CHAPTER 25: LIKE BEFORE

5.4K 137 21
                                    

( Play the music on the side.. Para sa chapter na 'to. Wala lang. Trip lang.)

DANIELLE'S POV

"Dan.Bakit ka pala nag missed call kagabi? Sorry ha?Naiwan ko kasi yung phone ko sa bahay. Pumunta kasi ako kila Alexa. May binigay lang ako.." mahabang eksplanasyon ni Neil..

"Tss! Alexa.. Alexa.. Talagang nakalimot ka na dahil kay Alexa ha?" pagbibiro ko..

"Dan naman.. Sorry na.. Bakit ka ba napatawag?.."

"Bakit aalamin mo pa e wala ka naman ng magagawa?.."

"Dan.. Sorry na talaga.. Ano ba kasi yun? Promise.. Babawi talaga ako.."

"Hahahahaha.. Joke lang! 'To naman.. Ayos lang yun.. Wala naman.. Mangangamusta lang.. Hahaha.."

"Di ka galit?.."

"Hindi... Bakit naman ako magagalit?.."

"Dahil.. I-inuna k-ko si Al-Alexa.."

"Nyahahaha.. Utal utal talaga ha?.. Ok na nga yun! Asa ka naman.. Ok na sa akin si Alexa no.."

"O, e bakit parang galit ka?.."

"Hindi nga.. Tanga to.. Pinagtitiripan lang kita.."

"Weh? Eh bakit hindi man lang kayo naging friends ni Alexa?.."

"Dahil ba girlfriend mo siya, dapat maging friends kami?.."

"Hindi naman.. pero - - -"

"Neil.. Tanggap ko na si Alexa.. At wala na nga akong nararamdaman sayo.. Pero hindi ako makikipagkaibigan sa kanya.. Kahit pa binigyan niya ako ng gift nung Christmas.. Kasi... ayoko talagang makipagkaibigan sa mga babae.."

"Ha.. Grabe ka.. Ok fine.. Nakalimutan kong TOMBOY ka nga pala.."

Tumawa ako at ganun din siya..

Nakaupo kami ngayon sa may bench sa tapat ng room namin..

Wala pa sila Daren.. At nung nakita ako ni Neil na nakatambay mag isa dito, nilapitan niya ako para lang itanong kung bakit ako tumawag kagabi..

Tungkol sa nangyari?..

Wala..

Pagkatapos nung speech ni Daren na nakapag speechless sa akin, natahimik kami pareho..

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now