Eight

7.7K 170 6
                                    

DANIELLE'S POV

THURSDAY

Last day na ng review ko ngayon. Bukas na kasi yung exam.

Wala naman masyadong nangyari after namin manood ng movie kila Daren.

Well, meron pala kaunti.

Hindi na masyadong mapang asar si Daren ngayon sakin. Tapos kapag magkakasama kaming lahat, parang may tension na.

Hindi na kasing saya ng dati. Ewan ko ba. Wala namang problema sa iba. Si Daren lang yung medyo nagbago.

Yung tipong minsan , lahat kami nag aasaran na , tapos siya lang yung tahimik. Minsan nga yata, naa out of place na yun samin eh.

Ang sabi naman ni Mark, pabayaan na lang daw. Baka daw may problema lang. Babalik din daw yun sa dati. Kaya yun, hinahayaan muna namin.

Pero sumasama pa rin naman siya samin. Naiba lang talaga yung pakikitungo niya.

Sa ngayon, naglalakad na ako papasok sa school..

Medyo wala ako sa sarili ko. Wala lang. Ewan ko.. Natatanga na naman ako eh..

*bbbeeeeeeeppppp*

"DANIELLE!.."

Biglang may humatak sakin pabalik dun sa gilid ng daanan. Patawid na kasi sana ako.

Tiningnan ko siya,,

"Neil?"

"Ano ka ba?!Bakit hindi ka nag iingat?!Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!Muntik ka ng mabangga oh!.."

Ang bilis ng tibok ng puso ko.. Normal na gawin yun sa isang kaibigan, pero ewan ko ba, kapag siya ang gumagawa, parang napaka big deal sakin.

Nakatingin lang ako sa kanya. Wala akong masabi..

"Da- Danielle? Galit ka ba? Sorry kung nasigawan kita. Nag alala lang ako.."

"......"

"Uy ,sorry na.. Magsalita ka naman.."

Natauhan naman ako..

"Ahmm.. Sorry .. Oo, mag iingat na ako sa susunod.. Di ako galit. Nabigla lang ako."

O.O Niyakap niya ako..

"Tss.. Grabe, pinakaba mo ako masyado.."

"He-he.. So- sorry.."

Tapos binitawan niya na ako.

"Tuliro ka na naman kasi eh.. Tara na, sabay na tayong pumasok.."

Tapos sabay na kaming tumawid. Hawak niya yung wrist ko..

Ano ba Neil, wag kang ganyan. Pinapahirapan mo ako. Baka umasa ako..

JAMES'S POV

Maaga ako pumasok ngayon. Last day ko na kasing tuturuan si Danielle.

and guess what?..

Wala pa rin siyang natututunan.. -_-

Sayang lang talaga ang laway ko sa kanya..

Nagbabasa lang ako ng libro habang hinihintay siya dito sa loob ng room.. Saan na naman kaya nagpunta yun?..

"Danielle, dito na ako ha.. Ingat ka.."

Napatingin ako sa pintuan. Kasama na naman pala niya yung Neil.

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon