Special Chapter Three: Computer Programmer

5.4K 89 17
                                    

(A/N: Ayan! Ilang araw, linggo, buwan na nga yata ang lumipas bago ko 'to ma-update.Kaloka! Pero ito naa.Sorry kung mabilis ang mga pangyayari. Remember. Special Chapter ito. Just think about the time na nilalagay ko. Imagination niyo na ang nakatoka sa pag-iisip ng nangyari sa mga panahong 'yon, bago ito. 

Sa mga IT students, please bear with me. Hahaha. Itong chapter na 'to, more on IT stuff, and wala akong kaalam-alam doon. Hello. Journalism student ako. Haha. Kaya 'yung mga scene dito, like evaluation, team, and stuff, imagination ko lang lahat 'yun. So please, wag masiyadong maniwala na ganito ang settings pag nagkatrabaho kayo. ^_^ Wala akong pinagbasehan. Pure imaginations )

TIME: THREE MONTHS AFTER CHRIS'S CHAPTER

MARK'S POV

"Mark, are you done with your program? Di ba, pinapagawa ka ng proposal and then schedule ka na para sa evaluation next week?"

"Sir? Ah. Opo. I am done with the program. Pero may inaayos pa po ako kasi may part po na parang ang hirap i-access."

"Ah. You should work for that."

"Yes sir. I will. Thank you for reminding me."

"Your welcome. Alam mo namang isa ka sa mga favorite programmers ko dito sa company. I'll get back to work. "

Tumawa lang ako sa sinabi ni sir. Hindi naman siya ang pinaka-boss dito,actually, pero isa na siya sa mga may matataas na position. Actually, kasama na nga siya sa evaluators tuwing may program proposal.

Ano 'tong work namin? Illegal 'to! Nanghahack kami ng accounts tapos nagpapakalat kami ng fraud products. 

JOKE LANG! Hahahaha. Edi najombagan ako ni Danielle. 

Gumagawa kami ng programs na makakatulong sa tao. Makatulong naman eh no? Haha. Para madaling maka-access at maimprove pa ang technology,

Mahirap? Oo naman. Ang sakit kaya sa ilong! Hello sa programming language! Kaya nga minsan, nakukutusan ako ng tropa dahil hindi nila maintindihan ang mga sinasabi ko.

Si Danielle rin naman. May jargon din kaya sila sa Journalism! Depensa niya, "Eh 'yong sakin, sa dyaryo ko lang ginagamit! Tiyaka sa office! Pero ikaw, kami kausap mo, alien language ka pa rin! Sapakin kita d'yan eh!.' Oo, kasama talaga dapat 'yong sapakin kita dyan. Alam niyo naman si Danielle. Sadista.

Magtu-two years na ako sa trabaho kong 'to. Wala naman akong planong umalis kasi masaya naman rito. Gusto ko ang ginagawa ko plus approachable ang mga kasamahan. Well, except sa isa.

Pero darating rin siguro 'yong time na aalis ako dito at maghahanap ng ibang trabaho. Syempre, dapat masubukan ding lumabas sa comfort zone ko,

Sa aming magtotropa, boys lang, hindi kasama si Danielle. Teka! Lalaki nga pala 'yon! Pero anyway, sa amin nga, ako na ang may pinakamababang sweldo. Haha.

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now