CHAPTER 43: CHANGE

3.7K 96 7
                                    

DAREN'S POV

FIRST DAY OF CLASSES ( Senior High )

"4th year na tayo mga fre!.. Napasa na natin ang 3rd year! Hahahahahahahaha.."

"Hindi lang yung Bry, sikat na tayo.. Mas kilala ang mga seniors sa school kasi sila lagi ang maglilead, e di ano pa ba? Dadami na naman ang mga chicks ko.."

"Tsk. Hindi ka pa talaga nadala Chris ha? Sana may beki ka ulit na makatext.."

"Wag ganun Bry! Hindi mo man lang ako suportahan, hindi ka tunay na kaibigan!.."

"Tama na yan.Tama na yan. Ang gugulo niyo. Rhiane, welcome nga pala.. Sayang at hindi ka namin kaklase, pero ok lang yun, atleast, may kasama na si Dan sa A.."

"Thanks Neil. Wag sanang sumama ang loob mo, pero mas ok na ako sa A.. Ayokong magiging kaklase yung IBA diyan!."

"Hoy, ako ba ang pinaparinggan mo ha?!" tanong ko kay Rhiane.

Nagsisimula na naman siyang mangbwiset eh..

"Ha? May pinaparinggan ba ako??? Wala ah.. Kaw naman.." sagot niya na painosente lang ang mukha..

"Ang sarap mong sapakin ngayon!."

"The feeling is mutual.."

Nandito kami sa labas ng gate ng school..

Nagdecide kaming magkita kita dito bago pumasok..

Wala lang. Trip lang namin..

Maya - maya, dumating na din si Danielle..

Ganun pa rin ang ayos niya.. In short, TOMBOYIN pa rin..

LUMAKI lang yung bag..

Sa totoo lang, hindi pa ako masiyadong nakakamove on..

Mahirap.. Dahil ilang taon ko siyang minahal..

But I am trying..

"Danny the Great, lumaki ang bag mo ha?!"

Di pinansin ni Danielle si Chris, sa halip, tumingin lang kay Rhiane..

"Hindi pa ba tayo papasok?"

Natahimik kami sandali..

"Huh? K-kayo.. Hinihintay ko lang kayo.." sagot naman ni Rhiane..

"Ah Dan, nakalimutan mo na ba yung nakagawian natin? Hahahahahahahahaha.." pagpapaalala ni Chris..

"Huh? Nakagawian?"

"Oo.. Hindi tayo pumapasok tuwing first day di ba? Wala naman kasing ginagawa.. Puro pakilala lang.. Tara, mantrip na lang tayo!."

"Ah.. Ganun ba??? Hindi na.. Kayo na lang siguro.. Papasok ako.. May terror daw kaming teacher eh.. Kailangan kong pumasok, baka may ituro na agad yun.."

Napanganga kami sa sinabi ni Danielle..

"Sige, dito na ako ha? Ikaw Rhiane? Sasama ka ba sa kanila?"

"Ah, ha? Hindi na. Hindi.. Sasabay na ako sayo.."

Nauna ng lumakad si Danielle..

Bumaling naman sa amin si Rhiane..

"Ah.. Ah.. He-he-he.. Di-dito na ako.." tapos sumunod na siya kay Danielle..

Nagkatinginan kaming lima..

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now