CHAPTER 29: SHE SHOWED UP AGAIN

5.2K 118 13
                                    

DANIELLE'S POV

MONDAY

Naglalakad ako papasok sa school ngayon.

Di ko pa rin maiwasang isipin yung nangyari nung Biyernes.

Pero wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin eh. Yun lang naman palagi. Yun lang.

Naglalakad ako ng nakatungo dahil wala talaga akong gana.

Pagdating sa tapat ng room, papasok na sana ako kaso may humarang sa pinto. Hindi lang isa, LIMA sila. Alam na!

"TADA! CONGRATULATIONS!!!" sabay sabay nilang sigaw.

Poker face naman ako.

"Ano yan?"

"Tanga Dan? Tanga? Di mo ba nakikita? Banner ang tawag diyan. Banner!." pagmamayabang ni Bryan.

"Anong banner? hahaha. Banner na gawa sa short bond paper at may nakasulat lang na CONGATULATIONS gamit pa ang pentel? Wow ha?! Effort na effort kayo. Hindi kaya tapusin ng lima yan."

"Aba't choosy pa." si Chris.

"Hahahahaha. Joke. Pero salamat."

"Welcome!!!." sabay sabay nilang sigaw.

"O mawalang galang na kahit di kayo kagalang galang, lumayas na kayo diyan, papasok na ako."

"Grabe! Di ka man lang ba natutuwa na nandito kami?" si Bryan na naman na kunwari ay naiiyak.

"Bakit ako matutuwa? E araw araw ko naman kayong nakikita."

"Hindi tayo nagkita ng 2 days Dan! 2 days!." sabat na naman ni Chris.

"Hahahahaha. Tama na nga yan. Anyway, kamusta na pala Dan? Anung sabi ng mama mo?" pigil ni Neil sa pag eemote nung dalawa.

"Ah? si mama? Bakit? May dapat ba siyang sabihin?"

"Oo naman no! Ano ka ba!~ Siguro naman, natuwa din siya na tumaas yung grades mo.."

"Ah oo naman! Tuwang tuwa nga siya eh."

Mukha naman silang natuwa except kay Mark.

"Talaga?"

"Oo, tuwang tuwa si papa. Hahaha. Pagbutihan ko daw hanggang 4th grading para matupad yung promise niya."

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now