CHAPTER 21: START OF SOMETHING NEW

8.6K 150 28
                                    

JAMES'S POV

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNGGGGG! ~~

"Ugh..."

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNGGGGG! ~~

'Peste!'

KRIIII - - -

"Oo na! Oo na! Babangon na nga eh!"

Inis kong kinuha ang alarm clock at inoff..

"Bakit kasi nag aalarm ka pa?! Eh wala na namang pasok?! Papansin ka na naman eh noh? Ang ingay ingay mo! Di ka nakakatuwa!" bulyaw ko sa mismong alarm clock sabay padabog na binalik sa side table..

*krrriiikkk* (door opens)

"A-anak? James, ok ka lang ba?"

Nagulat ako sa biglaang pagpasok ni mama.. Bakas sa mukha niya ang pag aalala..

Umupo siya sa bandang ibaba ng kama ko..

"Narinig kitang sumisigaw eh. May problema ba?"

"Mmmm..Wala po. Ok lang po ako.."

"Mukhang puyat ka ha? Pwede ka namang matulog ulit. Wala na naman kayong pasok.."

"Hindi na ma.. Sige lang po. Ayos na po ako.."

"Sige.. Bumaba ka na para makapag breakfast.."

"Sige po."

Tinapik niya muna ako sa balikat bago tuluyang lumabas..

Kainis! Kainis naman talaga oh!

Anong oras na ba ako nakatulog?..

Mukhang wala pa ngang isang oras, nag alarm na agad yung alarm clock. Peste'

Nagflashback na naman yung nangyari sa amin kahapon..

"Huwag mag alala Di kita pababayaan

Sa iyong tabi, ako'y iyong mahahawakan."

Naalala ko yung tinginan namin habang kinakanta namin yun.

*dug dug*

*dug dug*

Date ba talaga yung nangyari?

Hi -hindi naman di ba?!

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now