CHAPTER 45: GIVING UP

3.7K 104 22
                                    

DANIELLE'S POV

Mas okay na ako ngayon kaysa kahapon..

Syempre, dahil bati na kami ni James..

Pero hindi pa rin ako ganun kasaya dahil hindi pa rin ako pinapansin nila Daren..

O sadyang busy lang sila?

Ewan..

Nakakalungkot kasi namimiss ko na rin yung samahan namin dati..

Yung mga trip.. Harutan.. Asaran.. Pikunan..

Nakakamiss yun lahat..

Tapos sinira ko lang..

Sa ngayon, naglalakad ako sa corridor papunta sa faculty..

Ako kasi yung pinakolekta ng mga papel namin sa quiz sa Filipino na 1st subject namin ngayong 4th year..

"Ate Danielle, totoo bang mamamatay na si Kuya James?"

Napatigil ako sa paglalakad ng dahil sa tinanong ng babaeng estudyante na nasa gilid ko ngayon..

"Ano kamo?"

"Si kuya James po, totoo po bang mamatay na siya?"

"Saan mo nakuha yan?!" galit na tanong ko dun sa estudyante..

"A-ate Danielle, wag p-po kayong magalit.. Ku-kumalat lang po yun sa r-room.. Na-narinig ko lang pong pina - uusapan ng mga kaklase ko.. S-sorry po ate Danielle.."

"Anong year ka na?!"

"Se--second y-year po.."

"Anong section mo?"

"II B p-po.."

"Sige na, makakaalis ka na.."

"S-salamat p-po ate.."

Inis akong tumuloy sa paglakad at pinasa yung mga papel sa faculty..

Pagkatapos, bumalik muna ako sa room para umattend sa next class namin na Trigonometry..

Naalala ko na naman si James..

Kung kailan mas humirap yung Math, tiyaka pa siya nawala para turuan ako..

Nakakamiss yung mga panahong nag aaway kami dahil lang sa pagtututor niya sakin..

Tsk. Nagdadrama na naman ako..

Napapadalas na ang pagdadrama ko eh! -,-

- - - -

BREAKTIME

Pumunta agad ako sa room ng II B..

Sinilip ko dun yung babaeng estudyante kanina na nagtanong sa akin..

"Psssssst!."

Tawag ko nung makita ko siya..

Halata sa mukha niyang takot siya pero lumapit din siya agad..

"B-bakit p-po ate Danielle?"

"Anong pangalan mo?"

"J-jenny po.."

"Ok, Jenny.. Ituro mo sa akin yung mga kaklase mong nag uusap usap kanina about dun sa tinanong mo sa akin.."

"Po? Ate? Wag na po please... Wag na po kayong magalit.. Sorry na po.."

Forever: A Part Of Me (Published Under Lovelink) [Editing]Where stories live. Discover now