Five

7.5K 184 12
                                    

DANIELLE'S POV

Sa t'wing nakakausap ko ang lalaking 'yon, palaging badtrip ang ending ko. 

Talagang nakuhanan niya pa ng video 'yon? Kung 'di rin siya dakilang tsismoso talaga eh. 

Kung hindi ko lang iniisip na baka mawala ang friendship namin ni Neil, pinabayaan ko na talaga 'yang James Bond na 'yan sa kahit anong gusto niyang gawin. Bwisit siya. 

Para mawala ang pagka-inis ko, nag-online ako sa Facebook para malibang kahit papaano. 

Kakabukas pa lang ng account ko nang may biglang mag-pop up na message.

Daniel Mendoza: Hello, anak! Kumusta na kayo diyan?

Na-excite ako nang mabasa ang message ni papa. Miss na miss ko na siya. Agad din naman kaming nag-video call dahil break time niya raw sa trabaho ngayon. 

"Pa, kumusta? Miss na kita! Umuwi ka na, please!" bungad ko sa kanya. 

"Okay naman. Miss ko na rin kayo! Ang mama mo?"

"Hindi ko alam. Baka nasa salas. Palagi niya pa rin akong pinapagalitan."

Tinawanan lang ni papa ang pagsusumbong ko. Seryoso pa naman ako. 

"Makulit ka yata eh? Ayusin mo kasi ang pag-aaral mo. Kumusta na ba ang grades mo?"

Natigilan ako sa tanong niya. Doon ko lang naalala na baka maging repeater nga pala ako. 

Bumuntong-hininga ako bago aminin sa kanya ang totoo. 

"Pa, sorry. Baka raw maging repeater ako eh."

"Huh? Bakit?" bakas sa tono niya ang pag-aalala. 

"Mukhang babagsak daw talaga ako dahil sa mga grades ko eh."

"Anak..." wala na siyang naidugtong, pero halata sa mukha niya ang pagka-lungkot. Bigla tuloy akong nag-guilty. 

"Ganito na lang. Kapag nakapasa ka, uuwi ako sa bakasyon mo."

"Seryoso ba 'yan?" ngayon, napalitan ng excitement ang boses ko. 

"Oo naman. Mahirap magpaalam dito, pero gagawan ko ng paraan. Basta, mag-promise ka sa'kin."

Hindi ko alam kung kaya ko, pero gustung-gusto ko na ulit makita si papa kaya kahit hindi ko alam kung paano, papatulan ko na 'to. Nag-promise ako sa kanya na makakapasa ako. 

"Love you, anak!"

"Love you too, pa."

Masaya pa kaming nagku-kwentuhan nang biglang sumigaw na naman si mama at sinasabing magdamag na lang ako sa kwarto ko at wala nang naitutulong. 

Nang hindi ko siya pansinin, pumasok siya sa kwarto at inutusan akong magsaing bago kinuha ang laptop para siya ang makipag-usap kay papa. 

Padabog akong umalis sa kwarto. 

Habang hinihintay kong maluto ang sinaing, sinubukan kong magbasa-basa ng mga libro namin. Pero wala talaga akong maintindihan. Gulung-gulo 'yung utak ko sa mga nakalagay dito.

Wala na yata akong pag-asa, pero gusto ko talagang umuwi si papa. 

Magdamag akong nag-isip kung anong pwedeng gawin. Ang tanging solusyon na naisip kong makakatulong sa'kin ay ang bagay na kinamumuhian ko sanang gawin. 

----

JAMES' POV

Napaaga ako sa school ngayon. 6:30 a.m pa lang. 7:15 pa ang unang klase ko. 

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon