2nd Novel: From a Distance (Prologue)

5.1K 84 2
                                    

Crushes.

Everytime na ito 'yung topic ng mga kaibigan ko, nandoon ako at handang makinig, handang maki-kilig, pero walang maiaambag sa usapan.

Halos lahat tinatanong kung abnormal nga ba ako dahil wala akong hinahangaan. Ewan ko. Hindi ko na rin alam.

Minsan, mapapaisip ka na lang na oo nga, nakaka-miss pala 'yung feeling na ganun. 'Yung bukod sa papasok ka sa school dahil kailangan, papasok ka rin dahil may gusto kang makita. Kapag sinuwerte, baka makausap mo pa.

Noong first year college kami, nagkaroon ako ng crush sa crush ng friend kong si Charity. Si Trent. Pero saglit lang. Two months? Hindi ko na matandaan. Basta isang araw, dumaan na lang siya sa harapan ko, wala ng epekto.

Madalas din mapag-usapan ng mga kaibigan ko sina Gerome at Xander. Ahead sila sa'min nang isang taon. Medyo sikat sa school. Alam mo na, 'yung tipong maraming likes sa Facebook at Instagram. Kinakikiligan kapag nakakasalubong sa hallway.

Actually, si Xander, mula first year kami, Xander as is. Medyo manly na talaga.

Si Gerome, 'yung tipong nerd. Naka-eye glasses at naka-braces at madalas tahimik lang. Pero noong third year na sila, iba na 'yung dating niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa bagong hairstyle niya na mukhang Korean dahil sa bangs at pagka-chinito niya kapag ngumingiti, o dahil ba mas naging firm ang pangangatawan niya.

Kilala ko lang sila, pero wala akong pakialam noon. Balik ako sa dati. Taga-yieee sa usapan ng mga kaibigan ko. Tinanggap ko na 'yung status kong ganito.

Pero 'di ba nga, maloko ang tadhana. Kasi kung kailan okay ka na, tyaka ka niya paglalaruan.

Nagkaroon noon ng seminar ang mga Business Management Students sa Audio-Visual room.

Kasama si Gerome sa mga sumasalubong sa mga estudyanteng pumapasok dahil vice president siya ng organization namin na siyang nag-organize ng event.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya dahil madalas nga siyang pag-usapan sa'min.

Pero hindi ko inaasahan na titingin din siya pabalik sa'kin. Maybe...two seconds of awkward staring moment.

Then he smiled.

So I smiled back.

That was it. That was the exact moment na muli kong naramdaman na normal pa pala ako. My heart started to beat faster than it usually does.

Hanggang sa hindi na siya mawala sa isipan ko.

He made me remember how it felt to actually like someone...'Yung kilig, 'yung saya, 'yung mga simpleng pagpapapansin.

Pero nakalimutan ko na kapag may nagugustuhan ka, hindi nga lang pala puro saya. Dadating at dadating 'yung punto na iiyak ka, malulungkot, masasaktan.

Masasaktan... na tipong hihilingin mo na sana nga, hindi mo na lang siya nagustuhan.

----

Author's Note:

If you want to check this story out, just visit my profile and works. From a Distance is my 2nd completed novel here in wattpad. This story would tell you how everyone of us, even just for once, loved someone from a distance.

Thank you so much to all of you guys who supported and still supporting Forever: A Part of Me. Years have passed, but my gratitude never faded. Lovelots!

You can follow me on my Instagram: @jeyemnida and subscribe to my YouTube Channel: Jeyem. E.

Thanks guys! Xoxo.

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now