One

20.5K 344 59
                                    

DANIELLE'S POV

"Hoy Danielle! Gumising ka na nga! Anong oras na ah? May klase ka pa! Wala ka talagang kwenta! High school pa lang, ganyan ka nang klaseng bata ka!"

Grabe talaga ang alarm clock ko tuwing umaga! Nakakainis! Nakakatamad kayang pumasok.

Ano bang itinuturo sa eskwelahan? Carbon Dioxide? Nitrogen? Argon? Anong gagawin ko sa mga chemical reactions? Kailangan ko bang i-compute ang anggulo nang lahat ng triangles na makikita ko kaya dapat pag-aralan ang Geometry? Kailangan ko pa bang malaman ang buhay ni Rizal mula kapanganakan niya? Kailangan ko pa bang sauluhin ang kasaysayan ng bawat lugar sa mundo?

Eh ano namang gagawin ko d'yan? Hindi naman 'yan makakatulong kapag nagka-trabaho na ako.

Hindi ko pinansin si mama. Kinuha ko ang cellphone at earphones ko. Nakinig ng music at itinodo ang volume.

Matutulog sana ako ulit ngunit maya-maya lang ay naramdaman ko ang malakas na paghampas sa balikat ko.

"Aray ma, ano ba!"

"Sinabi kong gumising ka na 'di ba? Ang laki-laki mo na, kailangan ka pa ring gisingin! Eh kung kaladkarin na kaya kita paalis d'yan sa kama?"

"Ayoko pong puma--aray ko!"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad niyang piningot ang aking kanang tainga.

"Daniella Louise Abad Mendoza! Ano ba!"

Ugh. Nabibingi na ako sa pagsigaw ni mama.

"Oo na nga! Ito na po, papasok na!"

Tumayo na ako at nagsimulang mag-ayos.

Hanggang matapos ay nanenermon pa rin siya. Ni hindi na nga ako nagpaalam bago umalis dahil abala pa rin siya sa pagra-rap niya.

Ako si Daniella Louise Abad Mendoza. Danielle ang tawag nila sa'kin. 15 years old at kasalukuyang 3rd year high school student.

3rd quarter na ngayong school year. Halos tatlong taon na akong nagtitiis makinig sa mga walang kwentang bagay na itinuturo sa'min.

Isang ofw ang papa ko. Close kami at kasama ko 'yon sa kalokohan. Wala akong kapatid. Si mama naman, kasama ko sa bahay pero laging mainit ang dugo sa'kin. Hindi ko alam kung bakit. Minsan, iniisip ko nang ampon ako, kaso kamukha ko naman siya.

----

Bago ako pumasok sa Section A, dumaan muna ako sa F para puntahan ang mga kaibigan ko.

Sa kasamaang palad, nasa star section ako kahit hindi naman ako matalino. May tiyahin lang akong backer dito. Si mama ang nagpumilit na ipasok ako sa section na ito kahit wala naman akong pakialam d'yan. Gusto nila, ilagay nila ako sa Z kung may Z pa eh. Mas okay pa 'yon kaysa makasama ang mga estudyanteng halos magpakamatay na para lang makakuha nang matataas na grades. Kalokohan!

"Hoy Danielle! Ang aga-aga, nakasimangot na naman 'yang pangit mong mukha." bastos na bungad ni Bryan sa'kin.

"Si tita na naman no?" tanong ni Mark sabay upo doon sa bench na katapat lang ng room nila.

"Sus! Ano bang bago?" komento ni Daren habang hindi nakatingin sa kahit na sino sa'min dahil naghahanap na naman siya ng babae.

"Ano ka ba? Hindi ka pa nasanay." si Neil sabay hawak sandali na balikat ko para i-comfort ako.

"Paano kasi? Ang tamad-tamad mo kaya palagi kang napapagalitan. " pahabol na komento ni Chris habang busy sa pakikipag-text.

"Ay wow? Nakakahiya naman po sa mga kasipagan niyo, ano po?" singhal ko sa kanila.

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon