CHAPTER 33: FAIL

6.2K 122 27
                                    

DANIELLE'S POV

VALENTINE'S DAY

 

Andito pa ako sa bahay ngayon.

Wala kaming regular classes kasi Feb. Fair. 

7 AM pa lang naman.

Mamayang gabi pa mag sstart yung mga event na to the highest level ang kacornyhan!

Isang walang kakwenta kwentang boring at corny na Feb. Fair.

Pero kailangan kong pumunta!

Kasi ngayon ako... Err.

Ngayon ko sasabihin kay James na....

Ah basta! Ngayon ako kakanta!

Peste! Nakakahiya talaga 'to eh!!! 

Gagawin ko ba talaga 'to?

'Nakakahiyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!.'

Pero wala namang nakakaalam nito eh.

Hindi alam nila Neil.

Maski si Daren na nagturo sa akin, ang alam niya, gusto ko lang talagang matuto.

Pinadala ko rin sa kanya yung gitara.

Wala naman kasi akong gitara sa bahay.

Ang sabi niya, dadalhin niya daw yun, kasi ang booth daw ng F, magbabayad ng 5 pesos at magrerequest kay Daren ng tutugtugin.

10 pesos daw kapag may kasamang letter na sasabihin bago simulan ang kanta.

'Putek! Tuboooong Lugaw!'

Pero kahit ganun kamahal yun, marami pa ring pipila dun.

Sa dami ba naman ng nagkakagusto kay Daren eh. -,-

Pero kapag pagod na sila, si Neil naman ang papalit.

Yung A, ang booth, wala ding kwenta.

Ang walang katapusang marriage booth lang naman!.

Ewan ko na yung sa ibang section.

Wala din naman akong balak alamin.

Ang gagawin ko lang talaga ay yung pakay ko sa school..

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon