CHAPTER 47: WORSE

3.7K 107 12
                                    

DANIELLE'S POV

"DANIELLE! HINTAYIN MO KAMI!"

Hindi ko na pinansin ang sigaw nila Neil dahil nagmamadali na ako..

Sabay sabay na sana kaming pauwi galing sa school ng biglang nagtext si Tita Jaira..

Sinugod daw sa hospital si James..

Kaya nagmamadali akong pumunta dun..

Agad agad kong hinanap ang ICU..

Nakita ko si Tita Jaira at si Tito Mervin sa labas..

"Tita... Tita.. Ano pong nangyari?"

Hindi ako sinagot ni tita dahil patuloy lang siya sa pag iyak...

Ngayon ko lang siya nakitang ganito ang iyak simula noong nagkasakit si James..

Parang naipon lahat at ngayon lang niya nailabas..

"S-sinugod si James dito da-dahil kanina, habang kausap namin siya sa HFHF, bigla umatake yung sakit niya sa puso.. A-ayaw niya sanang magpadala sa hospital kaso namimilipit na siya sa sakit.. Hindi na rin siya makahinga k-kaya dinala na namin siya dito.."

Hindi ako makareact sa sinabi ni tito..

Kinakabahan ako...

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa hindi ko malaman na dahilan..

"A-ano daw p-pong sabi ng doktor?"

"Under observation pa rin siya kaya siya nandito sa ICU.. Pero ang s-sabi ng doktor, lumala daw yung m-myocardial fibrosis n-niya.."

Napailing ako..

Ayokong tanggapin yung mga naririnig ko..

"P-pero tito, di ba, may gamot naman po yun?"

"Hindi na siya madaan sa gamot Danielle.."

Napasabunot ako sa buhok ko ng dahil sa sobrang pagkafrustrate..

"Ano yun? Ganun na lang yun? Heart Transplant tito, hindi ba pwede yun?"

"Nakalista na ang pangalan ni James sa mga naghihintay ng donor ng puso.."

"A-anong nakalista???"

"Dan, nililista lahat ng pangalan ng mga naghihintay ng donor ng puso.. Kapag may nagdonate, ieexamine muna nila yun kung compatible sa unang nakalista.. Hanggang sa susunod.. Makakakuha agad ng heart donor si James kung siya mismo ang gustong pagbigyan ng puso ng magdodonate.."

Napanganga na lang ako sa sobrang pagkadismaya..

"T*ngna! Pati pala sa pagdonate ng puso, may pila pa?!!!."

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong magmura..

E kamura mura naman kasi talaga yung nangyayari eh!

Lalong lumakas yung pag iyak ni tita Jaira..

Si tito, halatang halata ang galit at lungkot sa mukha..

"P-pwede ko po bang bisitahin si James?"

Tumango lang si tito..

Pumasok ako sa ICU at sinuot ang hospital gown na nakasabit sa may pintuan..

Isa isa lang ang pwedeng pumasok dito..

Nakita ko si James na nakahiga at may oxygen ng ginagamit..

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now