Four

9.3K 186 27
                                    

DANIELLE'S POV

Late na ako. Magpa-panic na sana ako kaso wala nga pala akong pakialam. 

Katulad nang inaasahan, sarado na ang main gate pagdating ko. Lalo tuloy akong tinamad pumasok. Maggagala na lang ako. 

Naglakad ako papalayo sa school nang biglang mag-ring ang phone ko. 

Nag-flash sa screen ang pangalan ni Neil. Muli na namang tumibok nang mabilis ang pangalan ko lalo na nang marinig ko ang boses niya sa kabilang linya. 

"Hello, Dan! Buti sumagot ka. May klase ka ngayon 'di ba?"

"Huh? Ah, hindi. Wa---"

"Dan, sorry. Ibababa ko na 'yung phone. Nandiyan na raw 'yung teacher namin. Sabay tayong mag-lunch mamaya."

"Huh? Teka---"

Magpapaliwanag pa sana ako na wala ako sa school kaya lang nagpaalam na siya at ibinaba ang phone.

Ilang segundo lang akong nakatitig sa phone ko. Tina-try ko pang i-process 'yung pinag-usapan namin ni Neil. 

"Sabay tayong mag-lunch mamaya?"

Ibigsabihin ba nun, sabay kaming mag-lunch na as in kami lang dalawa? Kung ganun, kailangan kong pumasok. Sayang 'yung pagkakataon na 'to no. 

Nag-isip ako sandali. Tyaka ko naman naalala ang gate 2. 

Sigurado kasing wala akong pag-asa dito sa main gate kahit lumuhod pa ako sa guard, pero sa gate 2, kayang akyatin 'yung bakod dun. 

Agad akong tumakbo papunta doon at inakyat ang bakod. 

Kaya lang, medyo nahihirapan ako dahil dumudulas 'yung sapatos ko at hassle 'yung palda. 

Nakasampa na ako sa bakod. Bubuhatin ko na lang 'yung sarili ko paangat. 

Sa likod ng canteen ang gate na ito. Sigurado naman akong wala pa masyadong tao dahil hindi pa naman oras para sa recess. 

Handa na sana akong tumalon nang may biglang lalaking sumulpot sa mismong space na babagsakan ko. 

"Tabi!"

Pero huli na ang lahat dahil nawalan na ako ng balanse at tuluyan nang nahulog. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko hanggang sa maramdaman ko na lang na nadaganan ko siya. 

Nang idilat ko ang mga mata ko, lalo akong nagulat nang malaman kung sino ang lalaking ito. 

"Ikaw?" halos sabay naming sabi. 

"Anong ginagawa mo dito?" sabay na naman kami.

Nang ma-realize na nakadagan pa rin ako sa kanya, agad akong tumayo at inayos ang damit. 

Huminga ako nang malalim dahil sa inis at pagkapahiya. Sa lahat naman ng lalaki, bakit itong James Bond na ito pa?

"Late na ako, kaya dito ako dumaan." maikling paliwanag ko. 

"Sino ang matinong babae ang aakyat sa bakod para makapasok?"

"Edi ako! Kita mong kagagawa ko lang 'di ba?"

"Sorry Danielle, pero hindi ka babae at lalong hindi ka matino."

Tiningnan ko siya nang masama. 

"Bakit ka ba kasi nandito?" masungit na tanong ko. 

"Canteener ako. "

Tyaka ko lang naalala na T.L.E ang kasalukuyang subject namin ngayon. Bawat araw, may group na naka-assign bilang canteener. Pumupunta sila sa canteen sa T.L.E time para maglinis, tumulong sa mga pag-aayos ng paninda at kung anu-ano pang pwedeng maitulong sa mga school staff. 

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now