Three

11.1K 210 11
                                    

DANIELLE'S POV

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung dapat ba talaga akong magpaturo sa lalaki na 'yon. Parang hindi ko talaga kaya. 

Naiisip ko na ngang humingi ng tulong kila Neil, pero ano namang mapapala ko? Wala ding alam 'yung mga 'yon. 

Sigurado naman akong hindi ko rin kaya mag-sariling sikap kahit ilabas ko pa 'yung utak ko. 

Bakit naman kasi repeater agad? Sabagay, malamang puro palakol 'yung grades ko. Bukod sa marami akong bagsak na major exams,  marami rin akong cutting. 

JAMES' POV

Kasalukuyang recess time namin ngayon at nandito sa harapan ko si amasonang tomboy para kulitin akong turuan siya. 

Matapos niya akong kagatin? Nagpasa 'yung balikat ko dahil sa kanya. Hindi ko na alam kung ngipin pa ba 'yung ngipin niya o martilyo na eh. 

"James Bond!"

Hinawakan niya ako sa balikat kong may pasa kaya na-aray ako. Tumaas naman ang kilay niya. 

"Hinawakan lang sa balikat eh? O.A 'to!"

"Tanungin mo 'yang ngipin mo nang malaman mo!"

Hindi ko na siya pinansin dahil naiinis pa rin talaga ako. Patuloy naman siya sa pangungulit. 

"James Bond, turuan mo na ako!"

"Akala ko ba ayaw mo?"

"Ayaw ko nga! Pero ayoko rin maging repeater."

Siga talaga siya magsalita. Bakit ba ganito 'to?

Tinanggihan ko pa rin siya, pero pumunta siya sa kabilang side ng balikat ko at akma na namang mangangagat. Bakit ba ang hilig mangagat nito? Putik, aspiring pit bull yata 'to eh.

"Oo na! Tuturuan ka na! Huwag mo nang dagdagan 'yung pasa ko!"

"'Yon! Kailan mo ako tuturuan Mr. James Bond?"

"Pwede ba? James Esquivel ang pangalan ko. Hindi James Bond! Lunch break na lang diyan sa tapat ng room. Agahan mo ha? Ayoko nang pa-late late."

"Okay, Mr. James Bond!"

"Umalis ka na para makapagbasa na ako nang payapa!"

Inirapan niya lang ako. 

Siya pa talaga ang may ganang mag-sungit? Napakagaling din. 

----

DANIELLE'S POV

Nang dumating ang lunch break, kumain ako sa canteen bago pumunta sa usapan namin ni James Bond. 

Hindi ko kasabay sila Neil dahil mamaya pa raw sila kakain.

Natapos ako nang mga 12:20 p.m. Ito na ang pinaka-maagang time na natapos akong mag-lunch. Kahit tinatamad ako, dumiretso na ako sa room para sa usapan namin ni James. 

Pagdating ko, nakaupo na siya sa bench sa tapat ng room. 

"Anong oras ba ang maaga sa'yo?" naiinis niyang bungad nang makita ako. 

"Bakit? Maaga pa naman ah?"

"12! 12 nn ang maaga!"

"Grabe ka naman, 11:45 labasan natin, tapos gusto mo, 15 minutes lang tapos na kumain? Anong akala mo sa'kin, sundalo?

"Tamad ka na nga, ang bagal-bagal mo pang kumilos!"

Nag-make face na lang ako sa kanya. Dami-daming satsat. Pwede silang mag-collab ng nanay ko sa mga rap nila eh. 

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now