang sabihin niya na 'She's my enemy..'? E di pinagtawanan ako nito..

Tiyaka naalala ko, friends na nga pala kami!! Nag usap na kami tungkol don di ba??..

"Ha! Friend.. FRIEND! Eh bakit ganyan ka umasta?" baling na naman niya sakin at bumalik siya sa MAEPAL na tono..

Hindi pa rin ako makasagot..

"O ano? Ano? Natahimik ka?!"

"ENOUGH!.." sigaw ni James..

"Why the hell do you care? ..... Answer me! May gusto ka ba - - - -.."

"I SAID ENOUGH! She's my friend! She's my REAL friend!!!!.."

Sabi ni James sabay hatak sa akin palayo..

"JAMES! JM!! LISTEN TO ME PLEASE! "

Pahabol pa nung epal na RJ na yun pero hindi na siya pinansin ni James..

Napatingin ako sa kamay ko na hawak ni James ng dahil sa paghatak niya..

*DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG*

Muling napahawak ang kaliwang kamay ko sa puso ko habang nakatingin pa rin ako sa kanang kamay ko na hawak niya..

'Ano ba tong nararamdaman ko?'

JAMES'S POV

'Aren't you happy that I am finally here again?'

I will never be happy because of you..

I trusted you.

I tried to tell you what I feel towards my family..

But what the hell did you just do?!

You tell the people about my problem..... that lead them to pity me..

And then what?!

You left me..

You left me ALL ALONE!!!!

Without telling the reason..

And now you have the guts to ask me if I am happy because you finally back here?!

Tss.. D*MN!

"James?!.."

Napatigil ako sa paglalakad..

Shet.. Kasama ko pa pala si Danielle?..

Binitiwan ko siya at tumingin sa paligid..

Nasa school garden kami..

At good thing!

Halos wala ng estudyante..

Malapit na rin magdilim..

Inis kong binalik ang tingin ko sa kanya..

"Bakit nandito ka?!" napasabunot pa ako sa buhok ko sa sobrang inis..

"Ha! Patawa ka!.."

"I don't need you to be sarcastic. I need you to answer me! Bakit ka nandito??!!.."

Sa mga ganitong pagkakataon, ayoko yung hindi ko makakausap ng matino at gagamitan pa ako ng sarcasm..

"Dahil hinatak mo ako?" pang asar niya pang sagot..

Nakapamewang yung kaliwang kamay ko at napasabunot na naman ako sa buhok ko gamit ang kanang kamay ko..

"Sumagot ka nga ng matino!!!.."

Sumeryoso naman siya..

"Ano bang problema mo James?! Sino ba yung babaeng yun at ganyan ka makaasta?!.."

"You don't have to know..!"

"Wag mo akong ini english english diyan dahil baka lalong hindi kita maintindihan!!! Kung may problema ka, sabihin mo sakin! Hindi yang ganyan ka umasta at pati sakin ibabaling mo yung inis mo!!! Aba! Ano namang alam ko sa pinagdadaanan mo?! Tatawa tawa ka lang kanina tapos bigla kang sumeryoso ng makita siya.. Ano gusto mong mangyari?! Mag isip ako ng dahilan?! Ah! Siguro bitter ka sa bestfriend mo dahil nagkaroon kayo ng relasyon dati!!!!.."

"At saan mo naman nakuha yan?!!.."

"Wala! Dahil sa nakita ko.. Yun talaga ang masasabi ko..! Pero iniiwasan kong isipin.. Dahil mas naniniwala ako sa sinabi mo! Na hindi kapa nagkakagirlfriend!"

"Bakit ka ba napunta diyan ha?! Eh tinatanong ko lang naman kung bakit ka nandito?!.."

"Dahil hindi mo ako maintindihan!!! At ikaw  hindi rin kita maintindihan!! Hinatak mo nga ako papunta dito!!! At ngayon, susungitan mo ako?! Anong gusto mong gawin ko ha?!.."

"E di sana umalis ka! E di sana binawi mo yung kamay mo!"

"Ha!!!  Malay ko ba na yun ang dapat kong gawin?! Akala ko kasi kailangan mo ng kausap eh! Ready naman sana ako makinig! Hindi ko naman alam na dapat ko pa lang tanggalin yung kamay ko sa pagkakahawak mo at layasan ka habang halata namang problemado ka!!.."

Natahimik ako..

"James.. Sabihin mo kasi sa akin kung ano bang problema mo.. Handa naman akong makinig eh.."

"Why would I ask an advice from a DUMB person like you?!.."

Siya naman ang natigilan..

Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin sabay lipat ng tingin sa cottage na nasa kaliwa niya kahit wala naman siyang makikita dun..

"Wow.. Wow talaga!!.."*habang pangiti ngiti pa siya at pailing iling na nakatingin sa cottage*

Binalik niya ang tingin niya sakin..

"Alam mo James, aminado naman ako na tanga ako.. Ultimong hypothesis at hypotenuse nga, nalito pa ako.. Pero.."

Napatigil siya sandali at nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya..

"Paminsan minsan, masama ding ipamuka.."

Kasabay nun ang pagtulo ng luha sa kanang mata niya..

Tuluyan niya akong tinalikuran at tumakbo na siya paalis..

Napairap na lang ako sa kawalan at napahilamos sa mukha ko..

DANIELLE'S POV

Ang galing! Grabe.. Ang galing talaga..

Porket ba bobo ako, wala na akong kakayahan magtanong at makinig sa problema ng iba?!

Pasensiya!

Kasalanan palang maging bobo ngayon!!

Nagtatakbo ako pauwi habang patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko..

Bwiset!!

Ang sakit e..

Ang sakit palang ipamukha sayo na ganun ka..

Walang kamalay malay na nakarating ako sa tapat ng bahay namin..

Pinunasan ko ang luha ko pero dare daretso pa ring tumutulo yun..

Tsk! Badtrip!!

Halos mapagod na ako kakapahid sa mukha ko dahil nababasa lang ng paulit ulit yung pisngi ko..

Nakailang hinga ako ng malalim bago ako tuluyang huminahon..

Tiyaka ako kumatok sa bahay..

Lumabas si mama at pinagbuksan ako ng gate..

Ganun pa rin..

Walang imik.. Cold..

Nagsabay pa sila ni James..

Agad akong tumakbo sa kwarto ko at muling umiyak!

'Why would I ask an advice from a DUMB person like you?!..'

Bakit nga naman ako pa ang pipiliin niyang pagtanungan di ba?!

Mukhang wala naman akong matinong masasabi sa kanya..

Hindi ko namalayan na nakatulog ako kakaiyak..

- - -

Nagising ako sa ingay ng plato sa kusina..

Mukhang naghuhugas na si mama ng pinagkainan niya..

8PM na pala..

Tsk..

Naka uniform pa pala ako..

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin..

At ayun..

Maga ang mga mata ko..

Naalala ko na naman yung kanina..

Masakit pa rin pero kahit papano, kontrolado ko na yung emosyon ko..

Iiling iling na lang ako sa harap ng salamin hanggang sa may nakita akong nakapatong na folder sa lamesa sa tabi nito..

Shemay!

Portfolio in Chemistry..

Hindi pa ako nakakagawa ng pang third grading e mag eexam na kami next week..

Hindi naman sa nagbago na ako.. Tamad pa rin ako.. at TANGA!!

Pero, etong mga requirements na ganito na lang din ang nakakatulong sa akin para makapasa..

Alanganin nag start ang pasukan dahil Thursday ngayon..

Hindi ko alam kung kailan yung deadline nito..

May nakapa akong barya sa palda ko at sakto pa pang load kaya agad agad akong nagbihis at lumabas para magpaload..

Kung tutuusin pwede ko namang itanong to bukas..

Pero ewan ko ba..

Malay mo, magtext si James tungkol sa nangyari kanina..

Atleast, may pangreply ako..

Mabuti na lang, hindi ako yung taong mahilig damdamin yung mga problema..

Oo.. Nag eemote ako saglit pero after nun, okay na ulit ako..

Weird ba?..

Ewan.. Ganun ako eh..

Pagkaload ko, dumaretso ako sa kwarto at naghanap ng pwedeng tawagan..

Si Erika ang una kong dinial pero unattended siya kaya naghanap ako ng iba..

Hanggang sa nakita ko yung name ni CH..

Isa siya sa mga geek kong classnates.. Yung subsob talaga sa pag aaral.. Mabait din to.. Tahimik nga lang palagi.. At tingin ko, isa siya sa mga babaeng walang gusto kay James.. Yung talagang aral ang inaatupag..

"Hello?."

"Hello? ... kit?.."

"Ha?"

"A..no..ka...ngan.. mo?.."

Anodaw?!

Lumabas ako ng kwarto dahil baka luminaw ang signal..

"Hello CH?Ano ulit yun?.."

"Ano kakong kailangan mo?.."

"Ah.. Itatanong ko lang kung kailan ang deadline ng portfolio sa chem.?"

"Ah.. sa Monday daw.."

"Ganun ba? Sige. Salamat.."

"Welcome.. Sige.."

Binaba ko na yung phone ko at babalik na sana sa kwarto..

"Akala ko ba napasok ka, bakit hindi mo alam yung ganyang bagay?.."

Napatigil ako..

Si mama yung nagsalita..

At nakakainis yung tono ng pananalita niya..

Mapanghusga!

Parang sinasabi na 'wala naman palang kwenta yung pagpasok mo..'

Grabe! Uso na pala pagpapamukha ngayon..

"Hindi ko po narinig e.." inis kong sagot..

Tumahimik saglit bago siya nagsalita ulit..

"Ikaw Daniella ha! Ayoko talaga yung pagsagot sagot mo ng ganyan sakin!!! Nabubwiset ako!!! "

"Ano bang ginawa ko?"

"Anong ginawa mo?! Pakinggan mo nga yung sagot mo sakin! Napaka walang galang!!!.."

Inalala ko yung paraan ng pagsagot ko sa kanya...

Oo nga.. Medyo nakakainis din yung tono..

Pero nakakainis din yung paraan ng pagtanong niya eh.. Kaya nadala ako..

"Yan na ba ang tinuturo sa eskwelahan ngayon ha Daniella?!!!Ano ba talagang problema mo? Wala ka ba talagang galang ha?! Ganyan ka na?! Sa tuwing ganyan yang sagot mo, nabubwisit talaga ako sayooo!!!!.."

Tumahimik lang ako at pinakinggan siya..

"Alam mo Daniella...."




"Mas okay pa ako, kapag wala ka dito sa bahay.."

Tada! Strike 2 na ako sa araw na to!

Automatic na naramdaman ko na naman ang pamumuo ng luha ko..

Para niya na rin kasing sinabi na, 'ayoko ng makasama ka.'

Nakatingin siya ng masama sakin..

"Eh nakakainis din naman kasi yung tono ng pagtanong niyo kanina eh.." hindi ko na napigilan ang pagsagot ko..

"Ah! So gusto mo amuin pa kita?!.."

"Hindi naman po sa ganun, ang sinasabi ko lang, pwede namang itanong niyo yun ng maayos eh.."

"Anong gusto mo? sundin kita?! Hindi Daniella! Punyeta! Hinding hindi ako susunod sayo!.."

"Wala naman akong sinabing sundin niyo ako! Ang sinasabi ko lang pwede niyo namang itanong ng maayos yun para - - -.."

"Hindi Daniella! Pinapasunod mo ako sayo?! Ba! Ayos ka din no?!.."

"Hindi nga yun yun ma! Ang sinasabi ko lang pwede niyo din namang itanong ng maayos yun! Ano bang problema dun?! Hindi ko maintindihan eh! Pakinggan niyo muna kas- - -.."

"Ako pa ang makikinig sayo?! Ganun ba?!"

"Ma! Pakinggan niyo kasi muna yung paliwanag ko!!!! Hindi yung ganyan! Ni hindi niyo nga ako pinapatapos magsalita eh!!! Hindi niyo ako maintindihan dahil ayaw niyo tanggaping may pagkakamali din kayo!!!.."

"Punyeta talaga Daniella! Ako pa ha?! Ako pa talaga?! Hindi ka na nahiya!! Nag iingay ako dahil sayo!!!!.. Nakikipag away ba ako sa kapit bahay natin? Hindi di ba?! Sayo lang ako ganito!!!! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nag iingay!!! Ang laki laki mo na! Hindi ka na nahiya!.."

"Oo na! Oo na! Ako na naman! Ako ang dahilan kung bakit ka nag iingay. Ako ang dahilan kung bakit walang pera. Ako ang dahilan kung bakit umalis si papa. Ako lahat!!!!!"

"O bakit? Hindi ba totoo?! Ikaw - - - .."

"Oo na nga ma eh! Ako na! Paulit ulit ka na eh!!! Ako ang may kasalanan lahat! Ako ang dahilan! Tandang tanda ko na yan!!! Mas tanda ko pa yan sa mga lessons ko! Baka nga pagbagsak ng ekonomiya, sakin mo pa isisi eh!!!.."

*PAK*

Sinampal niya ako..

Ang saya ko naman ngayong araw..

Wala na..

Umiyak na naman ako..

Di bale.. Mawawala din naman to..

"Lumayas ka dito!!!.."

Tiningnan ko siyang mabuti habang tuluy tuloy na naman ang daloy ng luha ko..

"LAYAS!!!!!!!!!.."

Agad naman akong tumalikod at tumakbo palabas ng bahay..

Badtrip naman!!

Ubos na naman ang luha ko ngayong araw..

Saan naman ako pupunta?! Eh gabi na eh..

Buti nadala ko yung cp ko..

Dinial ko yung number ni Neil pero unattended..

Si Bryan kaya?.."

"Hello?.."

"Hello Dan? Maya ka na tawag.. Naglalaro ako ng DOTA.. Mananalo na ako kay Chris e.. Bye.."

*tooot toooot*

Hayy.. Hindi man lang muna ako pinasalita...

Kailangan ko talaga ng makakausap..

Hindi naman pwedeng si Chris dahil kasama ni Bryan..

Si Mark..

"Hello?.."

"Oh Dan.. Napatawag ka?.."

"Pwede ka pa bang lumabas?.." pinipigilan ko ang pag garalgal ng boses ko..

"Hindi na Dan eh.. Bawal na ako.. Andito si papa ngayon.."

"Ah.. G-ganun b-ba.. S-sige.."

"Dan.. May problema ba?.."

"Ha?H-hindi.. Hindi.. W-wala.."

"Dan.. Hindi ka makakapagsinungaling sakin.. C'mon.. Sabihin mo na sakin.. Pwede naman tayong mag usap sa phone.."

"Sira! E di naubos load ko.." sinubukan kong magbiro.. Pero naiiyak pa rin ako..

Mas masakit kasi to kesa kay James eh..

Ewan ko ba kung bakit hindi ako masanay sanay kay mama..

"E di ako tatawag - - -.."

"Mark.. Ok lang ako.. Gusto ko lang talaga maggala.. Wala lang akong makasama.."

"Ganun ba?O sige.. Pero pag kailangan mo ng kausap ha?.."

"Oo.. Bye na.. Mawawalan na ako ng load.."

"Baliw ka talaga.. Bye.."

"Bye.."

*toooot tooooot* *tooooot toooot*

Wala na talaga..

Saan ba ako pupunta?..

Hindi naman ako natatakot kahit gabi na..

Kaso kailangan ko ng masasandalan..

Ayoko din munang bumalik sa bahay..

Si James kaya?..

Kapal naman ng mukha ko..

Di na..

Baka sabihin niya.. 'Why would I TALK to a DUMB person like you?..'

Nanlulumo akong naglalakad..

Hanggang sa may naalala ako..

Si DAREN!

DAREN'S POV

"Put.. Ina! Talo ka na!!! Wohhoo!!.."

"Panalo na naman ako!!! Hina mo dre!!!.."

Andito ako sa computer shop..

Actually, kasama ako ni Chris at Bryan..

Naglalaro kami ng DOTA..

At talo ako..

Narinig ko kasing kausap ni Bryan si Danielle kanina..

At di na ako makapag focus..

Sa isang tulad ni Danielle, bihira yung tatawag siya lalo na't gabi na..

"Daren! Anong nangyari sayo? Badtrip ka naman oh! Talo tayo!.." reklamo ni Bryan

"Isa pa! Isa pa! Bawi kami..!" dugtong pa niya..

"Tara tara!..Para matalo ulit kayo! Hahaha.."Si Chris..

Kalaban namin siya ngayon eh..

"Ano? Game ka Daren?!

"Gege!.."

"Yon! Tara tara!.."

*Umiiyak ka na naman mahal..Lagi na lang ika'y nasasaktan..Sabi niya, hindi ka iiwanan..ikaw ay nabigo.. kayo'y nagkalayo*

Kinuha ko agad yung phone kong nagriring..

"Hello Danielle? Bakit?.."

"Busy ka ba?.."

"Ah.. Hindi hindi!.."

"Pwede mo ba akong samahan?.."

"Ha? Saan? Bakit?"

"Basta.."

"Eh nasaan ka ba?"

"Sa dulo ng street niyo.."

"Sige! Wag kang aalis diyan!Hintayin mo ako ha?.."

"Oo.."

Binaba ko na yung phone ko at tumakbo..

"Oy Daren! Tae! Tinakasan tayo!.." rinig kong pahabol ni Chris..

Pero wala na akong pakialam..

Kailangan ako ni Danielle ngayon..

Mabuti na lang, malapit lang ako sa kanto namin..

"Danielle.." tawag ko sa kanya nang makita ko siyang nakaupo sa may gutter..

Pero nagulat ako ng lumapit siya sakin at biglang..

O.O

*DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG* *DUG DUG*

DANIELLE'S POV

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napayakap ako kay Daren..

"Da-Danielle.. O-ok ka lang ba?!.."

Umiling iling ako..

"Bakit? Anong nangyari?.."

"Pinalayas ako eh.."

"What?!.."

Napabuntong hininga siya..

"Tara.. tara.."

Sumunod naman ako sa kanya..

Naglakad kami ng naglakad hanggang sa nakarating kami sa covered court..

Buti na lang, bukas.. Pero madilim na..

"Ngayon mo ikwento kung anong nangyari.."

At yun.. kinuwento ko sa kanya lahat lahat..

"Tsk.. Dan naman.. Bakit sumagot ka pa kasi?"

"Sorry.. Hindi ko na rin kasi mapigilan ang sarili ko eh.. Nakakainis naman kasing isumbat sayo lahat.."

Bumuntong hininga na naman siya..

"Sorry ha?.."

"Para saan?"

"Dahil wala kaming magawa para kausapin yung mama mo.."

"Tss.. Ok lang no! Di niyo naman obligasyon yun.."

"Pero kahit na - - -.."

"Ayos nga lang..Nakakainis kayo! Pati si Neil, nagsosorry din dahil dun.. Tss.."

Ngumiti naman siya..

"Pero Dan.."

"Oh?.."

"Yun lang ba ang dahilan kung bakit ka umiyak ngayon?.."

"Bakit mo natanong?.."

"Kasi, hindi naman agad mamamaga yang mata mo kung yun lang eh...At isa pa, ang alam kong nakakamaga ng mata, kapag umiyak ka tapos nakatulog ka.. "

Ako naman ang napabuntong hininga..

"Hindi nga lang yon.."

"Bakit naman?..Ano pang dahilan?.."

"Si James kasi eh.."

Mukha naman siyang nagalit..

"Anong ginawa sayo ng James na yan?!!!!.."

"Easy ka lang.."

"Danielle.."

"Oo na! Ikukwento ko.. Pero kumalma ka muna.."

"Fine.. O game na.."

At yun.. kinuwento ko na naman lahat..

Sana pala di ako naghanap ng kasama no?

Story teller ako ngayon eh..

"ANO?!"

Aray ko.. Ang sakit sa tenga nun ha..

"Hoy! Wag ka namang sumigaw!.."

"Sorry naman.. Kaso.. Ang kapal kasi ng lalaking yun! Hindi porket matalino siya, gaganyanin ka niya!!! Ang kapal niya lang na paiyakin ka!!!.."

"Hayaan mo na.. Baka kasi may problema talaga siya sa babaeng yun.."

"Kahit na.. Di ka dapat niya dinadamay.."

"Hayaan mo na nga.. Kulet.. Okay na nga ako oh?.."

"Yan ba ang okay? Maga ang mata?.."

"Syempre! Alangan namang mawala agad yan!!.."

"Tsk.. Pero Dan.."

"Oh?!.."

"Anong naramdaman mo nung sinabi niya yun?.."

"Syempre nasaktan! Baliw to! Kaya nga namaga ang mata ko eh.."

"Pero san ka nasaktan? sa sinabi niya? o sa babaeng kumausap sa kanya?.."

Nagulat ako sa tanong niya..

Hindi ako makasagot..

May sakit din kasi akong naramdaman nung hinawakan nung babae yung kamay niya..

Pero mas masakit yung sinabi niya..

Pero ang tanong.. Saan ako nasaktan? Hindi naman, saan ako mas nasaktan?.."

"Dan.."

"Ah.. S-syempre sa s-sinabi niya.."

"Hayy.. Buti naman.."

"Ha? Bakit naman?.."

"Wala.. Ano na palang balak mo ngayon?.."

"Saan?.."

"Ngayon.. pinalayas ka di ba?.. Paano ka?.."

"Syempre uuwi.."

"Uuwi ka pa rin?.."

"Malamang.. Ano ka ba! Nanay ko pa rin yun no!.. "

"Sabagay.. Mas mabuti yan.. Pero anong oras ka uuwi?.. 9:30PM na nga pala.. Kung hindi mo alam.."

"Tss.. Maya maya.. Uuwi ka na ba?.."

"Hindi pa.. Syempre, ihahatid pa kita.."

"Kaya ko sarili ko.."

"Tsk.. kung kaya mo, e di sana, hindi ka na naghanap ng kadamay mo!.."

Natahimik naman ako..

Ganun din siya..

"So - - .."

"Daren?.." hindi ko na siya pinatapos magsalita.. Hindi naman ako nagalit sa sanabi niya eh..

"Oh?.."

"Salamat ha?.."

"Para saan?.."

"Syempre, sa pagsama mo sa akin.."

"Dan.. sorry.. wala akong intensyon na isumbat yun.."

"Alam ko.. nagpapasalamat talaga ako.."

"Wala yun.."

"Buti na lang, hindi ka busy.."

"Actually, nagdodota din ako kasama sila Chris.."

O.O

"Huh?!.."

"Sabi ko, nagdodota din ako.."

"Oh? May ginagawa ka pala eh.. Dapat, di mo na ako pinuntahan.."

"Ayos lang.. Mas mahalaga ka kesa sa dota.."

"Tss.. Pero salamat talaga.."

"Oo na nga! Wag paulit ulit! Parang hindi ikaw si Danielle eh!.."

"Haha.. sabi ko nga.."

Natawa din naman siya..

"Alam mo ba.. na ikaw yung huli kong naisipan na tawagan?.."

"Huh?.."

"Una kong kinontak si Neil.. Unattended.. Si Bryan.. Dota nga daw.. Ni hindi nga ako nakapagsalita sa phone e.. Si Chris, kasama ni Bry.. Si Mark, andyan yung papa niya.. Pero pwede naman daw sa phone kaso wag na.. kasi baka mapagalitan din siya.."

"Tapos... ako na naisip mong tawagan?.."

"Ha..Hindi.."

"Ganun? Sino?.."

"Si... J-james.."

"Wow lang.. Naisip mo pa talaga siya bago ako ha? Ganun ba ako kawalang silbi sayo?.."

"Hindi naman sa ganun Daren.. Kaya lang.. alam mo na, lagi tayong nag aasaran kaya medyo awkward pag nag usap tayo ng masiyadong seryoso.."

"Kaya si James muna?.."

"Wag ka ng magalit.. Hindi ko naman tinuloy eh.. Di ko siya tinawagan.. Syempre.. may pride din ako.."

"Tss.. Tapos si Chris na mas malakas pa mang asar sakin, naisipan mo pa.."

"Sorry na nga e.."

"Tsk.. Kakatampo ka.."

"Daren naman.."

"You know what Dan?.."

"Huh?.."

"I am always willing to help you.. I am always willing to listen to you.. I am always willing to give you an advice. I am always willing to serve as your pillow. I am always willing to give my shoulder for you to lean on.."


Napatigil siya..

At kahit madilim..

Nakita kong tumingin siya sakin..

Sa mga mata ko..

"But....



You never tried to ask me....




whenever you need someone else.."

O.O

O.O

O.O


S.P.E.E.C.H.L.E.S.S

( A/N: Matagal pa po ang susunod na update.. SOBRAAAANNGGG BUSY sa school.. :( Bye! Mamats sa paghintay! Lalo na kay Christopher Piolino! Na laging nangungulit about update.. Hindi nakakinis.. Nakakatuwa pa nga eh.. Pramis! :) Salamat po sa pagintindi.. :) )

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now