Two

12.4K 236 24
                                    

DANIELLE'S POV

"So para makuha mo 'yung sukat ng right triangle, pwede kang gumamit ng phytagorean theorem--blah-blah-blah..."

Sa totoo lang, wala akong maintindihan. Diri-diretso siya sa pagsasalita, samantalang ako ay patuloy lang na nilalaro ang bangs ko. Wala rin naman kasi akong pakialam.

"Gets mo na?" tanong ni James.

"Huh? Ah, oo. Oo naman, gets ko na." pagsisinungaling ko hoping na sana makauwi na ako.

"Good. Then solve this."

Natameme ako sa sinabi niya. May tinuro siyang isang equation sa papel bago inabot ang ballpen. Anong isasagot ko dito eh as in zero percent 'yung naintindihan ko? Bahala siya sa buhay niya.

"Ano bang ginagawa mo?!" galit na tanong niya.

"Nagsu-solve! Sabi mo i-solve ko!" pagalit din na sagot ko.

"Niloloko mo ba ako? Eh puro 1 + 1 = 2 'yang nasa papel mo eh!"

Inirapan ko lang siya. Hindi ba obvious? Kasi nga, gusto ko nang umuwi. Ang epal epal naman nito eh.

Kinuha niyang muli ang ballpen at papel.

"Uulitin natin, and PLEASE, makinig ka na."

Napabuga ako nang hangin sa sinabi niya. As if namang gusto kong makinig kahit pa ilang beses niyang ulit-ulitin 'yang pentagon--python--kung anumang theorem 'yan!

"Ayoko na! Uuwi na ako. May ibang araw pa naman eh." tumayo na ako at akmang aalis. pero hinawakan niya ang braso ko.

"Hindi pwede. Tyaka, nakalimutan mo na ba? Nasa akin ang bag mo at nandito ang cellphone mo. Hindi ka makakaalis. "

Argh.

"Leche! Bakit ba kasi ang sipag mong mag-aral?"

"Eh bakit kasi ang tamad mo?"

"Argh! Ayoko na talaga! Uuwi na ako."

"Danielle, hindi ka uuwi hangga't hindi mo natututunan 'to. Sobrang basic na nga nito eh."

Hindi madala sa pakiusapan 'tong bwisit na 'to.

"Okay fine! Ayusin mo kasi 'yang pagtuturo mo!" naiinis na usal ko at muling umupo.

"Wow! Ako pa talaga sinisi mo?"

Inirapan ko na lang siya ulit dahil alam ko namang hindi siya magpapatalo.

Nakinig na ako this time kaya nang may ipa-solve siya ulit, nasagutan ko na. Eh paano? Mukhang walang balak magpauwi 'to hangga't 'di ako natututo. Daig pa principal namin eh.

"Matututo ka naman pala eh."

"Okay na? Akin na 'yang bag ko! Uuwi na ako." tumayo ulit ako.

"Nope. Hindi pa pwede. "

"Bakit na naman?!"

"Right triangle pa lang ang alam mo. Pag-aaralan mo pa ang pagkuha ng angles ng acute triangles."

Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang inis sa lalaking 'to.

"Bukas naman o sa ibang araw, pwede? Hindi ka ba naaawa? Grabe ka namang tutor! Huwag kang magti-teacher ha? Kawawa estudyante mo!"

"Makinig ka na lang! Puro ka kasi reklamo."

Nag-make face ako na parang nagpapaawa at ginamit ang pinakamalaming kong boses. Sabi nila, palaging nagwu-work sa mga lalaki 'to eh.

"Uwi na ako please? Pumayag ka na po."

Bakas naman sa mukha niya na parang nandidiri. Don't judge. Kahit ako nandidiri sa ginagawa ko.

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now