Special Chapter Four: Sudden What?

6.7K 99 31
                                    

(A/N: Alam ko po. Matagal. Sorry na.Busy po. )

TIME: SIX MONTHS AFTER MARK AND SANDY'S STORY

DANIELLE'S POV

"Ma'am, ito na po 'yung news article na ginawa ko base doon sa aksidente sa Cubao."


Kinuha ng editor ko ang papel.

Inayos niya pa ang salamin niya habang nakasimangot na nagbabasa.

Nakakatakot talaga itong editor namin. May katandaan na. Hindi naman payat pero hindi rin mataba. Pulang-pula lagi ang lipstick.  Mga nasa 40's yata siya. at napakasungit! Menopausal yata.

Naghihintay lang ako habang binabasa niya ang article. Pinagpapawisan na ang noo ko at sobra-sobrang kaba ang nararamdaman ko. 

Pinagpuyatan ko kasi ang article na 'yon. Maikli lang pero hindi biro ang paggawa ng isang balita.

Tumalikod siya sa akin upang kuhain ang pulang ballpen sa table niya.

Sh*t. No. Please. No.

Parang unti-unting gumuho ang mundo ko nang isinulat niya ang napakalaking "Ayoko nito." sa papel na pinasa ko.

Parang slow motion ang lahat.  Pati ang paggusot at paghagis niya sa trash can ng papel, parang naging sobrang napakabagal sa'kin.

Natulala na yata ako sa harapan niya.

"Ano?Hindi mo ba nakita?Rejected!Ulitin mo 'yon."

Isa lang ang masasabi ng utak ko. F**********CK!

"Ano pa bang itinatayo mo diyan?Kilos na!"

"O-opo m-ma'am."

Hindi ko na alam kung paano pa ako nakarating sa table ko.

Lugmok. Sobra-sobrang lugmok ako.

Pag-upo ko sa upuan sa harap ng table ko, wala akong nagawa kundi ang isubsob ang ulo ko sa table.

Nakakaiyak.

Kung nandito lang sana si James para ituro sa'kin ang mga mali ko.

Naramdaman ko na lang na tumulo na naman ang luha ko.

Nabasa pa ang isang bond paper na nakapatong sa table ko.

"Psssst!Lunch na!Kain ka muna,tomby!"

Napaangat ang ulo ko dahil narinig ko na naman ang boses ng taong kinabubwisitan ko.

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now