Six

7.8K 182 12
                                    

DANIELLE'S POV

"James Bond, hindi ko talaga 'to kaya." sumimangot ako na para bang sobrang hopeless na. Sa totoo lang 'yon talaga ang nararamdaman ko ngayon. 

"Ganyan ba talaga kahirap sa'yo ang mag-aral?"

Tumingin ako sa kanya na ngayon ay parang hindi makapaniwala sa inaakto ko. 

"Oo. Hindi ko na rin alam. Tyaka, 'wag kang mao-offend ha? Pero parang hindi ko talaga kayang matagal kitang nakakasama."

Tyaka naman siya umirap dahil sa sinabi ko. Eh gusto ko lang naman maging honest, bakit ba. Masyado kasi siyang seryoso at masungit at puro aral. 

Kasalukuyan kaming nasa cottage ng school garden ngayon. Malawak kasi ang parteng ito ng school. Puro carabao grass ang paligid at may dalawang malaking cottages. Minsan, 'yung mga estudyanteng may baon, dito kumakain. Minsan, may mga nag-aaral dito o kaya mga organizations na nagmi-meeting. Relaxing kasi ang lugar na ito. 

Wala kasi kaming klase ngayon dahil may seminar na kailangan puntahan ang mga teachers namin ngayong morning classes. 

Kanina pa kami dito, pero wala pa sa kalahati ang natapos kong pag-aralan. Pagod na pagod na 'yung utak ko. 

"Kailan ba ang exam mo?" tanong niya. 

"Next Friday."

Huminga siya nang malalim. 

"Okay sige. May one week ka pa naman. Ganito na lang, papayagan kitang huwag munang mag-aral ngayon."

"Pero?"

"Pero  may gagawin tayo. Tutal sinabi mong hindi mo ako matagalan na kasama. Ganun din naman ako sa'yo, pero pumayag lang akong turuan ka dahil mukhang seryoso ang dahilan mo."

Kumunot naman ang noo ko. 

"Maglalaro tayo ng getting to know each other."

Lalo akong naguluhan. 

"Getting to know each other?  'Di ba para sa mga nagdi-date 'yon?"

Sumimangot naman siya. 

"Hindi lang ang mga nagdi-date ang pwedeng mag-getting to know each other. Gagawin natin 'to para magkakilala tayo nang mabuti.. Pareho kasi tayong asar at hindi komportable sa isa't-isa. Malay mo, dahil dito, malaman natin na may bagay naman pala tayong mapagkakasunduan."

Napaisip naman ako at tumangu-tango. May point naman siya doon. 

----

JAMES' POV

"So paano natin 'to lalaruin?" 

"Simple lang. Magtatanong tayo ng kung anu-ano, tapos sasagutin natin pareho."

Pumayag naman siya at sinabing ako na ang magsimula. 

"Full name?"

Napabuga naman siya ng hangin dahil sa tanong ko. 

"Anong klaseng tanong 'yan? Edi sana sumagot na lang ako ng slambook!"

"Sumagot ka na lang, pwede?"

Puro reklamo na naman siya, as usual. 

"Daniella Louise Mendoza." bored niyang sabi.

"James Marvin Esquivel."

"Oh, may Marvin ka pala. Anyway, birthday?"

"August 21." sagot ko. 

"September 12."

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now