Special Chapter One: The Civil Engineer

5.8K 109 40
                                    

TIME: ONE YEAR LATER AFTER DANIELLE'S BOOK SIGNING

NEIL'S POV

"Ano, wala pa ba taong ibon?"

"G*ago ka Neil ha! Utang na loob naman, 22 years old na tayo, taong ibong pa rin?"

"Eh bakit? Kahit naman tumanda na tayo, hindi mababago ang katotohanang iyon. Ikaw, ChrisJansen T. Mulawin ay habang buhay na taong ibon. "

"Fvck you!"

"Fvck you too!"

"Hoy, ang iingay niyo! Bakit niyo ba ako pinapunta dito? May ginagawa pa akong program ngayon. Kailangan ko ng maipasa ang proposal."

"Leche, Mark! Kararating mo nga lang dito, iyan pa ang unang ibubungad mo sa amin. D*mn you and your program!"

Inirapan lang ni Mark si Chris. Wait. Nasaan kami?

Nasa bar. Naisipan lang magkasiyahan. Sabado kasi ngayon and day - off naming lahat. Well, except Bryan. Pero alam naman namin na pwede siyang magleave.

"Where's Daren?" tanong ni Mark.

"I am outta here!"

"Tengene niyo! Nagkatrabaho lang kayo, naging englishero na?"

"Huwag ka ng mangialam dito taong ibon. ituloy mo lang iyang pagkontak mo kay Bry."

"Utusan ako, ganun?"

"Isa pang reklamo, ikaw ang magbabayad ng lahat ng kakainin namin ngayon."

"Wala namang ganyanan. Wala akong project ngayon oh."

Tinawanan lang namin si Chris. Itinuloy niya na ang pagtawag kay Bryan. Kanina pa kasi kinikontak, hindi man lang sinasagot ang phone.

"Si Danielle mga fre, pupunta?" tanong ni Daren.

"Tengene mo fre! Bar ito! Papupuntahin mo si Danielle? All the boys muna!"

"G*go ka Neil. Lalaki iyon, nakalimutan mo na ba?"

"Hahahahahaha. Shet, oo nga pala. Hindi lang ako sanay. Tae, yung totomboy tomboy na yun, nagsusulat ng romance story? What the f*ck?!"

"At least may na - publish na siyang story? Nabasa niyo na ba?"

"Chapter 10 pa lang ako Mark. Pero hindi talaga ako makapaniwalang si Danielle ang nagsulat nun. Look, sikat na sikat na din siya ngayon, just because of her story."

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now